Thursday, January 27, 2011

Maligayang Kaarawan Mahal kong Asawa

A poem dedicated to my husband who is celebrating his birthday today. Luv u bhe. mwah!

Ako ay bumabati ng “Maligayang Kaarawan!”
At nananalangin sa Diyos na may lalang
Na ikaw ay biyayaan ng mubuting kalusugan
At sapitin pa lalo ng mas maraming kaarawan.

Sana sa araw na ito ikaw ay maging maligaya
Sana rin ay makamit mo ang mga bagay na ninanasa
Kami’y mas masayang tunay kapag ikaw ay masaya
Pagkat sa aming lahat, ikaw ay mahalaga.

Ang tangi ko lang hiling sa Diyos sana’y dinggin
Wag sanang magbago ang pagtingin mo sa akin
Sana ang pag-ibig natin ay lalo pang pagtibayin
Ng mga karanasang magkasama nating haharapin.

Kapag dumating ang araw at pumuti na’ng ‘yong buhok
At ang mga balat mo ay lubusang mangulubot
Asahan mong sa ‘ting sumpaan, ako ay di lilimot
At hanggang sa huli’y mamahalin ka ng lubos.

Salamat aking mahal at dumating ka sa buhay ko
Salamat sa lahat ng mga nagawa mo
Maligayang kaarawan yan ang pagbati ko
Minamahal kita nang taos sa puso ko!

No comments:

Post a Comment

Related Posts with Thumbnails