Monday, May 2, 2011

Juanita Paula, ang tsismosang kapitbahay

Isang Maikling Kwento na hango sa malikot na kaisipan ng manunulat. It is recommended to read my other post, "Happy Mother's day, Mahal Kong Inay" before reading this one.



Isang umaga, habang nagwawalis sa kanilang bakuran, nakarinig ng malakas na kalabog si Juanita Paula. Ang kalabog ay nanggaling sa bahay nina Aling Kirsty kaya alam niyang may hindi na naman magandang nangyari. Ang tsismosang bakla ay agad nagtungo sa may bintana ng kapitbahay at sinilip kung anong nangyayari sa loob. Doon nya nakita ang umiiyak na batang si Perky habang inaalo ito ng panganay na kapatid na si Andrew. Nandoon din ang pangalawang kapatid ni Andrew na si Roy at halatang takot na takot ang tatlo.

Hindi lingid sa kaalaman ni Juanita Paula kung gaano kahigpit ang nanay ng mga ito at nakasisiguro siyang pag nalaman ito ng nanay ng mga bata ay mapapalo na naman si Andrew. Kung minsan ay naaawa na nga siya sa bata lalo na at sa tuwing papaluin ito ni aling Kirsty ay nananariwa sa isip niya kung paano siya binugbog ng kanyang tatay nang malamang hindi pala siya isang barako kundi isang “petrang kabayo”.

Isang linggo na lang at Pasko na, kaya naman maraming mga namimili sa palengke ng mga bagong damit at laruan. Kabilang na sa mga ito ang mag-inang Paulo Jonathan at Aling Arra.

“Nay, nay, gusto ko nun!” Ang malanding sabi ng batang si Paulo at nakaturong tila pumipilantik ang mga daliri sa isang bestida.

“Anak, baka nakakalimutan mo, ang bibilhin natin ay damit mo, hindi damit ng kapatid mo” anito na ang tinutukoy ay ang bunsong kapatid nyang babaeng si Marlene.

“Nay naman.. hindi ako nagbibiro noh, bestida talaga ang gusto ko.. matagal ko pong gustong magsuot ng bestida..” anitong nakapamewang pa.

Hindi malaman ni aling Arra kung matatawa o magagalit sa panganay na anak. Noon pa niya nahahalatang medyo malambot ito kumilos at kung minsan ay pumipilantik ang lakad pero hindi niya pinapansin. Ngayon ay parang kinakabahan siya. Alam niyang hindi magugustuhan ng kanyang asawang si Gaspar pag nalaman na bumigay na ang anak.

“PJ anak ko! Ano bang nangyayari sa yo!?” bulalas ng ginang.

“Inay, tsilaks ka lang.. bili mo po ako ng bestida at tyak na bongga ako sa Pasko! Gusto ko magpapansin kay Paul. Saka para mainggit din sina Krizzy at Marilou” anang binatilyo o mas angkop sabihing “dalagita” na ang tinutukoy ay ang mga kaklaseng tulad nito’y “malambot” din.

“Diyos ko, umuwi muna tayo anak, nahihilo ako at para akong hihimatayin, mag-usap tayo sa bahay” anang ginang nang mapaghinuhang seryoso ang anak. Hinila siya nito patungo sa sakayan ng traysikel. Habang daan ay tahimik ang ina at parang malalim ang iniisip. Ang bata naman ay natameme pero kumikibot kibot ang labi na parang may gustong sabihin sa ina. Pagdating sa bahay ay kaagad kumuha ng malamig na tubig si Aling arra at matapos uminom ay hinarap ang anak.

“Paulo Jonathan, magtapat ka nga sa akin.. lalaki ka ba o babae!” mahinahon pero madiin ang pagkakabitaw ng tanong.

“Bakla, mother!.. bakla po ako..” malanding tugon nito.

“At kelan ka pa naging bakla aber?!” tumaas na ang tinig ng ginang.

“Matagal na pwo..”

“Ha!? Sinong bakla?!!” tinig ng kanyang ama na noon ay papasok ng kusina. Isa itong pulis sa kanilang bayan at kinatatakutan ng marami dahil sa pagiging matapang. Sabay na napalingon ang mag-ina sa bagong dating. Tiklop naman ang tuhod ni Paulo Jonathan at nabalot ng takot ang kanina’y masaya niyang mukha. Alam niyang mahal na mahal siya ng kanyang nanay at mauunawaan siya nito pero takot siya sa kanyang tatay. Tumingin siya sa ina at nakita niyang parang maiiyak ito.

“O, bakit para kayong natuklaw na ahas dyan. Aba magsalita kayo.. ano yung narinig kong bakla. Sinong bakla ang pinag-uusapan nyo?” patay-malisyang tanong nito habang dire-diretsong kumuha ng maiinom sa ref. Kapwa naman walang imik ang mag-ina.

“Paulo Jonathan…?” baling ni Mang Gaspar sa anak kapagkuwan.

“Tay?” tila naumid ang dila ni PJ.

“Tinatanong ko kayo ng nanay mo, sinong bakla?” mariin ang pagkakabanggit nito sa salitang bakla, kaya lalong tumiklop ang tuhod ng binatilyo, este “dalagita”

“Ako po itay.. babae po ako..” nahihiyang amin nito makaraan ng mahabang sandali.

Biglang nagdilim ang paningin ng kanyang ama at hinablot siya sa kuwelyo.

“Kalokohan.. hindi ka babae.. hindi ka bakla, isa kang lalaki, naiintindihan mo?!”

“Hindi ko po maintindihan itay, babae po talaga ako..” nakayukong sabi ni PJ na noon ay umiiyak na.

“Tama na.. “ awat naman ni Aling Arra sa asawa.. “andyan na yan eh… tanggapin na lang natin”

“Hindi! Hindi ko matatanggap na magkaron ng anak na bakla, halika dito….!” Sabi ng kanyang ama sabay hila sa kanya palabas ng bahay. Dinala siya nito sa puno ng mangga ng maraming langgam at inutusan ang asawa na kumuha ng lubid. Kapagkuwan ay itinali si Paulo Jonathan sa puno. “Ayan! Pababayaan kitang kagatin ng mga langgam hanggang hindi mo sinasabing isa kang lalaki!”

“Wag po itay! Inay, tulungan nyo po ako.. itay, inay!” nagmamakaawa si PJ. Nagsisimula na siyang kagatin ng mga langgam pero hindi siya makapiksi dahil nakatali ang kanyang kamay at paa. Panay ang tulo ng luha sa kanyang mga mata.

“Bathala ng mga sirena.. tulungan mo po ako…” usal ni PJ habang umiiyak. Makalipas ang halos isang oras ay binalikan siya ng kanyang ama at tinanong. Kasunod nito ang kanyang ina na wala rin namang magawa.

“Ano, Paulo Jonathan.. siguro naman ay alam mo na ngayon kung ano ang totoong ikaw?.. isa kang matapang na lalaki, naiintindihan mo!?” sigaw ng kanyang ama. Nakita ni PJ na nakadungaw sa bintana ang ilan nilang kapitbahay at awang-awa sa kanya. Hindi siya sumagot sa halip ay tinitigan lang ang mga paang namumula at namamantal dahil sa kagat ng langgam.

“Magsalita ka Paulo!” Sigaw nito sabay hagupit ng sinturon sa mga binti niya. Namumula na sa galit si Mang Gaspar.

“Tay, tama na po.. hindi ko na po talaga kaya.. tay, lalaki po ako pero nararamdaman ko po na hindi ako tunay na lalaki..” ani PJ na noo’y hilam na sa luha ang mga mata.

“Aba! .. talagang malilintikan ka sa kin!” sabi nito, sabay hataw ulit ng sinturon. Halos mapapalahaw sa sakit ang bakla.


“Gaspar, hayaan mo na ang anak natin.. baka mapatay mo siya! Isipin mo na lang na kahit pilitin mo siya ngayon ay lalabas at lalabas pa rin ang tunay niyang pagkatao pagdating ng araw..” anang kanyang inay. Napatingin si PJ sa ama at naghintay sa reaksiyon nito subalit sa malayo nakatingin ang kanyang itay at blangko ang ekpresyon ng mukha. Maya-maya pa ay nagbuga ito ng hangin at walang salitang umalis.

“Naku, ikaw talagang bata ka, nakita mo na ang ginawa mo, pangarap pa naman ng itay mo na maging isa ka ring matapang na pulis pagdating ng araw..tingnan mo.. puro kasi babae ang kalaro mo kaya ka nagkaganyan” sabi ng kanyang ina habang inaalis ang pagkakagapos niya sa puno. Niyakap ni PJ ang ina pagkatapos. “Inay, sorry po at salamat.. hindi ko naman po sinasadya na maging ganito ako ‘Nay! Pinakiramdaman ko po talaga ang sarili ko at isa po talaga akong sirena!” aniya at pilit pinasasaya ang nanay nya. Napangiti naman ang ina at tinapik siya sa balikat, “Kaw talaga!”

“Nay, may pabor lang po akong hihilingin sa inyo..” aniyang nakayakap sa bewang nito.. “pwede po bang wag nyo na akong tawaging Paulo Jonathan?... tawagin nyo na lang po akong Paula! Juanita Paula!” malanding sabi niya sa ina.


“O sige anak, okey lang basta’t hindi kaharap ang iyong ama. Hangga’t maaari kapag andyan siya ay kumilos ka pa rin na parang totoong lalaki.” payo ni Aling Arra sa anak.

“Naiintindihan ko po ‘Nay!”

Masaya na si Juanita Paula sa pag-aakala niyang tapos na ang problema. Kahit papano ay nakahinga siya ng maluwag dahil tanggap na ng nanay niya kung ano siya. Bumalik rin sila sa palengke at binili nito sa kanya ang bestidang nagustuhan pero hindi ipinasuot sa kanya sa labas at baka makita ng kanyang itay. Nagkasya na lang si Juanita na isuot na lamang ang bestida kapag nasa loob siya ng kanyang kwarto. Lumipas ang mga araw at kibuin-dili siya ng ama. Bihirang-bihira siyang kausapin nito hanggang isang araw ay umuwi si Mang Gaspar na lasing na lasing. Pinalayas siya nito at hindi na napigilan pa ng kanyang Inay ng ipagtabuyan siya ng ama palabas. Yun ang dahilan kung bakit siya napadpad sa San Juan Batangas at nakilala ang pamilya ni Andrew. Labinlimang taon na ang nakalipas mula ng umalis siya sa bayan nila sa Pangasinan at magmula noon ay hindi na niya nakita ang pinakamamahal na ina.


“Hayyyyyy!” mahabang buntong hininga ni Juanita Paula matapos ang pagbabalik-tanaw. Bente-syete anyos na siya ngayon pero hindi pa rin niya kayang harapin ang ama.

“Kuya may tao ata!” ani perky nang mapansing may nakadungaw sa sala nila.

“Huh! Ang tsismosang si Juanita Paula kuya!” sigaw ni Roy.

“Sige, maiwan ko muna kayo dito at kakausapin ko si Juanita”, anang kuya Andrew nila.

Dali-daling lumabas ng bahay si Andrew subalit mabilis nang nakalayo si Juanita Paula. Sa pag-aalalang baka magsumbong ito sa kanyang ina ay sinundan niya ito hanggang sa bahay.


“Tao po! Tao po! Ate Juanita, anjan po ba kayo?” sunud-sunod ang katok ni Andrew. Maya-maya ay bumukas ang pinto at ang nakangiting si Juanita ang bumungad.

“Bakit Andrew, may kailangan ka ba?” malanding tanong nito.

“Ate, nakita po kayo ng mga kapatid ko na nakasilip sa bahay kanina, may alam po ba kayo sa nangyari?” kinakabahang tanong ng bata.

“Wala naman.. narinig ko lang na may lumagabog at pagsilip ko umiiyak na si Perky at parang narinig ko na pinagbawalan mo silang magsumbong sa nanay nyo..” parang nanunuksong sabi ng tsismosang kapitbahay kay Andrew. Alam ni Andrew kung gaano katabil ang dila ni Juanita Paula at kapag ginalit niya ito ay tiyak na magsusumbong ito sa nanay niya.


“Ate Juanita, please… wag mo namang sasabihin sa Inay, please…”

“Well.. ang lagay ba e ganun na lang yon?” nakapameywang na sabi nito at inakbayan siya. Lalong kinabahan si Andrew sa ginawing iyon ng bakla. Naalala niya minsan ang usapan ng dalawa niyang kalarong lalaki na umano ay “namolestiya” ng tsismosang kapitbahay. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig ng mga sandaling iyon at biglang nanigas sa kinatatayuan. Hindi niya namalayan kung paanong, nakapasok siya sa kwarto ng kung hindi pa niya nakita ang kama.

“Ate.. anong ibig sabihin nito?.. ate uuwi na lang po ako!” aniya at akmang tatakbo pero napigilan siya nito sa braso.

No comments:

Post a Comment

Related Posts with Thumbnails