Showing posts with label short-story. Show all posts
Showing posts with label short-story. Show all posts

Friday, September 16, 2011

Nasaan Na Ang Puso Mo?

This novel is especially dedicated to my friend, Era. Girl, I know how it hurts but you are a very determined person and a persistent one. Whatever happens, andito lang kaming mga friends mo at handang umunawa sa mga kapraningan mo.. hahaha! Mahal ka namin kaya hangad namin na lumigaya ka.

Let me re-post the quotes you had sent to me before so we can inspire others, ok? :)  

"Never rush for something to happen. Right things come at the right time when God permits. Sometimes moving forward requires you not to look back, not even a glance. Just let things happen if you know you've done your best and gave everything you can."

"When something has to happen, it will happen. It may take a little time but it is worth the wait. But being destined is not just leaving it all in fate. It's all about how you exert much effort proving that the two of you are rightfully meant to be."

Thanks everyone for dropping by. Enjoy reading! :)

(Ang mga pangyayari, lugar at tauhan sa kwentong ito ay pawang likhang isip lamang ng sumulat at hindi hango sa tunay na buhay)



Nasaan Na Ang Puso Mo?

Enemies turned to lovers. Ito ang tipikal na nangyayari sa karamihan. Sa una magkaaway pero sa bandang huli eh sila pala ang magkakatuluyan. Ganyan din ang drama ng buhay pag-ibig nina Eunice at Jim. Ang dating galit ng dalaga sa binata ay napalitan ng labis na pagmamahal dito. Kala ng marami ay wala ng magiging problema ang dalawa. Kung ang dalaga ay malambing at maalalahanin ganoon naman kabait at napakamapagmahal ng nobyo nito.

Subalit katulad ng ibang nagmamahalan, dumating din ang pagsubok sa kanilang pag-iibigan. One day, bigla na lang sinabi ng binata na hindi na sya mahal nito. That was unexpected. Alam ni Eunice kung gaano siya kamahal ng boyfriend kaya ganun na lamang ang gulat niya nang ito mismo ang makipaghiwalay sa kanya. Jim had suddenly changed into an aloof person. She demanded for an explanation but he was so distant to her that he didn’t even want to see her or talk to her anymore. Bakit ganun? Tatlong taon nilang inalagaan ang kanilang relasyon pero bakit ngayon ay parang bulang maglalaho ito? Masakit man but Eunice chose to move on with her life. Ngunit kung kelan namang handa na siyang kalimutan ito someone approached her at sinabing ‘ginayuma’ ang dati niyang kasintahan. That was the weirdest thing she had ever heard. 'Gayuma', totoo pa ba ito sa panahon ngayon? Hindi nya alam kung maniniwala siya o hindi subalit may bahagi ng puso nya ang gustong maniwala. Nabuhay ang pagmahahal niya sa binata na pilit niyang itinatago sa kubling bahagi ng kanyang puso. Alam niyang kelan man ay hindi nawala ang pag-ibig niya sa nobyo. Now it's her turn to win him back. She would like to discover kung totoo nga ang sinabi ng taong yun. Maybe that explains why Jim had changed all of a sudden.. maybe in the end they will still have a ‘happy ever after’… 

                                                      ----------  ooo  ------------

CHAPTER I

(to be continued..)




Sunday, July 17, 2011

Ang Kontrabidang si Perky at ang Naimbyernang si Juanita Paula

Ito ay isang maikling-kwento tumatalakay sa buhay ng isang baklang sabik sa pagmamahal. Ang mga pangyayari at tauhan sa kwento ay pawang likhang-isip lamang ng sumulat at hindi hango sa tunay na buhay. Mahalagang basahin ang aking naunang post: “Ang ‘Etsus’ na Araw ni Juanita Paula” upang higit na maunawaan ang takbo ng kwento.

Sabado noon. Maagang gumising ang magkakapatid na Andrew, Roy at Perky. Nangako ang kanilang inang si Aling Kirsty na ipapasyal sila nito sa ‘perya’ mamayang gabi kung magiging mabait sila at tatapusin ng maaga ang mga gawaing-bahay. Sabik na sabik ang magkakapatid dahil kapag sabado at linggo lamang sila nakakapamasyal sa labas. Mula Lunes hanggang Byernes ay abala ang kanilang nanay sa pagtitinda. Katulong nito ang magkapatid na Andrew at Roy na salit-salitang nagbabantay sa tindahan habang si Perky na noo’y pitong taong gulang pa lamang ay sige naman ang laro, bakasyon kasi sa eskwela. Mahal na mahal ng Inang si Aling Kirsty ang anak na bunso kung kaya’t hindi ito pinapagawa ng mga gawaing bahay. Katwiran nito’y masyado pang bata ang bunsong anak para danasin ang hirap ng buhay. Pero nang araw na iyon ay makikitang tumutulong si Perky sa kanyang kuya Andrew at Roy. Gamit ang maliit na basahan ay abala ang batang babae sa pagpupunas ng iba’t ibang pigurin na nakadisplay sa sala. Excited kasi si Perky na mag-‘perya’ sila. Siya nga ang humiling sa ina na pumunta sila doon. Ang ‘perya’ ay iyong parang munting karnibal na kakikitaan ng iba’t ibang mga pambatang sakayan o ‘rides’ at kung anu-anong klaseng laro gaya ng ‘color game’, ‘bingo’ at roleta. Kahapon kasing naglalaro si Perky ng ‘bahay-bahayan’ ay paulit-ulit itong ininggit ng kalaro nyang si Enteng na anak naman ng kapitbahay nilang si Mang Jim. Ang sabi ni Enteng ay marami na raw sakayan na makikita sa ‘perya’ kaya’t lalong nanabik na makapunta din doon si Perky. Maghapon niyang kinulit ng kinulit ang ina na magtungo sila roon at kalauna’y pumayag din ito. Hindi pa gaanong sibilisado ang lugar nila sa San Juan, Batangas subalit dinarayo ito ng mga ‘peryante’ kapag malapit na ang piyesta ng kanilang bayan.

Paggising ni Aling Kirsty ay nabungaran niya ang tatlong anak na abalang naglilinis. “O, ang aga nyo naman nagsigising mga anak!” bati nito.
“Siyempre po, Inay! Tatapusin po namin ang mga gawain kaagad para mamayang gabi ay pupunta tayo sa perya! Yehey!” tuwang-tuwang sabi ni Perky sa ina.
“Ah.. yun pala! Oo nga, nasabi ko pala kahapon.. O, e nag-almusal ba muna kayo?” tanong nito at dumiretso sa kusinang kanugnog lang ng kanilang sala.
"Opo Inay! Nagluto po ang kuya Andrew ng pritong itlog at hotdog saka nagsangag ng kanin.. kumain na po kami kanina.. " sagot naman ni Roy sa Ina.
“O syanga? Aba eh maaasahan talaga kayo mga anak.. Salamat Andrew sa pag-aasikaso mo sa dalawa mong kapatid…” wika nito.
“Wala pong anuman Inay. Nagtira po kami ng pagkain para sa inyo.. kain na rin po kayo dyan..” magiliw na sagot ng panganay ni Aling Kirsty. Palagay na ngayon ang loob nito sa ina at hindi na takot na tulad ng dati. Noon kasi ay palagi itong napapalo at napapagalitan pero noong isang linggo lamang ay sumulat si Andrew sa ina at sinabi rito ang saloobin kasabay ng pagbati dito ng ‘Happy Mother’s day’. Hindi malilimutan ni Andrew ang araw na iyon na siya na yatang pinakamasayang araw sa buhay nya. Nalaman nya mula sa ina kung gaano siya kamahal nito at simula noon ay naging maayos na ang pakikitungo nito sa kanya.
Matapos maglinis ay nagpahinga ang tatlong bata at nanuod ng t.v. Hinayaan lang sila ni Aling Kirsty at ito’y nagtungo na sa tindahan. Maya-maya ay lumapit sa tindahan si Ker, ang gwapong anak na binata ni Mang Dennis. Bumili ito ng ilang pirasong sigarilyo. “Aling Kirsty, bakit wala ho yata si Perky..” puna ng binata habang nagsisindi ng sigarilyo. Madalas kasi ay nadadatnan ni Ker sa tindahan ang bunsong anak ni Aling Kirsty at giliw na giliw ito sa bata dahil makulit ito. Tuwing bumibili si Ker ng ‘yosi’ ay awtomatikong iniaabot ni Perky ang lighter sa binata. Naging malapit na rin ang loob ng batang babae dito.
“Ah, oo, nasa loob at nanunuod ng tv..”
“Ah ganun po ba? Sabihin nyo ho ay napadaan ako. Pakibigay na rin ho itong mga ‘strawberries’.. bigay ho yan ni Mama, nanggaling kasi sa Baguio at kahapon lang bumalik..” anito sabay abot ng isang maliit na supot na may mga strawberries.
Tinanggap ni Aling Kirsty ang supot. “Ok, sige Ker.. salamat iho, nag-abala ka pa..”
“Sige ho, mauuna na ko..” anang binata at umalis na.
Hindi pa nagtatagal ay ang humahangos namang si Mang Mat ang dumating. Isa itong kubrador ng ‘huweteng’ at sa tuwina’y may dalang balita o di kaya nama’y ‘tsismis’.
“Aling Kirsty, tres-bente syete ho ang tumama! Tumama ho kayo ng apat na libong piso!” medyo hinihingal pang balita ng kubrador. Iniabot nito ang perang tinamaan ditto.
“Siyanga?! Talaga! Aba’y napakaswerte naman ng araw na ito!”  tuwang-tuwang sabi nito sabay sa pera.
“Oo, Aling Kirsty, dapat bigyan mo ako ng kaunting balato nyan!” sabi ni Mang Mat.
“Aba, oo naman! O ito..” inabutan ito ni Aling Kirsty ng dalawang daan. Tuwang-tuwa namang tinanggap iyon ni Mang Mat.
“Sayang nga ho Aling Kirsty, matagal na ring numero iyon ni Juanita Paula. Kung andito ho sana siya ay malamang may panalo rin siya ngayon..” naiiling na wika ni Mang Mat na ang tinutukoy ay ang tsismosang baklang kapitbahay nina Aling Kirsty, noong isang Sabado ay dinala ito sa ospital at ang balita’y nabugbog ng ama pero kung anong dahilan ay hindi nila alam.. “dangan kasi ay hindi pa raw nakakalabas ng ospital.. pero nakausap ko si Aling Arra dyan sa kabila at ang sabi’y mabuti na raw ang kalagayan. Mga dalawang araw pa raw at palabas ng ospital.. grabe pala talaga magalit ang ama ni Juanita at nabugbog nang husto anak  eh balita ko ay ngayon lang ulit sila nagkita sa loob ng mahabang panahon. Siguro ay may ginawang malaking kasalanan si Juanita, ano sa tingin mo Aling Kirsty?..” mahabang daldal ng kubrador.
“Naku, hindi ko rin alam Mat.. mabuti naman at lalabas na pala siya sa ospital. Nakakapanglaw din kapag wala iyang baklang si Juanita at walang maingay dito samin eh!” nakangiting sabi ni Aling Kirsty. Wala talaga silang ideya kung ano ang nangyari.
“O siya, maiwan ko muna kayo Aling Kirsty at hahabol pa ako sa huling bola” paalam ni Mang Mat.
Masayang-masaya naman ang mga anak ni Aling Kirsty. Natuloy ang pagpunta nila sa ‘perya’ ng gabing iyon. Galante ang nanay ni Perky dahil malaki rin ang napanalunan nito sa Huweteng. Lahat halos ng ‘rides’ ay nasakyan nilang magkakapatid nang gabing iyon. Kinabukasan ay panay ang kwento ng batang si Perky sa anak ni Mang Jim na si Enteng tungkol sa mga ginawa nila sa ‘perya’. Inggit na inggit naman si Enteng dahil nalamangan ito ni Perky.
Lumipas ang dalawang araw hanggang sa tuluyan na ngang gumaling ang baklang si Juanita Paula at pinayagan na ng doktor na umuwi ng bahay. Nakita nina Andrew, Roy at Perky nang dumating ito kasama ang mga magulang na sina Aling Arra at Mang Gaspar. Halatang medyo mahina pa ang tsismosang-kapitbahay. Napatingin si Juanita kay Andrew at nagtama ang mata ng dalawa. Nag-iwas agad ng paningin ang batang si Andrew at kaagad binalingan ang dalawang kapatid at ipinaalalang tumahimik at huwag babanggitin sa ina nila ang nangyari noong isang linggo. Para namang nakakaunawang tumango sina Roy at Perky.

Mula nang dumating buhat sa ospital si Juanita Paula ay hindi na ito madalas nakikita ng magkakapatid kaya medyo nagtataka na ang bunsong anak ni Aling Kirsty.
“Inay, bakit po kaya hindi ko nakikita ang ate Juanita?” tanong ni Perky sa ina. Nasa loob sila noon ng tindahan at nagmemeryenda ng bagong lutong bananaque.
“Bakit anak, namimiss mo na ba ang ate Juanita mo? Nakausap ko kahapon si Aling Arra, yung ina ni Juanita.. medyo masakit pa raw ang katawan ng ate Juanita mo kaya hindi pa naglalalabas ng bahay..” anito.
“Ah, ganun po ba ‘Nay.. tara ‘Nay dalaw tayo sa tapat.. baka mas mabilis gumaling si ate Juanita pag dinalaw natin siya..” wika ni Perky sa ina, pero sa loob-loob niya ay hindi kalianman niya mamimiss ang tsismosang kapitbahay. Gusto lang niya itong inisin para makaganti sa ginawa nito sa kapatid na si Andrew. Nasa tindahan din nang mga sandaling iyon ang dalawa niyang kuya na sina Andrew at Roy.
“Okay, sige anak.. sige tapusin mo na yang kinakain mo at pupunta tayo saglit sa kanila.. Roy, Andrew, kayo muna ang magbabantay dito sa tindahan ha” baling ni aling kirsty sa dalawa.
“Opo ‘Nay!” halos magkapanabay na sagot nina Andrew at Roy pero ang una ay diretsong nakatingin sa bunsong kapatid na babae at parang may gustong ipahiwatig. Nakuha naman ni Perky ang mensahe ng kapatid. Alam niyang nag-aalala ito na baka malaman ng nanay nila ang nangyari kaya kinindatan niya ang panganay na kapatid para hindi ito mag-alala. Nakahinga nang maluwag si Andrew. Alam niyang matalino ang kapatid na bunso at marunong itong sumunod sa napag-usapan.
Pagkatapos makapagmeryenda ay sinamahan ni Aling Kirsty ang anak na bunso patungo sa bahay nina Juanita. Nagdala pa ang ginang ng 3 tuhog na ‘bananaque’ para ibigay sa mga ito. Pinatuloy sila ni Aling Arra at sinamahan papasok ng kwarto ng baklang kapitbahay nina Perky. Nadaanan pa nila sa sala ang ama nitong si Mang Gaspar at tinanguan sila.
“Juanita, may naghahanap sa yo..” anunsyo ni Aling Arra habang papasok ng kwarto nito kasunod sina Aling Kirsty at Perky.
Nakahiga ang baklang si Juanita at nagbabasa ng magazine pero biglang napaupo matapos mapagsino ang mga bisita.
“O.. Aling Kirsty.. na..nadalaw ho..ho kayo..” medyo nabubulol pang sabi nito. Kahit alam niyang walang sinumang pinagsabihan ang mga magulang niya tungkol sa  ginawa niyang kapangahasan sa panganay na kapatid ni Perky ay hindi naman niya sigurado kung ikinuwento ng mga bata sa ina ang nangyari.
“Ah oo.. nag-aya kasi itong si Perky na pumunta dito sa inyo.. namimiss ka na siguro ng batang yan.. matagal ka na rin kasing hindi nagagawi sa tindahan..” sagot naman nito.
“Parang takot na takot kang makita kami ate Juanita.. totoo po un.. namimiss na kita!” sabi ng batang si Perky sabay hampas sa may hita ng tsismosang kapitbahay. Ang pagkakahampas niya ay pabiro na parang nagigiliw lamang sa paningin nina Aling Arra at Aling Kirsty pero may diin un at nasaktan si Juanita.
“Aw.. aray Perky.. medyo may pasa pa ako dyan.. “ nakangiwing sabi nito.
“Ay sorry po.. ate Juanita.. natutuwa lang po ako sa inyo..” ani Perky at hinimas ang bahaging hinampas niya kanina pero ang himas niya ay madiin din kaya lalong napangiwi ang bakla.
“Ah.. etsus nitong batang ito.. tama na .. tama na.. ok na ko.. “ pabulong na sabi ni Juanita na nakairap kay Perky at hinawi ang kamay nito.
“Ate Juanita galit ka ba sa kin?..  di ba dapat ako ang magalit sa yo dahil may kasalanan ka sa min lalo na sa kuya Andrew ko..” ani Perky na ngiting-ngiti kay Juanita samantalang ang bakla ay hindi mapakali at kulang na lang ay takpan ang bibig nito, dangan nga lang at kasama nito ang ina..
“Bakit anak, anong kasalanan ng ate Juanita mo?” untag ni Aling Kirsty.
Tumingin si Perky sa ina pagkatapos ay kay Juanita Paula at kitang-kita niyang parang namumutla ito. “Di ba sabi mo sa min nina kuya sasamahan mo kami sa ‘perya’ pero bigla ka na lang nagkasakit. Ang bad bad mo!” ani Perky kay Juanita, hinampas ulit nito ang tuhod ng baklang kapitbahay at saka humagikgik. Ang totoo ay nilalansi lamang niya ang mga ito. Gusto lang niyang lalong manggalaiti ang baklang kapitbahay. 
“Ay oo nga pala noh! .. Sorry Perky ha.. pakisabi rin sa dalawa mong kuya na sorry kasi bigla akong nagkasakit..” Nakahinga nang maluwag si Juanita, akala niya ay ibubuko na siya ng bata.
“Okay lang ate, eto oh, dinalhan ka namin ni Inay ng bananaque para gumaling ka na.. aling Arra, kuha rin po kayo at bigyan nyo rin po si Mang Gaspar” ani Perky at iniabot sa ina ni Juanita ang supot ng babanaque.
“Salamat Perky..mabait pa lang bata itong anak mo Arra” sabi nito sa inay niya.
“Ay naku, sinabi mo pa.. mababait ang tatlo kong anak bukod pa sa matalino, lalo na itong si Perky..” may pagmamalaking sagot ng nanay niya. Huling-huli ni Perky ang biglang pag-irap ni Juanita Paula.
“Naku, oho Aling Arra, super talino ho niyang si Perky, grabe nga ho eh!” malanding sabi ng bakla na ikinabungisngis naman niya.
“O Pano Mare, uuwi na kami.. “ wika ng nanay ni Perky kay Aling Arra..”Juanita, pag magaling ka na dalaw ka sa bahay ha!” dagdag pa nito.
“Oho, sige po.. salamat ho sa pagdalaw..” sabi ng baklang si Juanita at muling nahiga sa kama. Lumabas na ng kwarto si Aling Arra kasunod si Aling Kirsty. Pero bago tuluyang lumabas si Perky ay mabilis nitong kinurot ang tuhod ni Juanita. “Maldita ka!” halos pabulong na sabi ng baklang kapitbahay sa palabas na si Perky. Nilingon naman ito ng bata at binelatan. Naiwang mag-isa ang napipikong si  Juanita Paula. Samantala, pagdating ng bahay ay ikinuwento ni Perky sa dalawang kapatid ang nangyari at tawa ng tawa ang dalawa.
Lumipas pa ang halos isang linggo at malakas na ulit ang baklang si Juanita Paula. Palagi na itong makikitang umaalis sa umaga kasama ng kaibigan nitong si Khim at gabi na kung umuwi. Babaeng-babae ang ayos ng dalawa at mukhang tanggap na ng mga magulang ni Juanita ang pagiging ‘bakla’ nito. Narinig ni Perky mula kay Aling Arra na ‘rumaraket’ daw ang magkaibigan at nagme-‘make-up’ sa isang parlor sa bayan nang minsang magkakwentuhan nito ang kanyang ina sa may tindahan. Inimbitahan pa sila nito na dumalo sa kaarawan ni Juanita sa darating na linggo na gaganapin sa kanilang bahay. Nangako ang kanyang Inay na pupunta sila. Ngayon pa lang ang nag-iisip na ang matalinong si Perky kung pano niya iinisin ang tsismosang kapitbahay.
Nang dumating ang kaarawan ni Juanita ay maaga itong gumising upang maghanda gayong alas-tres pa naman ng hapon ang simula ng pagdiriwang. Inilatag niya sa kama ang kanyang pulang gown. Ang nasabing gown ay ipinahiram pa sa kanya ng manager ng parlor na si Jethro. Bagong gawa raw iyon at pandagdag sa koleksyon ng pinaparentahang saya ng manager pero dahil kaarawan niya ay siya ang pinakaunang magsusuot niyon at libre pa. Nagpasalamat nang husto si Juanita dito. Inilapag na rin niya ang kanyang mamahaling ‘panty’ at ‘bra’ gayundin ang gagamiting ‘sandals’ at ‘make-up’ mamayang hapon. Tuwang-tuwa si Juanita Paula at nanaog upang tulungan ang ina na kagabi pa abala sa paghahanda ng mga lulutuin. Kagabi ay gumawa ito ng kalamay, puto at suman, ‘lecheplan’, buko salad at ‘jelatin’. Ngayong araw naman ito nakaplanong magluto ng ‘spaghetti’, pansit, ‘pinaltok’ at barbeque. Gusto raw kasi nitong bumawi kay Juanita dahil ilan kaarawan din nito ang hindi nasaksikan ng ginang sapagkat magkalayo sila. Katulong din si Mang Gaspar sa pagluluto.
“Happy birthday, anak!” nakangiting bati ni Aling Arra kay Juanita pagkakita dito.  Napayakap sa galak si Juanita sa Ina.. “Salamat po Nay!”
“Happy birthday Juanita..” wika naman ni Mang Gaspar bagamat hindi nakatingin sa kanya at patuloy sa paghihiwa ng sibuyas.
“Thank you, Itay..” bagamat medyo alangan pa rin sa ama ay lihim na natuwa ang bakla sapagkat ngayon lang niya narinig na tinawag siya nito sa pangalang ‘Juanita’.
“Ano pong maitutulong ko ‘Nay.. hihiwain na rin po ba ngayon itong mga carrots?”
“Ay naku wag na anak, madudumihan ka pa.. saka kaarawan mo ngayon, mabuti pa ay maligo ka na at magsimba, kami na ng tatay mo ang bahala dito sa kusina..” saway ni Aling Arra sa kanya, pakiramdam ni Juanita ay parang bata siya ngayon dahil sa pag-aasikaso ng ina.
“Sigurado po kayo ‘Nay?” tanong niya.
“Oo anak.. sige na dali at nang maaga kang makabalik.”
Tumalima naman si Juanita sa sinabi ng ina. Noon din ay naligo siya at nagbihis ng magandang panlakad. Hindi muna niya isinuot ang gown.  Bago umalis ay nagpaalam siya sa magulang. Paglabas niya ng bahay ay nasalubong niya ang magkapatid na Perky at Roy na may dalang labindalawang lobo

“Ate Juanita, Happy birthday po! Nagdala kami ng lobo, pinabibigay po ni Inay. Isama nyo raw po sa mga dekorasyon nyo para sa ‘party’ mamaya…” bati ni Perky dito.
“Happy birthday ate Juanita..” bati rin ni Roy.
“Salamat Roy..” anitong halatang gustong ‘okrayin’ ang batang si Perky kaya hindi ito pinansin. Naiinis pa rin kasi ito sa bunsong anak ni Aling Kirsty dahil sa ginawa nito noon. Pakipasok nyo na lang sa loob, andun sina  nanay at tatay…pakisabi sa nanay nyo na salamat..”
“Ate Juanita sorry nga po pala sa nangyari dati.. hindi ko na po uulitin promise!” nakangiting wika ni Perky at itinaas pa ang kanang kamay na parang nanunumpa.
“Asus.. totoo ba yan o etsus lang?” nakapamewang na sabi ng baklang si Juanita.
“Totoo po ate, alam nyo ate, ang ganda-ganda nyo po ngayon… “ pang-uuto pa nito sa tsismosang kapitbahay.
“Talaga?!! Inookray mo lang yata ako eh..” pumipikit-pikit pa ang mata ni Juanita at ‘feel na feel’ nito ang mag-ala-“Diyosa’.
Siniko naman ni Perky ang kapatid na si Roy para sumang-ayon.
“Ah.. eh.. oo nga ang ganda nyo ngayon ate!” banat ni Roy.
“Hmm… sige na nga, patatawarin na kita Perky.. basta wag mo na lang ulit uulitin ha… “ ani Juanita at ibinaba nito ang kamay ni Perky na nooy nakataas pa rin.
“Bongga!.. salamat ate Juanita!” kinindatan ito ni Perky. Sakay na sakay naman ang baklang si Juanita sa pang-uuto nito. Saglit lang ay gumaan na ulit ang loob nito sa bata.
“O siya, maiwan ko muna kayo at punta ko sa simbahan.. basta mamaya ay wag kayong mawawala ha.. maraming inihandang pagkain si nanay..” anito at nagsimula nang lumakad palayo.
“Salamat ate..” ani Perky rito.
Pagpasok sa loob ng bahay nina Juanita ay dumirestso ang magkapatid sa kusina.
“Hello po Aling Arra, Mang Gaspar. pinatuloy po kami ni Ate Juanita dito, ibigay raw po namin sa inyo itong mga lobo na bigay ng inay.. mamaya daw po aayusin ni ate Juanita pagbalik niya..”
“Ah, siyanga.. naku pakisabi kay Mareng Kirsty salamat.. teka, sandali at maghuhugas lang ako ng kamay pagkatapos ay samahan nyo ako sa kwarto ng ate Juanita nyo at doon muna natin ilagay yang mga lobo..”
“Sige po.. “ halos panabay na sagot ng magkapatid.
Pagpasok sa kwarto ay natambad kina Perky ang gown na isusuot ni Juanita. “Ang ganda-ganda!” sabi ni Perky.. “bigay nyo po ba sa kanya yan Aling Arra?” tanong nito sa ina ni Juanita.
“Ay hindi iha.. pinahiram lang sa kanya yan ng amo niya sa ‘parlor’..”  sabi ng matanda at nagsimulang itali sa may bintana ang mga lobo.
“Ah.. ganun po ba?.. Aling Arra, mukhang abala po kayo sa pagluluto, kami na lang po ni kuya Roy ang magtatali nito.. aalis na rin po kami pagkatapos.. madali lang naman po itong gawin..” ani Perky at sinimulang itali ang lobo.
“Naku napakabait mo talaga Perky..o siya, sige, maiwan ko muna kayo ha.. medyo marami nga akong gagayating panrekado eh“  Kakamot-kamot sa ulong sabi nito
“opo..” anang dalawa.
Pagkalabas ni Aling Arra ay iniabot ni Perky sa kapatid ang mga hawak na lobo.. “Kuya, ikaw muna magtali nito at may gagawin lang ako..” pabulong na sabi nito kay Roy.
“Ano na naman yang naiisip mo Perky..” tanong nito sa bunsong kapatid. Pero sa halip na sagutin ang tanong ng kanyang kuya Roy ay kinuha ni Perky ang gunting na nasa may tokador at ginupit ang dalawang utong ng ‘bra’ na nakalatag sa kama.
“Perky! Anong ginagawa mo?” pabulong pero nag-aalalang tanong ng kapatid.
“Ssssh.. kuya, wag kang maingay dyan at baka may makarinig satin.. bilisan mo na ang pagtatali ng lobo at nang makaalis na tayo dito..” ani Perky sa kapatid. Sa takot na mahuli sila at mapagalitan ay tinapos kaagad ni Roy ang pagtatali. Pagkatapos ay nagpaalam na sila sa nanay ni Juanita Paula.

Matapos magsimba ay dinaanan ni Juanita Paula ang ipinagawang cake kay Mang Froy. Kilig na kilig pa ang bakla ng batiin siya ng ‘panadero’ at hipuan sa pwet. Pagdating ng bahay ay agad siyang dumiretso sa kusina at inilapag ang ‘cake’. Pagkatapos ay sinimulan na ni Juanita ang pag-aayos sa bakuran nila kung saan gaganapin ang pagtitipon. Kahapon ay kumuha ang kanyang itay ng mga palapa ng niyog at kawayan at gumawa ng tabing sa harap ng kanilang bakuran upang may mapagdausan ng salu-salo.

Katulong ang kaibigang si Khim ay naglagay sila ng 3 mahabang mesa na sinapinan nila ng magarang ‘mantel’. Inihanda na rin nila ang mga plato, platito, baso, kutsara at tinidor at saka binuhay ang ‘sound system’. Malakas ang tugtog at nakakaindak ang musika kaya bandang ala-una pa lang ng hapon ay isa-isa ng dumating ang mga bisita. Lahat ay may bitbit na regalo para kay Juanita. Hinayaan muna niya ang kanyang inay sa pag-istema sa bisita at dumiretso na siya sa kwarto upang magbihis. Laking gulat ng baklang kapitbahay nina Perky nang matuklasang butas ang dalawang utong ng bra na inihanda niya kanina. Pulang-pula si Juanita sa galit at may ideya na siya kung sino ang may kagagawan niyon subalit kelangan niyang magtimpi dahil ayaw niyang mag-eskandalo lalo pa’t kaarawan niya ngayon. Isa pa’y nariyan lang ang tatay niya at ayaw niyang mabugbog ulit nito. Kahit naiimbyerna si Juanita ay pinigilan niya ang sariling magwala nang mga sandaling iyon. Napaiyak na lamang siya sa inis dahil ang ‘bra’ na sana’y susuotin niya ay kinuha pa niya kay Misis Carol noong isang linggo at hindi pa niya nababayaran. Si Misis Carol ay kasamahan niya sa ‘parlor’ na nagnenegosyo ng pahulugang gamit, damit at alahas. Sa nangyari ay nagkasya na lamang siyang isuot ang luma niyang ‘bra’.
Sa kabila noon ay ganda-gandahan pa rin si Juanita Paula. Ang kasamahan niya sa ‘parlor’ na si Khim ang nag-‘make-up’ sa kanya. Paglabas niya ng bahay saktong alas-tres ng hapon ay halos sabay-sabay na napalingon kay Juanita ang mga bisitang naroroon. Lahat ay bumabati sa kanya ng happy birthday. Ang isa nilang kasamahan sa parlor ay nagsabi pa ng “bongga ka day!.. ang ganda mo.. charus!” at nagtawanan ang mga tao. Habang isa-isang nilalapitan ni Juanita Paula ang mga bisita upang magpasalamat sa pagdalo ng mga ito ay nahagip ng kanyang mga mata ang matagal ng ‘crush’. Biglang tumalon ang puso ng tsismosang kapitbhay nina Perky. Subalit ang kanyang kilig ay napalitan ng pagkainis nang makitang kausap ng guwapong binata ang bunsong anak na babae ni Aling Kirsty.
Lumapit si Juanita Paula sa dalawa… “hi..” malanding sabi ni Juanita kay Ker at halatang nagpapa-‘cute’ ito sa binata.
“Oh, hi Juanita! .. Happy birthday..” bati ni Ker.
“Thank you.. para sa kin ba yan?” tanong ng bakla sabay turo sa bulaklak na hawak ni Ker..
“Ay, sorry Juanita.. hindi para sa ‘yo to.. kay Perky ito eh.. pinahawakan lang sa kin..” hinging paumanhin ng binata dito.
“Ay opo ate Juanita dala ko po yan, para sa yo po yan..” magalang na sabi ni Perky sa may kaarawan.
“Hmp! .. di bale na lang.. alam ko namang pinitas mo lang yan sa hardin ni Mang Jim..” mataray na sabi nito.
“Ikaw naman Juanita, pasalamat ka nga at binibigyan ka ni Perky ng bulaklak.. nag-abala na yong bata, susungitan mo pa” sabad ni Ker. Para namang napahiya si Juanita.
“Sige, akin na nga yan..” kinuha ni Juanita ang rosas na hawak ni Ker, pero dahil pabigla ang pagkuha niya ay natusok ng tinik ang daliri nito.
“Aray!... “ anito. Sinadya ni Perky na hindi alisin ang tinik ng bulaklak kaya tatawa-tawa ito sa nangyari. Ang sama ng tingin ni Juanita kay Perky. “Tatawa-tawa ka pa dyang bata ka!” sabi ni Juanita. Bigla namang tumigil sa pagbungisngis si Perky at nagkunyaring naiiyak kaya nang tumingin si Ker sa bata ay  naawa ito.
“Juanita, hindi ka naman tinatawanan ni Perky ka, kita mo nga at naiiyak na siya.. wag ka na umiyak Perky.. hindi mo naman kasalanan..” ani Ker at hinagud-hagud ang likuran nya.
“Pasensya na kayo ate Juanita, hindi ko naman po gustong masugatan kayo.. gusto ko lang po kayong bigyan ng rosas dahil ‘birthday’ nyo..” ani Perky na medyo humihikbi.
“Juanita.. please.. wag mo ng paiyakin si Perky, sabihin mong okay ka lang, hindi ba, para tusok lang eh..” baling ni Ker.
“Etsus! Oo na, ok na..  sige Perky, wag ka na umiyak.. pasensya ka na, ako naman may kasalanan kaya di ko nakita yung tinik..” hinging-paumanhin nito.
“O siya Perky, halika na at kumuha na tayo ng pagkain baka nagugutom ka na.. “ aya ni Ker sa bata.. “o pa’no Juanita, maiwan ka muna namin ha..” paalam ni Ker..
Tumango lamang si Juanita kay Ker. Sa loob niya ay gigil na gigil siya sa batang si perky. Nang maglakad sina Ker at Perky para kumuha ng pagkain ay nakasunod pa rin ang tingin ni Juanita sa dalawa. Paglingon ni Perky ay bineletan niya baklang kapitbahay. Para namang hindi maipinta ang mukha nito.
Hindi sumama sa pagtitipon ang kapatid na panganay ni Perky na si Andrew. Nagdahilan itong masakit ang tiyan. Nauunawaan ni Perky ang kapatid kaya di na niya ito pinilit. Ang nanay niya at ang kanyang kuya Roy ay kasama niyang pumunta doon pero hindi niya matanaw ngayon. Ang alam niya ay pumasok ang mga ito sa bahay nina Juanita para tumulong kay Aling Arra sa pag-iistema ng ibang bisita dahil inako ng kanyang kuya Ker ang pagbabantay sa kanya.
Maya-maya pa ay napalitan ang maingay na musika ng isang malamyos na tugtugin. Nagsimulang pumunta sa gitna si Juanita Paula at ang mga kasamahan nito sa ‘parlor’. Matatapos na ang tugtog nang biglang dumating ang gwapong-gwapo si Daniel. Si Daniel ay kapatid ni Ker. May dala itong isang bungkos na bulaklak para sa baklang may kaarawan kaya naman pakiramdam ni Juanita ay ang haba-haba ng buhok niya ng araw na iyon. Sa isip niya, kahit na hindi napasakanya si Ker eh nandyan naman si Daniel at sapat na iyon para maging masaya siya sa birthday niya.

Habang kumakain ang mga panauhin ay nagsalita sa mikropono ang baklang kapitbahay ni Perky at pinasalamatan ang lahat ng naroroon. Umani ng masigabong palakpakan si Juanita matapos ang madrama nitong pananalita, pagkatapos ay tila prinsesa itong yumukod yukod sa mga tao. Samantala, si Perky naman ang hindi maipinta ang mukha. Nangiti ang bakla sa kanya kaya't lalo siyang nanggigil dito. Naisip ni Perky na panahon na para simulan niya ang huling plano.

Kumuha ang bata ng isang platong 'spaghetti' at nilagyan ng chili powder, pagkatapos ay hinalo iyon at binudburan ng keso. Kumuha rin siya ng coke pero ang basong pinaglagyan ay pinahiran niya ng 'chili oil'. Siniguro niyang hindi mahahalata iyon ng bakla. Nang handa na ang lahat ay inilagay niya ito sa isang tray at lumapit kay Daniel.

"Kuya Daniel, pakibigay mo naman itong pagkain kay ate Juanita. Tiyak na gutom na 'yon kasi kanina pang abala sa pag-aasikaso sa bisita.. matutuwa 'yon kung ikaw ang mag-aabot nito sa kanya"

"Oy, ang bait mo naman Peky!" nakangiting sabi ni Daniel dito. "O sige ako na ang bahala dito".

Habang papalayo si Daniel dala ang plato ng 'spaghetti' at isang baso ng 'coke' ay umalis na si Perky. Umuwi siya at dali-daling pinuntahan ang kanyang kuya Andrew upang ipaalam dito ang ginawa. Magkasabay ang dalawang tumungo sa bintana sa sala at palihim na tinanaw si Juanita Paula. Kitang-kita nila nang tuwang-tuwang abutin nito ang pagkaing ibinigay ni Daniel.

Nang simulan nitong kainin ang 'spaghetti' ay tila hindi maipinta ang mukha nito. Alam ni Perky kung gaano iyon kaanghang pero mukhang nagpipilit pa rin ang baklang si Juanita at tinitiis ang anghang upang maging kalmado sa harap ni Daniel. Maya-maya pa ay naging ngiting aso na ang kanina'y matamis nitong ngiti. Kinakausap ito ni Daniel na sa tingin ni Perky at Andrew ay tinatanong nito kung okey lang ang kanilang baklang kapitbahay kasi nakita nilang tumango ito at sumubo ulit ng 'spaghetti'. Saglit pa ay mukhang hindi na nito nakayanan ang anghang kaya uminom ng coke na lingid sa kaalaman nito ay maanghang din. Nabitiwan ni Juanita ang plato at baso at pulang-pula ang mukhang nagtatakbo ang bakla papasok sa bahay ng mga ito. Tawa naman ng tawa ang dalawang magkapatid sa nasaksihan habang naiwang nakatulala si Daniel na walang kamalay-malay na maanghang ang pagkaing ibinigay nito sa tsismosang kapitbahay nina Perky at Andrew. Sa wakas, nakaganti na rin sila!

Tuesday, May 3, 2011

Ang “Etsus” na araw ni Juanita Paula

Maikling kwento. Para lubos na maunawaan, mahalagang basahin ang aking naunang 'post' na may pamagat na: "Juanita Paula, ang tsismosang Kapitbahay". hehehe. This is FOR ADULTS ONLY.


Labis na pagkatakot ang mababakas sa mukha ni Andrew nang mapagtantong nasa loob siya ng kwarto ng kanilang kapitbahay na si Juanita Paula, isang tsismosang baklang nasa edad bente syete at balitang mahilig 'mangmolestiya' ng mga kabataang lalaki. Kanina lang ay kaysaya ni Andrew kasama ang dalawa niyang kapatid na sina Perky at Roy na naglalaro ng 'taguan' sa loob ng kanilang bahay nang di sinasadya ay naaksidente ang bunso niyang kapatid na si Perky at nahulog mula sa itaas ng aparador na pinagtataguan nito. Dahil doon ay napilitan siyang puntahan ang kapitbahay na si Juanita, dahil ito ang tanging saksi sa pangyayari at balak sana ay pakiusapan niya itong huwag magsumbong sa kanyang nanay dahil alam niyang mapapalo na naman siya ng ina kapag nalaman na nasaktan ang kapatid. Subalit ang balak niyang ito ang nagdala sa kanya sa isang alanganing sitwasyon. Nagsimulang pagpawisan si Andrew sa labis na takot kay Juanita. Tinangka niyang tumakas dito subalit napigilan siya ng bakla sa braso. Nanlamig ang kanyang katawan.


"Relax ka lang Andrew.. bakit parang takot na takot ka sa kin. Matagal na rin naman tayong magkapitbahay di ba? Dati naman ay palagay ang loob mo sa kin kapag nakikita mo ko..” anang tsismosang kapitbahay ni Andrew. Gustong panindigan ng balahibo ng labindalawang taong gulang na bata nang magsimulang haplus-haplusin ni Juanita ang kanyang braso. Hindi siya sumagot sa tanong nito at sa halip ay umusal nang taimtim na dalangin na sana ay hayaan na siya nitong makauwi ng bahay.

“Alam mo ba Andrew, na nung maliit ka pa ay tuwang-tuwa ako sa yo kasi madalas ay naliligo ka ng hubo’t hubad dyan sa poso sa harapan ng bahay ni Manong Jim kaya labas ang patotoy mo..” humahagik na wika nito na ang tinutukoy ang ang isa pa nilang kapitbahay. Nasa loob ng iisang bakuran ang bahay nina Andrew, Juanita at Mang Jim. Nanatiling walang kibo si Andrew sa tinuran ng baklang si Juanita. Kung dati-rati ay palagay ang loob niya dito at nagpapaturo pa siya ng sagot sa ilang takdang-aralin nila, ngayon ay parang estranghero ito sa kanya.

“Magsalita ka naman Andrew… gusto mo ba ng maiiinom?.. Ipagtitimpla kita. Alam mo ba, nung maliit ka pa ay nakikipanuod kayo ng t.v. ng kapatid mong si Roy dito sa bahay. Noon ay di pa nakakabili ng t.v. ang Inay mo..kung minsan nga ay nakakatulog ka pa sa panunuod tapos ay binubuhat kita at inihihiga sa sofa, natatandaan mo pa ba?” anito at patuloy ang paghimas sa kanyang braso.


Sunud-sunod na iling lang ang naging tugon ni Andrew. Ayaw na niyang marinig pa ang anumang sasabihin ni Juanita. Alam niya na anumang sandali ay pwedeng may gawin itong hindi maganda. Sa murang isip niya ay alam niya ang posible nitong gawin. Kahit papano ay hindi na siya 'tanga' sa ganung bagay. Isa pa ay narinig niya ang kwentuhan ng mga kalaro patungkol sa baklang kapitbahay.



“O sige, yaman din lamang at ayaw mong magsalita, mabuti pa ay simulan na natin ang “sesyon” makahulugang sabi ng baklang si Juanita at kinindatan pa si Andrew.

“Ate Juanita, huwag! Hayaan nyo na po akong uuwi dahil parating na ang nanay, tiyak na hahanapin ako nun!” babala ni Andrew. Yun lang ang tanging naisip niyang pwedeng idahilan dito.

“Naku, alam ko yatang kaaalis lang ng nanay mo at sa tuwina’y inaabot iyon ng dalawang oras o mahigit pa sa pamimili, lalo na at sabado ngayon. Tiyak kong namimili si Aling Kirsty ng mga paninda sa tindahan nyo.. mamaya pa yun darating” anang baklang si Juanita na tila sigurado na sa gusto nitong gawin. Iniupo nito si Andrew sa kama at saka tumungo sa pinto at ikinandado iyon. Dahil nanlalambot ang tuhod ay napaupo na rin si Andrew sa kama. Ang isip niya ay abala sa kung paano siya makakatakas sa kapitbahay.

“Sana po ay isa kina Roy o Perky ang pumunta dito at tawagin ako..” piping usal nya. Nagsisimula ng magtanggal ng butones ng suot na blusa ang baklang si Juanita nang biglang makarinig ng sunud-sunod na katok sa pintuan.



“Kalurky! Sino namang etsusera yun?!” naiinis na wika ni Juanita at muling ibinutones ang suot na blusa sabay labas ng kwarto dahil walang tigil sa pagkatok ang kung sinumang nasa labas. Pero bago niya tuluyang pagbuksan ang kumakatok sa pintuan ay siniguro niyang nakakandado ang pinto sa kwarto. Kahit papano ay nakahinga ng maluwag si Andrew nang makalabas ang baklang si Juanita. Naghanap siya ng pwedeng daanan para makatakas ngunit napapaligiran ng bakal ang bintana sa kwarto ng kapitbahay.

Samantala, pagbukas ni Juanita Paula ng pintuan ng sala ay ang naiinip na mukha ni Mang Dencio ang nabungaran nya. Si Mang Dencio ang may-ari ng paupahang apartment na tinutuluyan ni Juanita Paula. Nakalimutan nga pala niya kahapon na magbayad ng renta kaya ngayon ay naniningil na ito.

“Oy Juanita, bakit ba ang tagal mong magbukas ng pinto? Siguro may ginagawa ka na namang milagro dyan ano?” sita ni Mang Dencio sa nagulat na si Juanita.
“Ano ba Mang Dencio?! Nang-eetsus na naman kayo! Balak ko sanang matulog, medyo napapaidlip na nga ako nang kumatok kayo?” taas-kilay na sagot naman ng bakla.

"Aysus, matutulog ka ngayon eh ang aga-aga, bakit saan ka ba humada kagabi at hindi ka natulog?” pag-uusisa pa rin nito.

“Hmp! Tantanan nyo nga ako noh! Sandali at kukunin ko ang pambayad ko sa renta..” anitong tumalikod na sa kasera. Pakembot-kembot pa itong naglakad papasok ng bahay kaya nailing na lang si Mang Dencio na nag-intay sa harap ng pintuan. Madali namang nakuha ni Juanita ang perang pambayad dito dahil nakapatong lang ito sa ibabaw ng kanyang tv. Ang totoo ay balak sana niyang magbayad ng upa sa bahay ngayong araw pero naantala ang pagpunta niya sa bahay nang kasera nang dumating ang batang si Andrew.

“O ito na ho ang bayad ko Mang Dencio, sige ho at baka marami pa kayong sisingilin” pagtataboy ni Juanita pagkatapos iaabot ang isang lilibuhing papel sa kasera.

"At bakit isang libo lang ito Juanita? Hindi ka na yata marunong magkwenta ngayon. Hindi ba’t 1,500 ang upa mo buwan-buwan? At nung nakaraang buwan ay isanlinbo rin lamang ang ibinigay mo? Kaya dapat ay dalawang libo ang bayad mo ngayon!”

“Pasensya na ho kayo Mang Dencio, nagipit lang ho talaga ako, mahina ho kasi ang 'raket' nitong mga nakaraang araw..” kakamot-kamot sa ulo na sagot ng baklang si Juanita.
“Sus, palagi na lang yan ang dahilan mo sa kin eh!"


"Wag ka na magalit Mang Dencio, babawi na lang ako sa susunod” wika ni Juanita at malanding pinagapang ang kamay patungo sa harapan ni Mang Dencio. Kamuntik ng makamas ng bakla ang maumbok na harapan ng kasera.


“Tse!.. Pati ako idadamay mo sa kalokohan mo Juanita. Dyan ka na nga!” tinabig nito ang kamay ng bakla at nagmamadaling umalis.



Naiwan namang natatawa si Juanita Paula. Sa loob-loob nya ay may-araw din ang kasera nya at sa tamang panahon ay 'masasarili' nya ito.

Nang wala na si Mang Dencio sa paningin ni Juanita ay agad syang bumalik sa kwarto. Kanina pa syang gigil na gigil dito kaya ayaw na nyang magsayang ng sandali. Pagpasok nya sa loob ay nadatnan nyang umiiyak ang bata. Kahit papano ay naantig ang damdamin ng bakla. Mabilis nitong nilapitan si Andrew at hinagud-hagod ito sa dibdib. Kung alam lamang ni Juanita ay labis ang pagpapapasalamat ni Andrew at dumating si Mang Dencio sa tamang oras.

“Andrew.. bakit ka umiiyak?.. tahan na.. pasensya ka na at dumating si Mang Dencio para maningil ng upa kaya di ako nakabalik agad.. ano bang nangyayari sa yo ha?”
“Ate Juanita… please.. payagan mo na akong umuwi..” wika ni Andrew sa pagitan ng mga hikbi.

“Kala ko ba ayaw mong isumbong kita sa nanay mo?.. Para ka namang hindi lalaki nyan eh!.. tahan na.. wag ka ng umiyak.. akala mo ba eh may gagawin akong masama sa yo eh parang kapatid na rin ang turing ko sa yo?” alo nito. Napatingin si Andrew sa tsismosang kapitbahay at biglang nagliwanag ang mukha. Malambing namang pinahid ni Juanita ang mga luhang naglalandas sa pisngi ng bata.

“Talaga ate?.. eh bakit po dito pa tayo sa kwarto?.. pwede naman pong sa sala na lang..”

“Aba siyempre! Ayaw ko namang may makakita na kung sino sa gagawin natin.. baka kung anong isipin ng ibang tao, baka sabihin pinagsasamantalahan kita… ayun oh.. abutin mo yung 'massage oil' dyan sa may ibabaw ng tokador ko.. maghuhubad na ako.. balak ko lang namang magpamasahe sa yo.. hindi kasi ako nakatulog kagabi at ngayon naman ay hindi ako dalawin ng antok kaya tiyak na matapos mo akong masahehin ay aantukin na ako..” anito.

Dali-dali namang tumalima si Andrew at kinuhay ang itinuro nitong 'massage oil'. Lingid sa kaalaman ni Andrew ay pinasasakay lang siya ng kapitbahay para muling mapalagay ang loob ng bata sa kanya.
Hiyang-hiya si Andrew nang magsimulang dumapa sa kama ang tsismosang si Juanita at lumantad sa kanya ang hubad na likuran nito. Kahit nakakakita siya ng hubad-baro sa baryo nila ay iyon yung matatandang sabungero na sanay kumalat sa lansangan ng walang suot na pang-itaas at hindi katulad ngayon na nasa loob pa sila ng isang pribadong silid.

Sinimulang hagurin ni Andrew ng 'massage oil' ang likod ng baklang si Juanita. Maya’t maya ay napapaungol ito. Makalipas ang halos sampung minutong masahe ay biglang tumihaya ito kaya hindi sinasadyang nahawakan ni Andrew ang dibdib ng kapitbahay. Biglang binawi ni Andrew ang kamay na parang napaso ngunit dagli rin itong hinawakan ni Juanita.. “Ang sarap mo pa lang magmasahe eh! Binata ka na talaga.. pwede ng mapakinabangan..” anitong titig na titig sa mukha nya.

“Ate tapos na po ba? Baka pwede na po ako umuwi.. baka magtaka na po sina Perky at Roy at hanapin ako” patay-malisyang tanong nito.

“Ah.. oo nga ano, sige, isa na lang.. pagkatapos dito ay pwede ka ng umuwi..” wika ni Juanita na nakahawak sa dibdib. Ibig sabihin ay sa dibdib naman magmamasahe si Andrew. Wala namang tanung-tanong na nilagyan ng 'massage oil' ni Andrew ang dibdib ng bakla at sinimulan ulit ang marahang paghagod. Lihim na nangingiti si Juanita dahil kagat na kagat si Andrew sa pang-uuto niya. Nakapikit ang baklang kapitbahay ni Andrew at ninamnam ang sarap ng masahe habang nag-iisip ng sunod na hakbang kung paano niya sisimulan ang talagang pakay sa bata na hindi nito ikabibigla. Maya-maya pa ay pinatigil na niya si Andrew sa ginagawa nito at sinabing bilang kabayaran sa masahe ay mamasahehin din niya ito.

“Naku, nakakahiya po ate.. wag na po ate.. wala pong anuman sa kin.. uuwi na lang po ako..” ani Andrew at bumaba ng kama ni Juanita subalit nahatak ni Juanita ang kamay nito at dahil nawalan ng balanse ay napadagan itong bigla sa baklang kapitbahay. Biglang niyakap ng hubad pa ring si Juanita ang batang si Andrew at pilit na pinahaharap gamit ng isa nitong kamay ang mukha ng bata sa kanya pero nagpupumiglas ito. Samantala, hindi namalayan ng dalawa na papasok na pala sa bahay ng mga sandaling iyon ang mga magulang ni Juanita. Naiwan pala ni Juanita na bukas ang pinto sa sala kanina sa pagmamadaling makalapit kay Andrew kung kaya’t tuluy-tuloy na pumasok sina Perky at Roy kasunod sina Aling Arra at Mang Gaspar na siyang mga magulang ni Juanita. May nakapagsabi sa mga ito na sa bayan ng San Juan, Batangas matatagpuan si Juanita Paula kaya nagmakaawa si Aling Arra sa asawang si Gaspar na tigilan na ang pagmamatigas at puntahan nila ang panganay na anak. Hindi naman nagtagal ay nakumbinse na rin ng ginang ang asawa kaya’t tinungo nila ang bayan ng San Juan at nangupahan sa isang ‘apartel’ na nakita nila sa may bayan pero isang linggo na silang naghahanap dito ay hindi pa rin nila ito natatagpuan. Nagpasya si Mang Gaspar na kumuha muna sila ng upahang 'apartment' para may matuluyan sila pansamantala dahil malaki na rin ang nagagastos nito sa pagbabayad sa ‘apartel’. Inirekomenda ng taga-bantay sa ‘apartel’ ang lugar ni Mang Dencio dahil malapit daw sa bayan at murang maningil ng upa. Nagpasalamat ang mag-asawa dahil iyon pala ang susi para mahanap ang anak na matagal nang hindi nakikita. Nabanggit nila kay Mang Dencio ang dahilan kung bakit kelangan nilang mangupahan at nagulat ito ng malamang sila ang magulang ni Juanita Paula. Ang akala raw kasi ng kasera ay ulilang lubos na ito. Itinuro ni Mang Dencio ang mag-asawa sa compound nina Andrew at sinabihang ipagtanung-tanong sa loob ang bahay ni Juanita Paula. Sakto namang naglalaro sa harapan ng bahay sina Perky at Roy na inabot na ng inip sa paghihintay sa panganay na kapatid na si Andrew. Sa dalawang bata nagtanong ang mga magulang ni Juanita Paula na kaagad namang nagmagandang loob na samahan ang mga ito sa bahay ng baklang kapitbahay.

Pagpasok pa lang ni Mang Gaspar sa loob ng bahay ni Juanita Paula ay nakunsume na ito dahil panay pambabaeng gamit ang nakita niya sa paligid. Kahit nakahanda na niyang patawarin ang anak dahil sa pinili nitong buhay ay hindi pa rin niya magawang tanggapin ng lubusan ang pagiging bakla nito. Sa kabilang banda naman ay maluha-luha si Aling Arra nang makita ang larawan ng anak na nakapatong sa ibabaw ng tv at tila ‘dyosang’ nakabilad sa araw. Kinuha ni Aling Arra ang larawan at niyakap.

“Gaspar, tingnan mo ang anak natin. Siyanga ang anak natin! Kahit matagal na panahon na natin siyang hindi nakikita, sigurado akong siya nga ang ating anak na matagal ng nawawala…” maluha-luhang sabi nito sa asawa. Tahimik lamang si Mang Gaspar at hinagod ang likod ng kabiyak upang tumigil ito sa pag-iyak.

“Teka kuya Roy, bakit parang wala si ate Juanita?” untag ni Perky sa nakatatandang kapatid.

“Baka natutulog..” sabi naman ni Roy.

“Pero di ba sabi ni Kuya Andrew pupunta daw siya dito? Nasan ang kuya And..? hindi pa ito tapos sa sasabihin ng makarinig nila ang tinig ng kapatid.

“Ate Juanita, huwag!” sigaw ni Andrew.

Biglang napatakbo ang magkapatid na Perky at Roy kasunod ang mag-asawang Gaspar at Arra sa pinagmulan ng tinig. Nadatnan nilang yakap at pilit hinahalikan ni Juanita Paula ang kawawang si Andrew.

“Paulo Jonathan!” tumataginting ang tinig ni Mang Gaspar. Sa kabila ng mahabang panahong lumipas ay matikas pa rin ito at parang hindi man lang tumanda.

Sa labis na gulat ay nabitiwan ni Juanita Paula ang batang si Andrew. Nabalot ng takot si Juanita nang mapagsino ang bagong dating.

Dali-dali namang tumakbo palabas ng bahay si Andrew kasama ang dalawa niyang kapatid na sina Perky at Roy. Pagdating ng bahay ay kinausap niya ng masinsinan ang dalawa at sinabihang hindi dapat ikwento sa iba ang nangyari maski sa nanay nila. Kahit balot pa rin ng hilakbot at pagkagulat sa ginawa ng tsismosang kapitbahay si Andrew ay hindi siya nagpahalata sa mga ito. Nilibang niya ang dalawang kapatid at inayang maglaro ulit. Nagulat na lamang sina Andrew nang may dumating na sasakyan na patuloy ang pag-'wangwang'. Napatingin silang magkakapatid sa bintana at nakita ang parating na ambulansya.

Huminto ang mga ito sa harap ng bakuran nila at sunud-sunod na lumabas ang mga nakaunipormeng 'nurse'. Kitang-kita nila ng ilabas ng mga ito sa bahay ang hindi halos makilalang si Juanita Paula na putok ang nguso at duguan ang mukha. Nagdilim pala ang paningin ng ama nitong si Mang Gaspar sa nadatnang eksena kanina kung kaya’t nabugbog nang husto ang anak. Kamuntik na nitong napatay ng tuluyan ang baklang si Juanita. Buti na lang at listo si Aling Arra at nakatawag agad ng ambulansya. Saktong kaaalis pa lang ng ambulansya ng dumating ang Nanay ni Andrew. Nag-usisa ito kung sino ang nakasakay doon pero walang sinuman sa magkakapatid ang sumagot. Sa halip ay tuluy-tuloy na kinuha ng mga ito ang pinamili ng ina. Si Andrew ay nagsimulang magsalansan ng paninda sa kanilang tindahan samantanlang sina Perky at Roy ay nilantakan ang pasubong nitong mais.

Monday, May 2, 2011

Juanita Paula, ang tsismosang kapitbahay

Isang Maikling Kwento na hango sa malikot na kaisipan ng manunulat. It is recommended to read my other post, "Happy Mother's day, Mahal Kong Inay" before reading this one.



Isang umaga, habang nagwawalis sa kanilang bakuran, nakarinig ng malakas na kalabog si Juanita Paula. Ang kalabog ay nanggaling sa bahay nina Aling Kirsty kaya alam niyang may hindi na naman magandang nangyari. Ang tsismosang bakla ay agad nagtungo sa may bintana ng kapitbahay at sinilip kung anong nangyayari sa loob. Doon nya nakita ang umiiyak na batang si Perky habang inaalo ito ng panganay na kapatid na si Andrew. Nandoon din ang pangalawang kapatid ni Andrew na si Roy at halatang takot na takot ang tatlo.

Hindi lingid sa kaalaman ni Juanita Paula kung gaano kahigpit ang nanay ng mga ito at nakasisiguro siyang pag nalaman ito ng nanay ng mga bata ay mapapalo na naman si Andrew. Kung minsan ay naaawa na nga siya sa bata lalo na at sa tuwing papaluin ito ni aling Kirsty ay nananariwa sa isip niya kung paano siya binugbog ng kanyang tatay nang malamang hindi pala siya isang barako kundi isang “petrang kabayo”.

Isang linggo na lang at Pasko na, kaya naman maraming mga namimili sa palengke ng mga bagong damit at laruan. Kabilang na sa mga ito ang mag-inang Paulo Jonathan at Aling Arra.

“Nay, nay, gusto ko nun!” Ang malanding sabi ng batang si Paulo at nakaturong tila pumipilantik ang mga daliri sa isang bestida.

“Anak, baka nakakalimutan mo, ang bibilhin natin ay damit mo, hindi damit ng kapatid mo” anito na ang tinutukoy ay ang bunsong kapatid nyang babaeng si Marlene.

“Nay naman.. hindi ako nagbibiro noh, bestida talaga ang gusto ko.. matagal ko pong gustong magsuot ng bestida..” anitong nakapamewang pa.

Hindi malaman ni aling Arra kung matatawa o magagalit sa panganay na anak. Noon pa niya nahahalatang medyo malambot ito kumilos at kung minsan ay pumipilantik ang lakad pero hindi niya pinapansin. Ngayon ay parang kinakabahan siya. Alam niyang hindi magugustuhan ng kanyang asawang si Gaspar pag nalaman na bumigay na ang anak.

“PJ anak ko! Ano bang nangyayari sa yo!?” bulalas ng ginang.

“Inay, tsilaks ka lang.. bili mo po ako ng bestida at tyak na bongga ako sa Pasko! Gusto ko magpapansin kay Paul. Saka para mainggit din sina Krizzy at Marilou” anang binatilyo o mas angkop sabihing “dalagita” na ang tinutukoy ay ang mga kaklaseng tulad nito’y “malambot” din.

“Diyos ko, umuwi muna tayo anak, nahihilo ako at para akong hihimatayin, mag-usap tayo sa bahay” anang ginang nang mapaghinuhang seryoso ang anak. Hinila siya nito patungo sa sakayan ng traysikel. Habang daan ay tahimik ang ina at parang malalim ang iniisip. Ang bata naman ay natameme pero kumikibot kibot ang labi na parang may gustong sabihin sa ina. Pagdating sa bahay ay kaagad kumuha ng malamig na tubig si Aling arra at matapos uminom ay hinarap ang anak.

“Paulo Jonathan, magtapat ka nga sa akin.. lalaki ka ba o babae!” mahinahon pero madiin ang pagkakabitaw ng tanong.

“Bakla, mother!.. bakla po ako..” malanding tugon nito.

“At kelan ka pa naging bakla aber?!” tumaas na ang tinig ng ginang.

“Matagal na pwo..”

“Ha!? Sinong bakla?!!” tinig ng kanyang ama na noon ay papasok ng kusina. Isa itong pulis sa kanilang bayan at kinatatakutan ng marami dahil sa pagiging matapang. Sabay na napalingon ang mag-ina sa bagong dating. Tiklop naman ang tuhod ni Paulo Jonathan at nabalot ng takot ang kanina’y masaya niyang mukha. Alam niyang mahal na mahal siya ng kanyang nanay at mauunawaan siya nito pero takot siya sa kanyang tatay. Tumingin siya sa ina at nakita niyang parang maiiyak ito.

“O, bakit para kayong natuklaw na ahas dyan. Aba magsalita kayo.. ano yung narinig kong bakla. Sinong bakla ang pinag-uusapan nyo?” patay-malisyang tanong nito habang dire-diretsong kumuha ng maiinom sa ref. Kapwa naman walang imik ang mag-ina.

“Paulo Jonathan…?” baling ni Mang Gaspar sa anak kapagkuwan.

“Tay?” tila naumid ang dila ni PJ.

“Tinatanong ko kayo ng nanay mo, sinong bakla?” mariin ang pagkakabanggit nito sa salitang bakla, kaya lalong tumiklop ang tuhod ng binatilyo, este “dalagita”

“Ako po itay.. babae po ako..” nahihiyang amin nito makaraan ng mahabang sandali.

Biglang nagdilim ang paningin ng kanyang ama at hinablot siya sa kuwelyo.

“Kalokohan.. hindi ka babae.. hindi ka bakla, isa kang lalaki, naiintindihan mo?!”

“Hindi ko po maintindihan itay, babae po talaga ako..” nakayukong sabi ni PJ na noon ay umiiyak na.

“Tama na.. “ awat naman ni Aling Arra sa asawa.. “andyan na yan eh… tanggapin na lang natin”

“Hindi! Hindi ko matatanggap na magkaron ng anak na bakla, halika dito….!” Sabi ng kanyang ama sabay hila sa kanya palabas ng bahay. Dinala siya nito sa puno ng mangga ng maraming langgam at inutusan ang asawa na kumuha ng lubid. Kapagkuwan ay itinali si Paulo Jonathan sa puno. “Ayan! Pababayaan kitang kagatin ng mga langgam hanggang hindi mo sinasabing isa kang lalaki!”

“Wag po itay! Inay, tulungan nyo po ako.. itay, inay!” nagmamakaawa si PJ. Nagsisimula na siyang kagatin ng mga langgam pero hindi siya makapiksi dahil nakatali ang kanyang kamay at paa. Panay ang tulo ng luha sa kanyang mga mata.

“Bathala ng mga sirena.. tulungan mo po ako…” usal ni PJ habang umiiyak. Makalipas ang halos isang oras ay binalikan siya ng kanyang ama at tinanong. Kasunod nito ang kanyang ina na wala rin namang magawa.

“Ano, Paulo Jonathan.. siguro naman ay alam mo na ngayon kung ano ang totoong ikaw?.. isa kang matapang na lalaki, naiintindihan mo!?” sigaw ng kanyang ama. Nakita ni PJ na nakadungaw sa bintana ang ilan nilang kapitbahay at awang-awa sa kanya. Hindi siya sumagot sa halip ay tinitigan lang ang mga paang namumula at namamantal dahil sa kagat ng langgam.

“Magsalita ka Paulo!” Sigaw nito sabay hagupit ng sinturon sa mga binti niya. Namumula na sa galit si Mang Gaspar.

“Tay, tama na po.. hindi ko na po talaga kaya.. tay, lalaki po ako pero nararamdaman ko po na hindi ako tunay na lalaki..” ani PJ na noo’y hilam na sa luha ang mga mata.

“Aba! .. talagang malilintikan ka sa kin!” sabi nito, sabay hataw ulit ng sinturon. Halos mapapalahaw sa sakit ang bakla.


“Gaspar, hayaan mo na ang anak natin.. baka mapatay mo siya! Isipin mo na lang na kahit pilitin mo siya ngayon ay lalabas at lalabas pa rin ang tunay niyang pagkatao pagdating ng araw..” anang kanyang inay. Napatingin si PJ sa ama at naghintay sa reaksiyon nito subalit sa malayo nakatingin ang kanyang itay at blangko ang ekpresyon ng mukha. Maya-maya pa ay nagbuga ito ng hangin at walang salitang umalis.

“Naku, ikaw talagang bata ka, nakita mo na ang ginawa mo, pangarap pa naman ng itay mo na maging isa ka ring matapang na pulis pagdating ng araw..tingnan mo.. puro kasi babae ang kalaro mo kaya ka nagkaganyan” sabi ng kanyang ina habang inaalis ang pagkakagapos niya sa puno. Niyakap ni PJ ang ina pagkatapos. “Inay, sorry po at salamat.. hindi ko naman po sinasadya na maging ganito ako ‘Nay! Pinakiramdaman ko po talaga ang sarili ko at isa po talaga akong sirena!” aniya at pilit pinasasaya ang nanay nya. Napangiti naman ang ina at tinapik siya sa balikat, “Kaw talaga!”

“Nay, may pabor lang po akong hihilingin sa inyo..” aniyang nakayakap sa bewang nito.. “pwede po bang wag nyo na akong tawaging Paulo Jonathan?... tawagin nyo na lang po akong Paula! Juanita Paula!” malanding sabi niya sa ina.


“O sige anak, okey lang basta’t hindi kaharap ang iyong ama. Hangga’t maaari kapag andyan siya ay kumilos ka pa rin na parang totoong lalaki.” payo ni Aling Arra sa anak.

“Naiintindihan ko po ‘Nay!”

Masaya na si Juanita Paula sa pag-aakala niyang tapos na ang problema. Kahit papano ay nakahinga siya ng maluwag dahil tanggap na ng nanay niya kung ano siya. Bumalik rin sila sa palengke at binili nito sa kanya ang bestidang nagustuhan pero hindi ipinasuot sa kanya sa labas at baka makita ng kanyang itay. Nagkasya na lang si Juanita na isuot na lamang ang bestida kapag nasa loob siya ng kanyang kwarto. Lumipas ang mga araw at kibuin-dili siya ng ama. Bihirang-bihira siyang kausapin nito hanggang isang araw ay umuwi si Mang Gaspar na lasing na lasing. Pinalayas siya nito at hindi na napigilan pa ng kanyang Inay ng ipagtabuyan siya ng ama palabas. Yun ang dahilan kung bakit siya napadpad sa San Juan Batangas at nakilala ang pamilya ni Andrew. Labinlimang taon na ang nakalipas mula ng umalis siya sa bayan nila sa Pangasinan at magmula noon ay hindi na niya nakita ang pinakamamahal na ina.


“Hayyyyyy!” mahabang buntong hininga ni Juanita Paula matapos ang pagbabalik-tanaw. Bente-syete anyos na siya ngayon pero hindi pa rin niya kayang harapin ang ama.

“Kuya may tao ata!” ani perky nang mapansing may nakadungaw sa sala nila.

“Huh! Ang tsismosang si Juanita Paula kuya!” sigaw ni Roy.

“Sige, maiwan ko muna kayo dito at kakausapin ko si Juanita”, anang kuya Andrew nila.

Dali-daling lumabas ng bahay si Andrew subalit mabilis nang nakalayo si Juanita Paula. Sa pag-aalalang baka magsumbong ito sa kanyang ina ay sinundan niya ito hanggang sa bahay.


“Tao po! Tao po! Ate Juanita, anjan po ba kayo?” sunud-sunod ang katok ni Andrew. Maya-maya ay bumukas ang pinto at ang nakangiting si Juanita ang bumungad.

“Bakit Andrew, may kailangan ka ba?” malanding tanong nito.

“Ate, nakita po kayo ng mga kapatid ko na nakasilip sa bahay kanina, may alam po ba kayo sa nangyari?” kinakabahang tanong ng bata.

“Wala naman.. narinig ko lang na may lumagabog at pagsilip ko umiiyak na si Perky at parang narinig ko na pinagbawalan mo silang magsumbong sa nanay nyo..” parang nanunuksong sabi ng tsismosang kapitbahay kay Andrew. Alam ni Andrew kung gaano katabil ang dila ni Juanita Paula at kapag ginalit niya ito ay tiyak na magsusumbong ito sa nanay niya.


“Ate Juanita, please… wag mo namang sasabihin sa Inay, please…”

“Well.. ang lagay ba e ganun na lang yon?” nakapameywang na sabi nito at inakbayan siya. Lalong kinabahan si Andrew sa ginawing iyon ng bakla. Naalala niya minsan ang usapan ng dalawa niyang kalarong lalaki na umano ay “namolestiya” ng tsismosang kapitbahay. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig ng mga sandaling iyon at biglang nanigas sa kinatatayuan. Hindi niya namalayan kung paanong, nakapasok siya sa kwarto ng kung hindi pa niya nakita ang kama.

“Ate.. anong ibig sabihin nito?.. ate uuwi na lang po ako!” aniya at akmang tatakbo pero napigilan siya nito sa braso.

Saturday, April 30, 2011

Happy Mother's Day, Mahal Kong Inay!

Mother's day will be celebrated here in the Philippines on May 8, 2011. To my mama & other mommies out there, "Happy Mother's Day!"

Isang maikling kwento (short story)

Si Andrew. Isang batang nakatira sa isang baryo sa San Juan, Batangas. Panganay siya sa tatlong anak nina Aling Kirsty at Mang Joseph at kasalukuyang nag-aaral sa isang pampribadong paaralan malapit sa kanilang baryo bilang “iskolar”. Grade six na siya sa darating na pasukan.

Mula pagkabata ay natanim sa isip ni Andrew na hindi siya mahal ng kanyang ina. Palagi siyang pinapalo at sinisigawan nito kahit sa kaunting pagkakamali lamang kung kaya’t ingat na ingat siyang gumawa ng kahit anong bagay na ikagagalit nito. Pero siyempre, dahil bata, madalas ay hindi pa rin niya maiwasang magkamali. Isang Sabado, nagtungo ang nanay nila sa palengke upang mamili ng pagkain para sa buong linggo. Ang tatlong magkakapatid ay nagkasundong maglaro ng “taguan” sa loob ng kanilang tahanan, ngunit nangyari ang isang aksidente. Umakyat sa ibabaw ng “aparador” ang kanyang bunsong kapatid na babae at sa kasamaang-palad ay nahulog ito. Lumagapak ang puwet nito sa sahig. Dali-daling nilapitan ni Andrew ang bunsong kapatid para payapain. Takot na naman ang bumalot sa buo niyang pagkatao dahil alam niyang kapag nalaman ng nanay nila ang nagyari ay tiyak na siya na naman ang sisisihin nito. Alam niyang hindi lamang mura ang matitikman niya mula sa ina, kundi hagupit ng sinturon at mga sampal gaya nang madalas nitong gawin.

“Ssshhhh… tahan na.. magagalit ang nanay kapag narinig ka niyang umiiyak.. tahan na..” alo ni Andrew sa pitong taong gulang na kapatid habang dahan-dahang hinihimas ang ulo nito. Mabilis namang lumabas sa pinatataguan ang isa pa niyang kapatid na lalaki na halatang takot din. Mas bata lang ito sa kanya ng dalawang taon. Saglit pa at napayapa na ang bunsong si Perky. Kinausap ni Andrew ang dalawang kapatid na sina Roy at Perky at sinabihang huwag ng banggitin pa sa kanilang ina ang nangyari kasabay ng panalangin na sana’y malimutan na ito ng dalawang kapatid.

Gayunpaman, sa kabila ng hindi magandang trato kay Andrew ng ina ay mahal na mahal pa rin niya ito. Nauunawaan niya ang ina. Mag-isa na lang kasi ito sa buhay. Matagal ng kinuha ng Maykapal ang kanyang ama. Dalawang taon pa lamang noon ang kanyang bunsong kapatid nang mamatay ang kanyang ama sa isang aksidente sa minehan na pinagtatrabahuhan nito sa Saudi. Mula noon ay ang kanyang ina na ang tumayong ina at “ama” nilang tatlo. May munting tindahan sila sa silong ng bahay na ang kanyang ina ang tumatao at kung minsan ay nagtitinda rin ng kung anu-anong kakanin gaya ng “kutsinta, sapin-sapin, puto, pancit, “bananaque”, “camoteque” at ginataang halo-halo. Alam niyang marami itong trabaho at walang ibang katuwang sa buhay kaya palaging mainit ang ulo nito at madaling magalit. Sabi niya sa sarili, maswerte pa rin silang magkakapatid dahil kahit papano ay andyan ang kanilang ina para ibigay ang kanilang pangangailangan sa kabila ng pagiging abala nito. Ang lagi lang niyang dalangin ay matuto itong magtimpi at maging mahinahon. Tamang-tama, Mother’s day bukas at noong isang araw pa nakagawa ng sulat si Andrew para sa ina. Gumawa siya ng “Mother’s day card” at doon ipinaloob ang sulat para dito.

Dumating ang kanilang ina buhat sa palengke makaraan ang dalawang oras. Kaagad na lumapit ang magkakapatid at tinulungan ito sa pagbubuhat ng mga pinamili. Sina Perky at Roy ay kaagad nagsikuha ng nilagang mais na paboritong ipasalubong sa kanila ng ina habang siya ay tahimik na tumuloy na lamang sa kanilang munting tindahan upang isalansan ang mga paninda. Lihim siyang nagpasalamat at hindi nabanggit ng dalawang kapatid ang nangyari kanina.

Nang sumunod na araw, maagang gumising si Andrew at maingat niyang ipinatong sa ibabaw ng tokador ng ina ang “Mother’s day card” na ginawa niya. Pagkatapos ay nagtuluy-tuloy na siya sa banyo at naligo upang maghanda sa pagsimba. Nakagawian na nilang mag-anak na sabay-sabay magsimba kung linggo.

Samantala, hindi alam ni Andrew na nagising ang ina nang pumasok siya sa kwarto nito kanina. Pagkalabas niya ay napabangon ito at kinuha ang bagay na iniwan ng panganay na anak. Sobrang naantig ang damdamin nito pagkakita sa “Mother’s day card” na personal na ginawa ng anak.


Ito ang sabi sa sulat:

Inay,

Patawarin nyo po ako kung palagi akong nagiging sakit ng inyong ulo. Hindi ko po sinasadya na kung minsan ay hindi ko maiwasang magkamali. Hindi ko po iniinda ang sakit ng katawan sa tuwing papaluin nyo ako, pero sa tuwing sinasaktan nyo po ako, naiisip ko na baka hindi nyo ako mahal. Mahal nyo po ba ako, Inay? Kapag po may nangyaring hindi nyo gusto, madalas po ay ako ang nasisisi at napagsasabihan kahit hindi ko naman po talaga kasalanan at kung minsan ay hindi nyo rin po ako pinakikinggan. Lagi na lamang pong ako ang napagbubuntunan ninyo ng galit. Sana inay, kahit minsan ay maramdaman ko rin na mahal nyo ako katulad nina Perky at Roy.

Mahal na mahal ko po kayo at ang aking dalawang kapatid. Happy Mother’s day, Mahal kong Inay!

Andrew

Kasabay ng pagtatapos ng liham ay ang pagpatak ng luha ni Aling Kirsty. Hindi niya akalaing ganun na pala kalaki ang pagdaramdam sa kanya ng panganay na anak. Alam niya na kung minsan ay labis niya itong nasasaktan pero kahit kailan ay hindi nawala ang pagmamahal niya dito. Ang totoo ay labis siyang nasasaktan pag pinapalo ito pero hindi niya mapigilan ang sarili. Siguro nga ay sobra na ang nagawa niya at panahon na para ituwid ang kanyang pagkakamali.

Nang umagang iyon ay sabay-sabay silang nagsimba tulad ng dati. Pagkatapos ay nag-aya si Aling Kirsty na magmeryenda sila sa Dunkin Donut na malapit lang sa patyo. Kaysaya ng dalawang kapatid ni Andrew habang kumakain ng paborito nilang donut habang siya ay hindi makatingin ng tuwid sa ina. Maya-maya ay nagsalita ang kanyang ina. “Salamat Andrew sa pagiging mabuting anak at kapatid kina Roy at Perky. Mahal na mahal ko kayong tatlo mga anak” makahulugang sabi nito. Biglang nagliwanag ang mukha ni Andrew at nagkaron ng kislap ang mga mata sabay sabing “Salamat Inay! Happy Mother’s day po!”

Masayang-masaya si Andrew. Alam niya na iyon na ang simula ng maligayang pagsasama nila ng ina kung kaya’t napausal siya ng taimtim na panalangin bilang pasasalamat sa Diyos.

Related Posts with Thumbnails