Thursday, December 23, 2010

Wag Mong Hanapan ng Pamagat

Ni minsan ay di ko pa nasubukang
Maging malaya sa pagsulat ng tula
Laging merong bilang, sukat at tugma
Pero ngayon ay susubukan ko kung paano ang malaya
Kaya walang pamagat ay dahil sinadya.

Gusto ko lang maging totoo sa pagsulat ng damdamin
Gusto ko ring ibahagi ang aking saloobin
Pero ewan ko ba kung ba’t gumagana pa rin
Ang pagtutugma kahit di ko man sadyain.

Wag mong hanapan ng pamagat, kuntento na ko dito
Sabihin mo mang pangit at baduy ang tula ko
Wala lang magawa kaya ito’y sinulat ko
Kahit pa sa ngayon, ako ay tila sira-ulo

Oo na, sige na, parang adik lang ang sumulat
Dahil sa kagandahan ang tulang ito’y salat
Wag ka na lamang magtanong kung ba’t ito ang sinulat
Di ba sabi ko naman “wag mong hanapan ng pamagat”

Hahaha.. adik lang..

No comments:

Post a Comment

Related Posts with Thumbnails