Friday, November 26, 2010

Kasi naman kasi... mahal kita! "My Amnesia Girl"

Sooooo kuleeeeeeeet!!!

Until now, hindi ko pa rin malimutan yung karamihan sa mga pick up lines na binitiwan nina Toni and John Lloyd sa movie..  It was really funny and hilarious.. matatawa ka ng bonggang-bongga. In fairness to them ha, malakas ang chemistry nila. Promise, nakakawala ng stress!

My husband and I watched the movie last night at Mall of Asia. 6:15 yung screening, 6PM daw magpapapasok pero take note, 5:30 pa lang ang haba na ng pila sa harap ng Premier Cinema. Free-seating siya so napilitan tuloy kaming makipila na rin just to make sure na makakahanap kami ng magandang pwesto. Akala ko nga first day screening sa sobrang dami ng tao, yun pala 3rd day na kahapon. Haha!

Yung mga hindi pa nakakapanuod, nuod na kayo. Mas maganda if you are with your partner pag manunuod ka. Haynaku, yung asawa ko, halos kagatin braso ko dahil sa sobrang kilig sa dalawa nina Toni and Lloydie.. No boring scene at all. Para ngang di namin namalayan yung oras, hindi mo aakalaing 1 hour and 45 minutes na pala ang lumipas dahil wala kaming ginawa kundi tumawa. Ang galing ng script writer and director at syempre yung mga casts kasi nagawa nilang super kakakilig yung movie. Like, yung scene kung saan, dinikitan ng mga post-it notes yung bahay ni Toni.. example: “ikaw ang puto sa aking dinuguan”..  hehe.. love it!!! Meron din namang nakakalungkot na eksena, like when JL had to court Toni again, he had to run errands at may scene dun kung saan napahiya si JL at nasabihang “malaki ang tyan”. Medyo teary-eyed kami dun. ^__^ 

Yung moment na pinipilit ni JL na bigyan ng mga bagong memories si Toni, he arranged a birthday party at nagbirthday si Toni ng 28 times! Nung nasa part na debut na niya, tinugtog yung “di na natuto” na parang sirang plaka. Kwela talaga! J
Hindi naman halata masyado na enjoy na enjoy kami sa panunuod noh! Sa katunayan, heto ang mga pick up lines na natatak sa memory namin na hanggang sa nung nagdidinner na kami ay paulit-ulit naming binabalikan ng husband ko at natatawa talaga kami. Corny but romantic!
  •  Sabi ko na camera ako eh.. huh? Kasi napapa-smile kita.
  •   Naku baka hindi ka na makauwi.. bakit? Kasi nasa isip na kita.
  •   Siguro kung bola ka, hindi kita kayang i-shoot? Bakit, kasi palagi mo akong    mamimiss?
  •   Thank you lord ha, pandesal lang naman ang hiniling ko, hamburger ang binigay Nyo, may fries pa!
  •  Para kang kuto.. kasi palagi kang andito sa ulo ko.
  •  Para kang ihi.. bakit naman? kasi ang hirap mong pigilan.
  •  Para kang tae.. ha? Bakit? kasi di kita magawang paglaruan.
  •  Bili ka ng salbabida ha? Bakit, kasi magsuswimming tayo? Hindi, kasi baka malunod ka sa pagmamamahal ko!
  •  May MMDA ba dito? Ha, wala, bakit? Kasi nagkabanggaan ang mga puso natin!
  •  Para kang teleserye? Talaga bakit? Kasi nakakaadik.
  •  Ikaw para kang pelikula.. kasi ang sarap mong panuorin.

Like it! Totoo ngang masarap panuorin! Sayang at memory full na kami, siguro dahil sa katatawa, pinasok ng hangin yung mga ulo namin kaya di na namin maremember lahat yung lines. Anyway, congratulations to Toni Gonzaga and John Loyd Cruz, sa lahat ng casts and people na naging part ng production, they really did well and I believe it will be one of the top grosser for 2010!


No comments:

Post a Comment

Related Posts with Thumbnails