Saturday, November 27, 2010

Hiding Inside Myself

(Dedicated to Ate Heide and other high school friends. Mahaba-haba ang isang ito. As in mala-nobela. hehe :)

     Magkababata sina Marvin at Monica. Bestfriends sila na nauwi sa pagiging lovers. Pero kinailangan ng binatang lumuwas ng Maynila para sa pagpapatuloy ng college. Umalis siyang may commitment sa dalaga.. na although matagal silang magkakalayo ay nangako itong babalik para sa kanya.. para pakasalan sya. Not knowing na darating sa buhay nito ang isang babaeng higit pa niyang iibigin.. si Heide. Ngunit sa kasamaang-palad ay di niya maaring mahalin dahil sa binitiwang pangako sa nobya. Paano na ngayon gayong mas matimbang si Heide sa puso nya?..


Chapter I

   
  
"Marvin, bagay ba sa 'kin ang togang ito?" tanong  ni Monica habang sinisipat ang sarili sa salamin.
     "Ikaw talaga, napaka-excited mo! Aba, daig mo pa ang valedictorian, tingnan mo nga ako, paeasy-easy lang.." sagot nito na nangingiti sa kababata.

     Noong una, tama, kababata lang ang tingin nya kay Monica. Pareho silang lumaki at nagkaisip sa San Juan, Batangas. Mula elementary ay sabay silang pumapasok sa school at hanggang sa lumaki ay hindi nawala ang pagiging close nila. They were bestfriends. Si Marvin, noong una ay itinuturing nyang "kinakapatid" ang dalaga subalit dahil sa kakakantyaw na rin siguro ng karamihan dun sa kanilang lugar ay unti-unting umusbong ang kakaibang damdamin para dito. Damdaming higit pa sa kaibigan.
     One day na lang at graduation na nila ng High School kung saan valedictorian si Marvin at salutatorian naman si Monica.
   "To naman! Syempre sino ba naman ang hindi magiging excited gayong bukas na ang graduation. Tagal din nating hinintay 'to no!" nakalabing wika ng dalaga.

     Ayaw ni Marvin kapag naririnig na ganon ang tono ng kababata. Ayaw nya na magtampo ito sa kanya. Lalo na at may crush siya dito.

     "Oo nga naman, last day na ng graduation practice.. Congrats friend! Excited na nga rin ako eh" sabi na lang nya.

     "Yan ganyan! Dapat lagi mong susuportahan ang sinasabi ko, para ano pa't bestfriend kita" anito at tinapik pa sa balikat ang lalaki. Sunod na pumailanlang ay ang malakas na tawanan sa loob ng kwarto ng dalaga.

     Sanay na silang dalawa na magkasama sa loob ng kwarto nito simula pa noong mga bata sila. Minsan nga, nakakaramdam ng pagkaguilty si Marvin dahil noong una fully friendship lang ang namamagitan sa kanilang dalawa. Walang halong malisya. Pero iba na ngayon. May mga pagkakataon pa na pinupuntahan nya ang dalaga sa kwarto pag namimiss nya ito at tatambay doon para lang makasama ang babaeng lihim na itinatangi ng kanyang puso.

     "Aba, mukha yatang nagkakasayahan kayong dalawa.." nakangiting bungad ni aling Deanna sa dalawa. Ang mama ni Monica.

     "Kasi 'Ma itong si Marvin eh, ang kulit!" anito na nakangiti sa binata.

     "Hindi naman ho, talaga lang yatang maganda ang mood namin. Last day na ho kasi ng practice at bukas ay graduation na" sagot ng binata na noon ay namumula ang mukha. Siguro ay dahil na rin sa katatawa nito.

     "Eh anong oras naman kayong dalawa pupunta sa school?" pahabol nitong tanong.

     "Maya-maya 'ma. mga 9:30 po. Alas-dyes pa naman ang simula ng practice." Sagot ng dalaga. Noon ay saktong alas nuebe pa lang ng umaga at ang school ay walking distance lang naman mula sa bahay nila.

     "Ganun ba? O sige, bumaba na kayo para kumain para naman hindi kayo magutom sa practice" anito at tuluy-tuloy na bumaba ng hagdan.

     "O ano Mister, tara na sa baba!" aya ng dalaga nang mapansing walang kibo ang lalaki.

     "Ha? .. ok.. sige.." at sumunod na ito kay Monica.

     Masarap ang inihandang pagkain ng mama ng dalaga. Relyenong bangus at patis na pinisaan ng kamatis.

     "Wow, mukhang masarap. Bigla akong ginanahan!" ani Marvin sabay hila sa silya na palagi nyang inuupunan sa tuwing aayain syang doon kumain.

     Napatawa naman si Monica at iiling-iling na umupo na lang sa tapat niya.

     "Tita Dei, talagang expert kayo sa pagluluto" anang binata na noon ay sarap na sarap sa pagkain. Hindi ito gumamit ng kutsara at enjoy na enjoy sa patis na may kamatis.

     "Sus at nambola na naman ang batang ito. Sadyang inihanda ko yan para sa inyo dahil alam kong paborito nyo ang relyenong bangus. Bagong huli pa naman ang mga yan"

     "Ang lakas talaga natin kay Mama" anang dalaga at kumindat sa ina. "Bakit hindi ka pa sumabay samin Ma?"

     "Mamaya na lang. Alam ko namang kulang pa sa inyo yan eh" Sabi ng kanyang ina na nakikibiro na rin.

     "Si Mama naman..." pagmamaktol ng dalaga. "Para namang ang takaw namin.." anito at nagkatawanan silang tatlo.

     Pagkatapos kumain ay nagpaalam si Monica na magbibihis. Si Marvin naman ay naiwan sa may sala at muling binuklat-buklat ang photo album na nandon.

     Maganda si Monica. Kahit laki ito sa baryo ay mapagkakamalan mong taga-Lungsod. Tipong mestisahin ito, malalantik ang mga pilik at mahaba ang tuwid na tuwid na buhok na umaabot hanggang baywang.  Lalo pa itong gumaganda kapag lumalabas ang dimple nito sa magkabilang pisngi.

     Si Marvin naman ay gwapo, matangkad at matikas. Hindi ito gaanong maputi na lalo pang nakadagdag sa appeal nito. Meron din itong maliliit na "kurukutok" sa gilid ng labi. Ang mga mata ay matiim kung tumitig at nakakaakit. Tipong young vesion ni Hercules ang dating. Isa pang hinahangaan dito ay ang angkin nitong likas na talino.

  Silang dalawa ang naging tampulan ng tukso sa kanilang baryo. Lagi kasi silang magkabuntot. Madalas din, silang dalawa ang musa at eskorte tuwing may program sa school.

     "Marvin.. katukin mo na yang si Monica sa kwarto." tinig ng mama ni Monica buhat sa kusina. "Aba eh baka mahuli kayo nyan. Alam mo naman yang isang yan, hindi pa lalabas ng kwarto hangga't hindi nababasag ang salamin" biro nito.

     "Ok po Tita!" aniya at tuluy-tuloy na umakyat. Hindi na sya kumatok dahil nakaawang naman ang pinto ng kwarto ng dalaga. Tama nga ang Mama nito. Ayun ang dalaga at nasa harap ng salamin.

     "Monics.." tawag nya sa nickname nito. "Tara na.. 'kaw talaga, baka mabasag na ang salamin nyan sa katititig mo.." anang binata na gustong asarin ito. "Di na magbabago pa ang mukhang yan, pangit pa rin.." nakakalokong sabi.

     "Hmp! nagsalita ang mamang gwapo. Tara na nga at baka mabadtrip pa ko" nakangiting sabi nito sabay dampot sa bag na nakapatong sa kama. Alam naman nitong nagbibiro lang sya. Sa totoo lang ay lalong nadadagdagan ang pag-ibig nya sa kaharap na habang tumatagal ay lalo namang gumaganda.

     Graduation. Maliwanag ang buwan ng gabing yon. Nagniningning ang mga bituin sa langit tulad ng mga mata ng mga taong naroon sa loob ng campus. Masayang-masaya ang mga lahat ng nagtapos gayundin ang kanilang mga magulang. Sina Marvin at Monica ay parehong nakaupo sa entablado. Kapwa mabibigat ang leeg dahil sa dami ng medalyang nakasabit doon. Kasalukuyang inaawit ng mga bagong graduate ang closing song nila na "Journey".
    
     Matapos ang pag-awit ay naghagisan na ng sombrero ang mga nagsipagtapos habang ang iba ay abalang-abala naman sa pagkuha ng litrato.

     "Congrats ulit" bati ni Marvin kay Monica sabay lahad ng kamay dito.

    "Congrats din" maluha-luhang sabi ng dalaga na inabot ang kamay at niyakap ang kaibigan.

     Nang bumitiw ito sa pagkakayakap ay nakangiti na. "Oy, ngayong tapos na tayo, pihadong marami kang balak sa buhay.." anito.

     "Sinabi mo pa.." aniya. "Teka, asan na kaya sina Mommy at mama mo?" anitong luminga-linga.

     "Sabi kanina ni Mama ay maghihintay na lang daw sila ng iyong mommy sa may parking. Dun na lang daw muna sila sa Van." Ang van ay pag-aari nina Marvin at minamaneho ni Mang Forting, katiwala ng mommy nito.

     "I see, o siya, tara na" aya ng binata at iginiya na siya palabas.

     Pasado alas-onse na ng gabi nang sila'y makauwi. Palibhasa'y pagod nagkanya-kanya na silang pasok sa kanilang bahay. Magkatabi lang naman ang kanilang apartment. Ito ang paupahang unit na itinayo ng kanilang mga magulang. Up and down aparment iyon na may sampung pinto na magkasosyong naipundar ng daddy ni Marvin at Papa ni Monica na noon pa man ay magkaibigan na ring matalik kahit mga bata pa. Ang dalawa sa sampung units ang inuukupa nila. Sayang nga lang at maagang nawala ang mga ito. Sabay na namatay ang mga ito sa isang plane crash habang patungong Palawan. Dadalo sana ang mga ito sa isang grand business launching ng isa pa nilang kumpare pero hindi na umabot doon. Noon ay nasa elementary pa lang sina Marvin at Monica.

     Mataas na ang sikat ng araw ng magising si Monica kinabukasan. Masakit ang dampi nito sa kanyang balat buhat sa siwang ng kurtina.

     "O, iha, gising ka na pala" anang kanyang mama na noon ay abalang inaayos sa ibabaw ng kanyang study table ang mga graduation gifts na natanggap nya kagabi. "Sangapala, galing si Marvin dito kanina, pero nang malamang tulog ka pa ay nagbilin na lang at umalis din."

     "Ano daw po ang kelangan n'ya Ma?" aniyang nakatitig sa kisame at waring tinatamad pang bumangon.

     "Puntahan mo raw siya sa kanila kung wala kang gagawin mamayang alas-kwatro. Papasama raw na pumunta sa may tabing-dagat"

     "Aba, ano naman kayang nakain ng isang yun at nag-aayang pumunta sa tabing-dagat?" sabi niya na parang sarili lang ang kausap pero narinig pa rin ng kanyang Mama.

     "Mabuti rin iyon para makapaglibang kayong dalawa. Aba eh pareho kayong subsob sa pag-aaral nitong nagdaang linggo. Ang mabuti pa ay bumangon ka na riyan at ng makapag-almusal." Anito at iniwan na siya.

     Nakakainip ang pagdaan ng mga oras para kay Monica. Kanina pa siyang patingin-tingin sa orasan at hinihintay na sumapit ang alas kwatro upang sa ganun ay makapangibang-bahay. Nahihiya naman siya na pumunta ng maaga dahil baka kantyawan siya ng kaibigan at sabihin na namang hindi siya makapaghintay. Matagal na rin kasi siyang sabik na bumalik sa tabing-dagat. Dati, nung malayo pa ang finals ay madalas silang tumungo ni Marvin doon para maglakad-lakad sa dalampasigan. Malapit lang naman sila sa dagat. Pwedeng lakarin iyon. Mga kalahating-oras na lakad buhat sa kanila.

     Pagsapit ng alas kwatro ay nagpaalam na siya sa ina at tumungo sa bahay nina Marvin. Suot ang isang maong shorts, puting sando at paborito niyang beach sandals. Ang kanyang mahabang buhok ay nakapony-tail. Suot din n'ya ang paboritong cap na regalo ni Marvin nung valentines day. Tulad ng dati ay dala pa rin niya ang kanyang beach bag na sa tuwina'y nakahanda para kapag nagyaya ang kaibigan ay makaalis sila kaagad. Ganun pa rin ang laman noon. Beach towel, shades, at garapon na siyang pinaglalagayan n'ya ng mga maliit na shells na pinupulot niya habang naglalakad sa tabing dagat.

     Sakto ang dating n'ya at nakahanda na rin si Marvin. Kasalukuyan itong nanunuod ng tv at marahil ay talagang inaabangan ang kanyang pagdating. Gwapong-gwapo ito bagaman ang suot ay isang simpleng maong shorts at sando lamang. Nakashades pa ito na lalong nakapagdagdag sa appeal nito. Lihim na humanga si Monica sa binata.

     "Kala ko di ka na darating eh, sabi ko pag wala ka pa after 5 minutes ay pupuntahan na kita sa inyo at baka kako nasa harap ka naman ng salamin." anitong nakatawa.

     "Hmp!" hinampas nya ito sa braso. "Pang-asar ka talaga!"

     "Para binibiro lang eh" anito na di pa rin naalis ang ngiti. "O teka, nagmeryenda ka na ba? Kung hindi pa eh kain ka muna." anito

     "Tapos na." aniya.

     "Sigurado ka ha.. sige at magpapaalam lang ako kay Mommy para makaalis na tayo, upo ka muna"

     "Okay sige.. bilisan mo ha.." pahabol nya.

Chapter II


     Nilakad lamang nila ang patungong dagat. Tuwang-tuwa ang dalaga nang malanghap ang samyo na hangin at marinig ng hampas ng mga alon. Gustung-gusto kasi nya ang lugar na iyon, tingin nya ay isa itong paraiso. Sa tuwina ay nakakadama s'ya ng ginhawa sa tuwing pupunta sila doon lalo na at kasama ang binata.

     "Tara dali!" Hila nya kay Marvin patakbo sa tubig. Nangingiting napasunod lang ito. Nang nasa may pampang ay dali-daling ibinaba ang mga dala nilang bag at nagtanggal ng tsinelas saka nagsimulang maglakad-lakad. Iniwan na lang nila ang mga dala-dalahan sa pampang tutal ay wala namang katao-tao sa lugar nang mga sandaling iyon liban sa kanilang dalawa.

     "Hindi ko akalain na ganyan ka ka-excited.." wika ng binata sa kanya. Ang kanilang mga paa ay hinahampas ng mabibining alon.

     Nilingon n'ya ito. "Pano ba naman, ang tagal na nung huli tayong magpunta dito. Ke lapit lang nito ay hindi tayo nakakapasyal. Kelan nga ba ulit yung huli nating punta dito? tanong n'ya.

     "Noong Valentines Day" sagot ng binata.

     "O kita mo, February pa iyon ah, samantalang Abril na ngayon.. talagang ang saya ko kamo" wika ni Monica at sinabayan ng pag-ikot habang nakadipa ang mga kamay.

     "Naku eh kung sinabi mo lang sa kin na gusto mo magpunta dito, eh di sinamahan kita" ani Marvin at pinisil ang tungki ng kanyang ilong. Pinamulahan ng mukha ang dalaga sa ginawi nito. Nagkunwa na lang syang abala sa paghahanap ng shells sa ilalim ng tubig.

     Mahaba-haba na rin ang kanilang nalakad nang maisipan nilang bumalik na sa lugar kung saan nila iniwan ang mga gamit. Sabay nilang inilatag ang tuwalyang dala pagkatapos ay iniabot ni Marvin sa kanya ang isang coke in can at Chips-Ahoy. Sa tuwina ay ang binata ang nagdadala ng kanilang meryenda.

     "Ang ganda ng sunset no?" aniya sa binata. "Teka, ano palang okasyon at naisipan mong mag-aya dito ngayon?" ani Monica nang maalala ang balak sanang itanong kanina dito. Pero sa halip na sagutin ng binata ang tanong nya ay nagtanong din ito.

     "Saan mo ba balak magpatuloy ng college Monics?"

     "Di pa nga sigurado eh. Sabi ni Mama, sa Lipa na lang para pagkatapos ng klase ay makauwi rin ako dito satin. Kukuha na lang siguro akong ng pang-umagang schedule.. eh ikaw?" balik-tanong nya.

     "Kasi alam mo Monica, sa isang buwan ay luluwas na ako ng Maynila.. para doon mag-aral" atubiling tugon nito.

     "Ano sa Maynila?" gulat sya. Di yata't mapapalayo na ito sa kanya. "Ang layo ng Maynila Marvin.. ibig sabihin nun, bihira ka ng uuwi dito" malungkot na pahayag ng dalaga. Parang biglang nawalan ng lasa ang kinakain nyang biscuit.

     "Naipangako kasi ni Mommy kay lolo na doon kami titira sa Maynila kapag nakatapos na ako ng high school. Matanda na rin kasi si lolo at gusto ni Mommy na pagbigyan ang hiling nya. Bale ay ipagkakatiwala muna namin ang bahay kina Aling Arra at Mang Forting.. Engineering ang kursong kukunin ko.. baka.. baka.. limang taon pa bago kami makauwi dito.." tila hirap na sabi nito. "Wala na rin naman kaming kamag-anak na babalikan dito" anito. Tama naman ito. Lahat kasi ng kamag-anak nito ay nagsipangibang-bansa na. Gayunpaman ay malungkot sya sa ibinalita ng kababata. Mahabang katahimikan ang namagitan sa kanila. Unti-unti ng lumulubog ang araw at pakiramdam ni Monica ay maiiyak sya ng sandaling iyon. Maya-maya pa ay nagsalita ulit si Marvin.

     "Monica.." anito na ginagap ang palad nya. "Gusto kong malaman mo na ngayon pa lang ay nalulungkot na ako.. ito ang dahilan kaya kita inaya dito. Gusto kong makapag-usap tayong mabuti.. " Hindi siya makatingin sa mukha ni Marvin. Iniiwasan nyang lingunin ito at baka mapaiyak sya. Hindi biro ang pinagsamahan nila ng kababata at ngayon pa lang ay labis na nyang namimiss ito.

     "Monica.." anas ni Marvin at hinawakan ang baba ng dalaga. Ipinihit paharap dito. Nagtama ang kanilang mga mata. Kitang-kita ni Monica ang paghihirap ng loob ng kababata. Nagbaba sya ng paningin. Hawak pa rin nito ang kanyang kaliwang kamay. "Monica, may gusto akong ipagtapat sayo.. isang bagay na matagal ko ng itinatago" anito at huminga ng malalim. "Halika at ng malaman mo.." tumayo na ito na hawak pa rin ang kamay nya kaya napatayo na rin ang dalaga at napasunod nang magsimula itong lumakad.

     "Ikaw ha, ang tagal-tagal na nating magbestfriend, pinaglilihiman mo pa ako" kunway may himig hinampo ang boses nya. Gusto nyang alisin ang tensyong namamagitan sa kanila. Saglit lang at sinapit nila ang pinakuhuling cottage na naroon. "May gusto akong ipakita sayo. Pasok ka sa loob.. tingnan mo" anang binata.

     Pagbukas nya ng pinto ay nabungaran ang pigura ng isang lalaki na yari sa kawayan. May taas itong isang ruler at may hawak na maliit na pusong tila pamaypay. Sa puso ay nakalimbag ang mga letrang "I LOVE YOU" na ang ginamit ay maliliit na shells. Napatanga ang dalaga. Di yata't mahal din siya ni Marvin. Hindi siya makapaniwala sa natuklasan. Namalayan na lang niya na nakalapit na sa kanya ang lalaki.

     "Marvin, para sa akin ba ito?" tanong nya at humarap dito. Tumango ito at hinawakan sya sa magkabilang balikat.

     "I love you Monica. Gusto ko ng ipagtapat sa 'yo ito matagal na pero natakot akong baka magalit ka sa'kin..sana ay tanggapin mo ang pag-ibig ko.." bulong nito. Kitang-kita nya ang pagmamahal sa mga mata ng lalaki.

     "Mahal... mo... ako?" medyo nauutal na tanong nya. Hindi pa rin sya makapaniwala sa naririnig sa kababata.

     "Oo Monics, mahal na mahal. Pasensya ka na kung ngayon ko lang nasabi. Ngayon pa kung kelang paalis na ako. Gusto kong malaman kung ano ang sagot mo.. gusto kong malaman kung may babalikan pa ba ko dito." Parang tila napapaso sya sa pagkakatitig ng lalaki. Hindi na nya napigilan ang pagpatak ng luha.

     "Ang totoo nyan Marvin, mahal din kita.. matagal na" amin nya.

     "Talaga?... Yes... Woohoooh!" tuwang-tuwang sabi nito. Nagulat sya nang bigla siya nitong buhatin at iikot.

     "Ano ka ba Marvin? ibaba mo nga ako. At wag kang maingay dyan. Baka may makarinig satin, nakakahiya" natatawang saway nya. Tumalima naman ang lalaki na noon ay nakangiti ng pagkatamis-tamis sa kanya. Pakiramdam ni Monica ay may mga anghel na sumasayaw sa paligid nila nang mga sandaling iyon. Lumulukso ang puso nya sa labis na katuwaan.

     "Hindi mo lang alam kung gaano mo ako pinasaya." wika ng binata ng maibaba siya. "Ito ang pangako ko sa 'yo, mag-aaral akong mabuti para makahanap ng magandang trabaho. Pagkatapos ay babalikan kita dito at pakakasal tayo. Mangako ka sa'kin na hihintayin mo ako Monica, mangako ka" pinisil nito ang palad nya.

     Niyakap ni Monica si Marvin. "ipinapangako ko Marvin. Wala akong ibang iibigin liban sa 'yo. At maghihintay ako kahit matagal.. basta magbalik ka lang."

     "Oo, pangako" anito. Kumalas na ito ng pagkakayakap sa kanya pero matagal na naghinang ang kanilang mga mata. Parang may mga pusong nag-uusap ang mga iyon. Kinuha ni Monica ang binigay nitong kawayan at niyakap. "Salamat dito" aniya. Pinisil naman ni Marvin ang tungki ng ilong nya bilang tugon. Bago pa makita nito ang pamumula nya ay tumalikod na sya at naglakad patungo sa kinalalagyan ng kanilang mga gamit. Nagligpit na sila at sabay na umuwi. Masayang-masaya sila habang naglalakad pabalik. Magkahawak kamay silang dalawa habang daan at bumubuo ng mga pangarap.

     "Tuloy ka muna sa loob" anang dalaga sa binata nang nasa tapat na sila ng pintuan ng bahay nina Monica.

     "Hindi na.. baka hindi ako makapagpigil at sumabog ang puso ko" anito, nakatawa.

     "Ang korni mo!" aniya sabay kurot sa tagiliran ng lalaki. "Sige na.. bye.."

     "Bye!" wika nito at mabilis na hinalikan sya sa pisngi at saka umalis. Naiwang kinikilig ang dalaga. Siya namang labas ng Mama niya.

     "Aba, ang ganda naman. Kanino galing yan?" Tanong nito na ang tinutukoy ay ang dala nyang pigurang yari sa kawayan. Pumasok siya ng bahay at naupo sa sofa.

     "Kay Marvin Ma.. sinagot ko na ho sya" aniya at ikinwento sa ina ang nangyari kanina.

     "Di ako tututol sa relasyon nyo anak" pagkuway sabi nito. "Kaya lang ang sa akin ay paalala lang. Masyado pa kayong bata. Baka paghanga lang ang nararamdaman nyo sa isa't isa. Isa pa ay mahigit limang taon kayong magkakalayo. Baka magkasawaan kayo. Anu't anu pa man, ganyang masaya ka eh masaya na rin ako para sa iyo anak."

     "Salamat ma.." aniya at niyakap ang ina.

     Inilagay niya ang kawayang tao na binigay nito sa ibabaw ng bookshelf sa kanyang kwarto para ng sa gayon ay palagi niya itong makikita. Habang nakahiga sa kama ng gabing iyon ay hindi siya mapakali. Pabiling-biling siya sa higain. Naalala niya si Marvin. Walang kahulilip na kaligayan ang nararamdaman ni Monica dahil natupad na ang matagal niyang pangarap na magustuhan din siya nito. Noon pa man ay lihim na rin niya itong itinatangi at ngayong nalaman nyang mahal din siya ng kababata ay parang hindi talaga siya makapaniwala. Pero sa sinabi ng kanyang Mama na baka paghanga lang ang nararamdaman nila sa isa't isa ay tila parang kinabahan siya. Kinapa nya ang sarili upang matiyak na pag-ibig nga ang nararamdaman niya dito at talagang alam niyang mahal niya ito. Sana lang ay mahintay siya nito na makatapos at ganun din sya dito, anang isip ng dalaga.

     Isinantabi na lang ni Monica ang mga negatibong isipin. Mas pinili niyang isipin ang mga magagandang bagay na nangyari sa kanila ng kababata na ngayon ay boyfriend na niya. Nakatulog siyang may ngiti sa labi at hanggang sa panaginip ay kasama niya ito. Subalit may iba pang karakter na involved dun. Medyo madilim ang kalangitan. Tingin niya ay dahil nakalubog na ang araw at lumalakad na ang takipsilim. Sakay daw sila ni Marvin ng maliit na bangka at panay ang sagwan ng binata. May katabi silang isang bangka rin na sakay ang isang babae at lalaki na tingin nya ay magkasintahang tulad nila. Mga dalawang dipa ang layo ng mga ito sa kanila. Nang biglang lumaki ang alon at sabay na tumaob ang mga bangka nila. Nagpanic siya dahil sa paglubog-litaw niya sa tubig ay hindi niya makita si Marvin. Hanggang sa sagipin siya ng lalaking nasa kabilang bangka. Nawawala si Marvin at ang babaeng kasama ng lalaki kanina.. Sigaw siya ng sigaw "Marvinnnnnnnnnn..... Marvin........" Nagising siyang pawisan at habol ang paghinga.

     "Panaginip lang pala" sa loob-loob niya. Sinipat niya ang orasan at noon napagtantong alas dos pa lamang ng madaling araw. Bumangon siya at uminom ng tubig bago bumalik sa paghiga. Taimtim siyang nagdasal at hiniling sa Maykapal na huwag magkatotoo ang panaginip. Pilit niyang iwinaksi sa isipan ang masamang panaginip na iyon at nagpasyang bumalik sa pagtulog.

     Kaybilis lang na lumipas ng mga araw. Hanggang sa dumating ang sandaling kailangan ng umalis ni Marvin.

     "Monics, paano.. mamaya ay luwas na kami ni Mommy" sabi ng nobyo. Linggo noon at nasa loob sila ng simbahan. Katatapos lang ng misa at isa-isa ng lumalabas ang mga tao. "Tandaan mo ang pangako natin sa isa't isa ha" anang binata na hawak-hawak ang kamay ng dalaga.

     "Oo naman.. ikaw nga itong baka makalimot. Syempre, marami yatang magagandang babae sa Maynila" aniya.

     "Oy, nagseselos ang mahal ko.." anito at nanduon na naman ang simpatikong ngiti. Pinamulahan naman ng mukha ang dalaga. "Hayaan mo.." sabi pa nito "kahit marami pa sila ay tutupad ako sa pangako ko sayo. Pagbalik ko, pakakasal tayo."

     "Talaga? promise yan ha?" aniyang ngumiti dito

     "Promise!" itinaas pa nito ang kanang kamay na parang nanunumpa.. "mag-iingat ka palagi mahal" buong pusong sabi ng binata at kinabig siya pahilig sa balikat nito.

     "Para sa yo Marvin.. at ikaw rin, ingat ka palagi.." aniya "Tara na at baka magkaiyakan pa tayo dito.." aya nya sa nobyo at pilit na pinasasaya ang sarili. Tumayo na sila at humalo sa mga taong palabas ng simbahan.

Chapter III

     Sa bahay ng kanyang lolo Ipe sa Pasay dumiretso si Marvin at ang kanyang mommy. Nagcommute lang sila dahil ayon sa mommy nia ay may sariling sasakyan ang kanyang lolo na pwede nilang magamit sa Maynila. Maayos naman ang pagtanggap sa kanila ng kanyang lolo. Tuwang-tuwa ito pagkakita sa kanya. Sana nga raw ay doon na sila tumirang mag-ina hanggang sa kunin ito ng Maykapal. Naawa naman siya sa lolo niya na parang sabik sa kamag-anak. Mag-isa na lang pala ito at ang tanging kasama sa bahay ay ang katulong na Aling Maan at ang drayber na si Mang Jason. Mayaman kasi ang kanyang lolo at pensionado na kaya kahit walang trabaho ay kayang-kaya nitong mabuhay ng maayos. Bukod pa sa mga ipinadadala ng tito't tita niya na nasa ibang bansa.

     Mabilis lumipas ang mga araw. Kabisado na rin niya ang pasikut-sikot sa Maynila. Madalas siyang isama ng kanyang mommy sa mga lakad nito. Ang kanyang mommy ay nagbukas ng tahian sa ibaba ng bahay ng kanyang lolo. Ipinaconvert ng lolo niya sa isang munting tahian ang  isa sa mga kwarto sa ibaba para daw hindi mainip ang mommy niya. Tuwang-tuwa naman ang mommy niya dahil magagamit na nito ang pinag-aralan. Talagang passion nito ang pananahi.

     Unang araw ng pasukan. Inihatid siya ni Mang Jason sa utos na rin ng kanyang lolo. Pakiramdam tuloy niya ay isa siyang Señorito. Nagkasundo sila ng kanyang lolo na ito ang maghahatid sa kanya sa pagpasok pero sa pag-uwi ay mag-isa na lang siyang magcocommute. Pangako ng lolo nya na sa edad na disiotso ay malaya na siyang makakapagmaneho ng sasakyan.

     Maingay ang paligid dahil may kanya-kanyang kwentuhan ang mga estudyante. Wala ni isang kilala si Marvin sa mga naroroon. Tinungo na niya ang magiging silid-aralan at naupo sa isang tabi. Naalala niya ang nobya. Kung sana ay pinayagan ito ng Mama niya na magMaynilang paris nya eh di sana ay magkasama sila ngayon sa isang school kahit hindi magkaklase. HRM daw ang kukunin nito. Siya naman ay civil engineering ang kurso. Namimiss na nya ang nobya. May dalawang linggo na rin ang nakalipas buhat na umalis sila ng San Juan.

     Hindi pa regular ang klase nila at iilang professor pa lang ang nagpakita sa kanila ng araw na iyon. Natantiya na ng binata na ganun ang mangyayari kung kaya't nagdala siya ng babasahin. Dun siya naupo sa may sulok. "Mystery on Mississippi" ang napili niya buhat sa mini-library ng kanyang lolo. Sa totoo lang ay wala siyang magiging problema sa pagreresearch dahil kumpleto sa encyclopedia ang lolo nya. Nang malaman nito na Engineering ang kukunin niyang kurso ay agad siyang ibinili ng computer at nagpakabit ng internet.

     Nakakailang lipat na siya ng pahina ng binabasang libro nang may lumapit na isang babae. Maganda ito at hindi niya maitatanggi iyon.

     "Hi!" bati ng dalaga sa kanya. Masaya ang bukas ng mukha nito at nakangiti kaya't kitang-kita niya ang pantay-pantay at maputi nitong ngipin.

     "Hello" ganting bati niya at itinigil ang pagbabasa. Itinupi niya ng maliit ang dulo ng pahina at isinara ang libro.

     "Ako si Heide.. " anitong inilahad ang kamay. "Ikaw?" tanong nito.

     "Marvin.." matipid niyang tugon. Medyo nahihiya pa siya.

     "Ah.. Marvin" ulit nito.. "alam mo kasi kanina ka pa naming pinagmamasdan ng friends ko. Ayun sila oh" Turo nito sa dalawang dalagang nasa may gitnang upuan. Ngumiti naman si Marvin at tumango sa dalawa. Pareho ring magaganda ang mga iyon, sa loob-loob niya.

     "Si Arlyn yung nasa kaliwa at si Nenette yung nasa kanan.." paliwanag ni Heide. "Natatawa kasi kami sa 'yo.. Kanina ka pang seryoso dyan. Unang araw pa lang ng klase eh dibdiban na ang pag-aaral mo. Ano ba kasi yang binabasa mo?" Tanong nito. Napansin ni Marvin ang kakaibang kislap sa mata nito.

     "Mystery of Mississippi" aniya.

     "Mahilig ka rin pa lang magbasa ng English Novel. Pareho tayo.." Halika, ipapakilala kita sa dalawa. Ikaw na lang kasi ang hindi namin kilala. Pano ba naman ay andito ka sa pinakasulok" anito at nanunudyo ang ngiti.

     "Naku wag na.. nakakahiya naman"

     "Hmm.. wag mong sabihing hindi ka lalaki.. nagkamali yata ako ng impression ko sa'yo ah!" anang dalaga na tipong hinahamon siya.

     "Ako pa! sige tara" at nagpatiuna na siyang lumapit sa dalawa.. "Hi Girls" bati niya nang makalapit sa mga ito. "I'm Marvin.." at inilahad ang kamay sa mga ito.

     "Nenette.." sabi ng isa. "Arlyn" sabi ng isa pa.

     "Actually, marami kami sa grupo.." pukaw ni Heide. "Bukod sa dalawa, kasama rin namin sina Ail, Amir, Hersan, Jessica, Honeyleen, at Joel..ewan kung nasan yung mga un.. kanina lang eh andito sila eh.. wanna join our group?" tanong nito sa kanya.

     "Sure! Sino ba naman ako para tumanggi?" masayang sabi niya.

     Nang magyaya si Heide sa canteen ay kasama na si Marvin. Nakilala na rin niya ang iba pang friends nito. Hindi naman siya na out of place.. Siya pa nga ang naging center of attraction. At doon nagsimula ang kanilang pagkakaibigan. Naging close na rin siya sa barkada. Pero higit sa lahat ay kay Heide siya naging pinakaclose. Ito ang kanyang naging "Bestfriend". Madalas din sa bahay nila ang barkada at tuwang-tuwa ang kanyang lolo Ipe sa mga ito.

     Naging mabilis pa ang paglipas ng mga araw at taon. May mga sandaling sumasagi sa isip niya ang nobya. Kakatwa pero wala na siyang balita dito. Ewan, pero pinili niyang wag munang tumawag o sumulat dito. Para kasing naguguluhan siya. Parang hindi na siya sigurado sa damdamin dito. Si Heide, ito ng madalas na nasa balintataw niya simula nang makilala niya ito. Gayunpaman ay hindi pa rin niya nalilimutan ang ipinangako sa kababata. Kung hanggang kelan niya mapanghahawakan ang binitawang pangako ay hindi niya tiyak. Sa apat na taong pagiging magkaibigan nila ni Heide ay parang naging mas matimbang na ito sa puso niya. Kinapa niya ang sarili. Nanduon pa rin ang pag-ibig niya kay Monica. Pero hindi niya maiwaksi ang ligaw na damdamin para kay Heide. Pag-ibig pa rin kaya ang nararamdaman niya sa dating kababata?

     Gustong sisihin ni Marvin ang sarili dahil sa gulong pinasok niya. Hindi niya magawang ligawan si Heide dahil sa pangako kay Monica. Ayaw niyang paasahin ang nobya sa wala. Isang taon na lang at magtatapos na siya ng Engineering. At sa kanilang pagkikita ay pakakasal na sila ni Monica, gaya ng naipangako niya. Ganun pa rin kaya ang mangyari sa pagdating ng sandaling magkita sila? Piping tanong ng isip nya.

Chapter IV

     Minsang nag-i-snack sila ni Heide sa school canteen ay napuna nyang titig na ito sa  dako patungong gymnasium. Glass ang palibot na wall ng  kantinang iyon kaya't  malaya nilang natatanaw ang labas. Nang sundan ni Marvin ang tingin ng dalaga ay nakita nya si Alvin na noo'y naglalaro ng basketball. Alam ng binata na "crush" ito ni Heide. Naikwento na ito sa kanya ng kaibigan.

     "Ehem!.. baka naman matunaw na si Alvin nyan!" aniya na siyang nakapagpabalik sa diwa ng dalaga, nagblush ito at tumingin sa kanya.. pero agad ding nagtungo ng paningin at itunuon ang pansin sa spaghetting ni hindi pa nito nababawasan. "Ano ba kasing nakita mo dyan sa Alvin na yan at hanggang ngayo'y dead na dead ka pa rin sa kanya?.. tsk.. tsk.. kita mo mukha namang unggoy ang isang yon.. ang gwapo eh itong nasa harapan mo ngayon" pabirong sabi nya.

     "Ang kapal talaga ng mukha ng taong ito" ganting biro ni Heide.. "palibhasa, bato ang puso mo.. di mo pa yata nararanasang mainlove.." sabi nito at inirapan ang binata.

     "Sinong may sabi sa 'yo? heto nga at di ko alam kung sino ang pipiliin ko" makahulugang sabi nya sa mahinang tinig.. di ito halos naunawaan ng dalaga.

     "Ano? pakiulit nga?"

     "Wala akong sinabi.. sabi ko lang, wala pa sa bokabularyo ko ang bagay na yan.. magpapayaman muna ako" aniya.

     Noon biglang sumulpot ang mga kabarkada nila. Dala na ang kani-kanilang tray.. di nila namalayan ang pagpasok ng mga ito kanina "Ang daya nyo naman! pupunta pala kayo dito sa canteen, di kayo nag-aya!" bungad ni Nenette.

     "Naku Nenette, yang si Heide.. inaya akong mag-snack kuno, yun pala ay gusto lang matitigan ng husto ang basketbolistang unggoy na yun!" ani Marvin na inginuso ang dako ni Alvin kaya sabay-sabay na napalingon sa gym ang mga kaibigan.

     "Sobra ka naman Marvin!.. hindi unggoy ang crush ko noh!" pagtatanggol ng dalaga na lihim nyang ikinainis.

     "Tsk.. tsk.. kumain na nga tayo at malapit ng magsimula ang next subject natin.." ani Arlyn na denedma ang asaran ng dalawa.

     "Mabuti pa nga! tara.. " si Ail at umupo na.. sinimulan ng kainin ang inorder.

     Matapos kumain ay nagsimula na silang umattend ng natitira pang klase para sa araw na iyon. Si Heide naman ay lihim pa ring kinikilig habang inaalala ang crush na si Alvin. Lately lang nya nakilala ang binata.. Actually, hindi pa sila formal na nagkakakilala. Varsity player si Alvin at graduating na rin sa kursong BS Accountancy at napanuod lang niya nang lumaro ito ng basketball minsang nagkaron ng competition sa school nila. Ang tingin niya dito ay guwapo at malinis. Para bang kahit basang-basa na ng pawis ay mabango pa rin. Magaling ito sa basketball kaya naman isa siya sa mga naging tagahanga nito. Dahil simula nang mapanuod niya ito ay lihim na niyang sinusubaybayan ang binata ay nalaman nya na maraming studyante ang hayagang nagpapakita ng paghanga dito. Siya naman, bilang isang likas na dalagang Pilipina ay nagkasya na lang sa pagtingin-tingin dito sa malayo. Lagi namang may handang makinig sa kanya na nahihingahan nya ng nararamdaman, ang bestfriend na si Marvin. Ewan ba niya kung bakit kumukulo ang dugo ng lalaki kay Alvin. Nakikinig nga ito sa kwento nya pero palagi na'y inaalaska siya nito. Bakit daw siya nainlove sa mukhang totoy at uhuging si Alvin. Napapangiti na lang siya kapag naaalala ang pang-aasar nito sa kanya. Ayaw niyang isiping nagseselos ito sa binata.

     Matagal ng pinag-iisipan ni Heide kung paano siya mapapansin ni Alvin. Kilala rin naman siya sa university bilang editor-in-chief ng school newspaper pero hindi siya sigurado kung kilala ba siya ni Alvin o hindi. Hanggang sa tuluyan na siyang hindi nakatiis. Tinawagan niya si Marvin at inaya itong pumunta sa kanila. Kailangan niya ang tulong ng kaibigan. Subalit nagkaron ng problema si Marvin. Inatake ng asthma ang kanyang lolo Ipe kaya hindi kaagad siya nakaalis. Pagdating nya ay katakot-takot na sermon ang inabot niya sa dalaga.

     "Dumating ka pa! Kanina pa ko naghihintay sa 'yo ah.. kung kelan ka kelangan eh saka ka wala" ani Heide. Ito ang nagbukas ng gate sa binata, iginiya niya ito papasok ng bahay.

     "Sorry na bestfriend.. may nagyari kasi kay Lolo.. inatake ito ng asthma.. buti nga at dumating agad si doctor Renato. Di ako agad nakaalis kasi tiniyak ko pang kalmado na siya" apologetic si Marvin. Parang napahiya naman si Heide.

     "Sorry to hear that.. sigurado kang ok na siya? Ok lang sa akin kung kelangan u na umuwi.. marami pa namang araw, makakapaghintay naman ang sasabihin ko sa 'yo.." anito.

     "Don't worry.. ok na talaga. hmm.. mabuti pa maghanda tayo ng meryenda dahil nagugutom na ako. Di na ako nakakakain kanina sa bahay sa pagmamadali kong makapunta agad dito" anang binata.

     "Nagiguilty tuloy ako.. sorry bestfriend"

     "Heide, you don't have to feel that way. Wala akong masamang ibig sabihin dun" anito at nginitian ito ng matamis, saka lamang nakahinga nang maluwag ang dalaga. Magkatulong silang naghanda ng paboritong "clubhouse" sandwich at ceasar salad, saka kumuha ng 2 basong iced tea.

     "Ano ba ang sasabihin mo sakin at nagmamadali kang pinapunta ako dito?" tanong ni Marvin. Noon ay nakaupo na sila sa may veranda at nagsimulang magmeryenda. HIndi naman sumagot agad si Heide. Parang may malalim itong iniisip at nilalaro-laro ng daliri ang butil-butil na pawis sa labas ng baso ng malamig na inumin.

     "Ehem.." pukaw ni Marvin sa iniisip ni Heide..

     "Ano kasi Marvin.. may hihingin sana akong pabor sa yo.. sana pumayag ka.." ani Heide na tumingin sa kanya. Nasa mga mata nito ang pagsusumamo.

     "Sure! kung kaya ko rin lang, bakit naman hindi?" anito at kumagat ng sandwich.

     "Ano kasi.. tungkol kay Alvin. tulungan mo naman ako mapalapit sa kanya oh!" anito.

     Umiling ang binata. "Please Heide, kahit ano.. wag lang yun.." aniya, nakita niyang parang maiiyak si Heide.. iniiwas nito ang tingin sa kanya. Ilang sandali ring walang sinuman ang nagsalita sa kanila. Pagkuwa'y si Marvin na rin ang bumasag sa katahimikan.

     "Heide.. sorry.. wala namang ganyanan.. bakit kasi ako pa? alam mo namang allergic ako sa taong yun di ba? Bakit hindi ka na lang humingi ng tulong kina Arlyn, Nenette, Jessica,  Joel, Hersan or Ail? I'm sure they can help you"

     Pero nananatiling walang kibo ang dalaga. Hindi na rin nakatiis si Marvin. "Okay, you win! Tutulong na ko.."

     "Talaga bestfriend!" tuwang-tuwa si Heide at parang may pakpak na nakatayo agad sa kinauupuan at niyakap ang binata.. "naku bestfriend, mahahalikan kita nyan!" sabi pa nito. Inalis naman ni Marvin ang pagkakayakap ng dalaga sa kanya kaya parang napaso ang dalaga at pinamulahan ng mukha.

     "Ano ba ang gusto mong gawin ko para mapalapit ka sa unggoy na un?" aniya na ang tinutukoy ay si Alvin.

     "Marvin naman, stop calling him unggoy, alam mo namang crush ko siya di ba?" aniya na nakabalik na sa kinauupuan at sinimulang kumagat ng sandwich, bigla ay ginanahan siya kumain. Nagkibit balikat lang ang lalaki. "Gusto kong magset ka ng blind date between me and Alvin"

     "What? Are you crazy Heide? Alam mo ba kung gaano kahirap ang pinapagawa mo sa kin? Ke lalaki kong tao, magseset ng blind date?" nakalarawan ang pagkairita sa gwapong mukha nito. Napabungisngis naman ang dalaga.

     "Wag ka ngang mag-over react dyan. You said you will help me? Yun ang naiisip kong pinakamadaling paraan para magkaroon kami ng chance na magkausap ng masinsinan"

     "Pero pano ko naman gagawin yun? How can I approach him for that blind date na gusto mo?" halatang problemado na agad ito.

     "Problema mo na yun!" ngingiti-ngiting sabi nya. Alam niya na nakuha na niya ang commitment ng kaibigan. Sigurado siyang mangyayari ang pinapangarap nyang blind date with Alvin at ngayon pa lang ay excited na siya.

     Si Marvin, mula ng makausap si Heide tungkol sa blind date na request nito ay ilang araw na nahulog sa malalim na pag-iisip sa kung paano niya isasakatuparan ang kahilingan ng kaibigan. Bukod sa lalaki siya ay may kirot na dulot iyon sa kanyang damdamin. Gayunpaman, pinapaalala niya sa sarili na may iniwan siyang pangako sa kababatang si Monica upang sa gayon ay mapalis ang pag-usbong ng kakaibang damdamin para kay Heide.

Chapter V

     Nagsimulang magsubaybay si Marvin sa mga activities ni Alvin. Minsan nga'y natatawa siya sa sarili. Para siyang secret fan nito. Paulit-ulit lang naman ang schedule ng lalaki. Kalimitan ay sa gym ito makikita. Mukhang may pagka studios din naman dahil madalas magbabad sa library. Napansin din niya na kung nasa canteen ang lalaki ay dun ito nauupo sa pangatlo mesa sa tabi ng bintana na medyo tago sa mga taong papasok.

     Minsang wala silang klase sa Technical Drawing ay naisip ni Marvin na pumunta ng canteen at naupo sa paboritong table ni Alvin.  Mas maaga ang break time nina Alvin, nalaman niya iyon sa lihim na pagsubaybay dito. Alam niya na kung suswertihin ay ito na ang chance na makausap ang lalaki at maisagawa ang plano nila ng bestfriend. At para ngang narinig ng langit ang mga iniisip niya. Saktong nakaorder na siya at nakaupo sa table 3 nang mamataan niyang papasok si Alvin. Kunwa'y hindi niya nakita ito pero nahagip ng kanyang tingin na tumingin ito sa gawi niya. Siguro at tinitingnan nito kung bakante ang paboritong mesa. Hinintay niyang makaorder ang lalaki at nang pumunta ito sa gawi niya dala ang tray ng pagkain ay agad niyang inalok ito. Huwag lang sana siyang mapagkamalang bading, kung hindi ay uupakan niya ito. Sabagay ay punuan ang kantina ng mga oras na iyon kaya hindi obvious ang gagawin niyang pag-imbite dito.

     "Pare, ok lang ba kung share tayo?" aniya sa lalaking noon ay nakalapit na sa gawi niya at patingin-tingin kung saan pwedeng maupo.

     Tumingin naman ito sa kanya. "Pwede ba?" alanganing tanong ni Alvin.

     "Sure, you can share the table with me, you're Alvin right?" ani Marvin bagama't naasiwa sa sitwasyon. Ngayon lang kasi niya ito nakausap. Umupo na nga si Alvin sa katapat na upuan. "Thanks pare, yes I'm Alvin, kilala mo pala ako.. alam mo kasi eh favorite ko itong table na ito eh" sabi pa nito. Tango lang ang tugon niya at kunwa'y abala sa pagkain. Lihim niyang pinagmasdan si Alvin, masasabi ngang may hitsura ito, siguro ay dala lang ng selos kaya kung anu-anong pangit na comments ang binibitawan niya pag nag-uusap sila ng bestfriend. Naalala niya nang sabihin niya kay Heide na "mukha itong totoy", ngayon niya napatunayan na tama siya. Napangiti siya sa naisip at di naman nakaligtas iyon kay Alvin.

     "Bakit pare, what's funny?" tanong nito. Siguro ay gustong mag-open ng conversation. Sinamantala niya iyon. "Ako nga pala si Marvin" aniya. "Wala naman.. naisip ko lang yung bestfriend ko na fan mo sa basketball.. naisip ko na dapat isinama ko siya mag-snack ngayon para nakilala ka niya ng personal"

     "Talaga ha?" ani Alvin at napangiti habang patuloy pa rin sa pagkain. "Nakita ko na ba siya dati?"

     "Siguro nakita mo na siya kasi madalas manuod yun ng laban nyo.. pero marahil hindi mo lang napapagtuunan ng atensyon" sagot niya

     "Really?.. pwede naman siguro kaming magmeet para naman mapasalamatan ko siya sa pagsuporta.." anito. Medyo nakahinga ng maluwag si Marvin. Aba eh ang lalaki pa mismo ang nagbigay ng interest na makipagkilala, alam niyang hindi na siya mahihirapan pa, gayunpaman ay naiinis na siyang hindi niya maipaliwanag.. parang gusto na na niyang bawiin ang mga nasabi at itago si Heide sa malayo, pero alam niyang magagalit sa kanya ang bestfriend kaya iba ang naging tugon niya.

     "Yes of course!.. I'm sure matutuwa yon. Kelan ka ba free at ng masabi ko sa kanya?"

     "Anytime pare.." dumukot ito sa bulsa at kapagkuwan ay inabot sa kanya ang isang calling card.

     "Thanks pare, tingin mo pwede ka sa linggo?" tanong niya dito at sinabi kung saan at anong oras niya balak na magmeet ang dalawa.

     "Ok sa kin yun.. sige ba!" noon ay tapos na itong kumain. "O pano, mauna na ko" anitong tumayo na..

     Tumango si Marvin. "Wait pare, maasahan ka ba namin sa linggo?" pahabol niya. Pero tila hindi na siya narinig ni Alvin. Maingay din kasi sa paligid at mukhang nagmamadali talaga ito. Napailing na lang siya at tinapos na rin ang pagkain.

     Bagamat duda siya na tutupad si Alvin sa napag-usapan ay nagpasya siyang ibalita pa rin ito sa bestfriend at gaya nga ng inaasahan niya, sobrang natuwa si Heide nang ikuwento niya ang naging usapan nila ni Alvin. Sinabi niyang pumayag ito na makipagmeet sa linggo. Excited na excited ang dalaga. Byernes noon at dalawang araw na lang ang hihintayin niya para makita at makilala ng personal ang matagal ng crush. Ibinigay din ni Marvin kay Heide ang calling card na galing dito.

     "Wow bestfriend, ang galing mo ha! napabilib mo talaga ako.. thanks!" anito at hawak hawak ang kamay niya at pinisil iyon ng mahigpit. "So anong sinabi mo sa kanya about me?" tanong nito na kumikislap pa ang mga mata.

     "Ano pa? eh di sinabi kong head over heels inlove ka sa kanya.." nanunukso ang tinig ni Marvin.

     "Ha? SInabi mo yun?" anitong namumula na naman ang mukha.

     "Hindi, joke lang yon.. sinabi ko lang na fan ka niya sa basketball..ewan ko ba kung anong nakita mo sa taong iyon, mukha namang totoy" aniya

     "Hus, ayan ka na naman!" anito.

     "Ssssshhhh..." saway sa kanila ni Nenette. Papasok na noon ng classroom ang  professor nila kay natahimik silang dalawa.

     "Bestfriend, pwede mo ba kong samahan sa mall?" ani Heide, katatapos lang ng last subject nila.

     "Sige.. bakit, anong gagawin natin sa mall?" tanong niya.

     "Gusto ko kasing bumili ng bagong dress. Alam mo na, gusto ko namang magmukhang presentable kay Alvin.. " anito. Kita niya sa mga mata ng dalaga ang labis na pananabik. Sana lang ay hindi ito indyanin ni Alvin, sa loob-loob niya.

     "Haynaku, ito'y paalala lang Heide.. alam mo naman ang mga varsity player, palaging busy, wag ka masyado umasa ha.. nagsabi naman siya na darating pero, we don't know kung sincere ba talaga siya.."

     "Thanks bestfriend, naisip ko rin naman yan, pero don't worry, nasa kin naman ung calling card niya di ba? pwede ko naman siyang tawagan if ever.."

     "Kung sabagay!" aniya at nagpaalam na sila ni Heide sa mga kabarkada. Uuwi ang mga ito ng probinsya kaya hindi na makakasama sa kanila sa mall.

     "Okay ba ang pink dress na ito?" tanong ni Heide sa kanya habang hawak ang damit na nagustuhan at inilapat sa katawan.

     "Ok rin, pero tingin ko mas bagay sa 'yo ang isang yon, kabisado ko na ang sukat mo, with a body of 36-25-35.. tyak na fit na fit sa yo un oh" anito sabay turo sa isang dress na nakahanger. Nakita niya na maganda nga ang dress na itinuro nito. Simple ang design but elegant. Hanga talaga siya sa taste ni Marvin sa damit. Kinuha niya ito at isinukat. "Wow!" napapalatak na sabi ng binata pagkakita sa kanya. "Di talaga ako nagkamali ng pili, parang isnukat sa yo ah!" ani Marvin at natawa naman si Heide.

     "Ang galing mo talaga bestfriend.. talagang kabisado mo ang sukat ko ha.. tama nga na ikaw ang isinama ko, para ka kasing metrobank" anito habang sinisipat ang sarili sa salamin.

     "Metrobank?" takang tanong niya.


     "Ano ka ba? Nagiging slow ka na yata ngayon!  sabi ko, para kang Metrobank.. ako naman parang depositor sa Metrobank..!" anito at hinampas siya nang mahina sa balikat sabay kanta ng "you're in good hands.. with Metrobank" anito at tumawa ng tumawa..

     "Sus! ang korne ng ale!" aniya at hindi na rin napigilan ang pagtawa. 
"Tama na ang pambobola, sige na, bayaran na natin yan at ng makauwi na.." aniya.

     Mag-aala-siyete na nang sapitin nila ang bahay ni Heide. "Marvin, dito ka na kumain please.. para naman makabawi ako sa yo" aya ni Heide at hinawakan ang kamay niya para igiya papasok ng bahay..hindi na nito hinintay ang sagot niya.

     "O pano, natupad ko na ang pangako ko sa yo ha.. Ihahatid na lang kita sa Sunday, I'll pick you up around 6:30 para you'll be there before 7pm. Malapit lang naman yung restaurant at tingin ko in 15 minutes ay andun na tayo" aniya habang kumakain sila ng dinner. Sila lang dalawa ang magkasalong kumakain dahil wala pa ang parents ng dalaga. Gagabihin daw ang mga ito ayun kay Heide.
    
     "Thank you talaga bestfriend ha.. kung alam mo lang kung gaano mo ko napasaya"

     "Wala yon" ani Marvin.. pero sa puso niya ay naroon ang pilit ikinukubling kirot. Basta masaya ang kaibigan ay masaya na rin siya para dito. Makalipas ang ilang sandali ay nagpaalam na rin sya sa bestfriend upang umuwi. Nang makarating ng bahay at mapag-isa sa kwarto ay saka siya nakaramdam ng labis na lungkot at panghihinayang. Nakatulog siyang si Heide pa rin ang alam ng isipan.

     At dumating ang linggo.

     "Nay Cecilia.. pakibukas po ng gate.. baka si Marvin na iyon" tawag niya sa kasambahay nang marinig ang doorbell.

     "Magandang gabi po.. susunduin ko lang po si Heide" magalang na sabi ni Marvin sa katiwalang si Aling Cecilia.

     "Ah oho.. andun sa kwarto niya, teka at tatawagin ko.. tuloy muna kayo" anito.

     "Hindi na Nay Cecilia, andito na ko.. ano, ok ba Marvin?" anang dalaga at umikot pa muna, para ipakita sa bagong dating ang ayos niya. Tumango naman ang binata. Nagpaalam na ito sa kasambahay at saka inutusang isarado ang gate. Nang makasakay na sila sa kotse ay nagsalita si Heide.. "Ehem.. ang tahimik yata natin"

     "Nag-aalala lang ako Heide.. pano kung hindi dumating ang date mo?"

     "For sure, darating yon!" sabi ng dalaga na ayaw magpahalatang kinakabahan din sa posibleng mangyari.

     "Okay, let's think positive na lang.. by the way, you look so gorgeous tonight.. ang swerte talaga ng Alvin na yon at may naliligaw na maganda" nakangiting sabi niya sa bestfriend at pinamulahan na naman ito ng mukha.. Gustung-gusto niya ang pagbablush nito.

     "Excuse me noh!" anang dalaga nang makabawi. "Tara na at baka kanina pa yon naghihintay"

     "Okay tara na!" ani Marvin at pinaandar na ang kotse.

     Wala pa si Alvin nang dumating sila ni Heide sa restaurant. Parang gusto niyang lihim na matuwa dahil wala pa ang date nito pero mas nangibabaw ang kanyang inis dahil mas nauna pa sila sa Alvin na iyon. Napakaimportante ni Heide para sa kanya, pero paghihintayin lang ng isang Alvin, sino ba siya sa akala nya. Pinilit niyang kalmahin ang sarili at sinabi sa bestfriend na mauuna na siya. Pinagbilinan na lang niya ang dalaga na tawagan siya nito kung kelangan ng sundo para makabalik siya. Iniwan na niya ito sa restaurant kahit ang totoo'y parang gusto na niya itong iuwi ng bahay.

     Si Heide naman ay halos magkandahaba na ang leeg sa pagtanaw sa mga pumapasok sa restaurant na yon. Twenty minutes nang huli si Alvin sa oras na pinag-usapan. Nahihiya na siya dahil patingin tingin ang waiter sa kanya. Siguro ay naghihintay ito na mag-order siya. Minabuti na lang ni Heide na mag-order ng juice para naman hindi siya magmukhang-tanga roon. Inisip na lang niya na natrapik si Alvin. Hindi naman niya alam kung saan nakatira ang binata kaya hindi niya masabi kung matrapik ang lugar na panggagalingan nito. Ngayon siya nagsisisi at pinauwi na niya ang bestfriend. Sana ay hindi muna siya pumayag na iwan siya nito hangga't hindi pa dumarating ang lalaki. Hanggang sa umabot ng isang oras ang kanyang paghihintay. Naalala niya ang calling card na binigay ni Marvin galing kay Alvin. Tinawagan niya ang numero ni Alvin pero walang sumasagot. Nagtimpi si Heide. Sinubukan niyang tawagan ito ng 3 beses pero talagang walang sumasagot. Talagang nasagad na ang pagtitimpi niya. Ang noo'y paghanga sa binata ay napalitan ng pagkainis at galit. Wala pala itong palabra de honor. Iyon ang pinakaayaw niya sa isang lalaki. Yung hindi marunong tumupad sa usapan at parang baklang kausap. Gusto niyang mapaiyak pero pinigil niya ang sarili. Ayaw niyang magsayang ng luha sa mga walang kwentang-tao.

     Hindi naman mapakali si Marvin. Iniisip niya kung ano ang nangyari sa date ni Alvin at ng bestfriend niya. Alam niyang matapos ang gabing ito ay baka tuluyan ng mapalayo sa kanya ang bestfriend. Hindi malayong magustuhan ni Alvin si Heide. Maganda ito, matalino at masayang kasama.

     Tunog ng telepono ang nakapagpabalik sa diwa ni Marvin. Nagulat pa siya nang makitang numero ni Heide ang nakarehistro sa screen. Maaga yatang natapos ang date nito.

     "Hello bestfriend.. what's up?" ani Marvin.

     "Marvin.. please kung pwede puntahan mo naman ako dito sa restaurant. Para na akong tanga dito.. bwisit na Alvin yon, wala pa rin hanggang ngayon.. Please bestfriend, i want to go home now.." anang dalaga

     "Okay hintayin mo ko dyan!" aniya at hindi na nagtanong pa. Naaawa siya sa bestfriend. Kung pwede nga lang ay liparin niya ang restaurant para maiuwi na ito. Gagong Alvin yon, sa loob-loob niya. Walang itong kamalay-malay na pinalampas nito ang isang napakagandang pagkakataon.

     "Heide.. " aniya nang makalapit dito.

     "Marvin..buti't dumating ka na" anito at pilit na pinasigla ang boses. "walang-hiyang Alvin yon, ayaw ko na sa kanya. Pinagmukha niya akong tanga. Pinaasa sa wala. Mula ngayon ay kakalimutan ko na kung anumang paghanga na meron ako sa kanya.." mahina pero galit ang boses ng dalaga.

     "Sorry Heide.. hindi ko gustong mangyari ito. Maliwanag ang usapan namin ni Alvin. Mukha naman siyang seryoso noong makausap ko" hinging paumanhin ni Marvin.

     "Wala kang kasalanan.. tayo na gusto ko ng umuwi" anang dalaga at tumayo na.

Chapter VI

     Mula ng mangyari ang pang-iindyan ni Alvin sa dalaga ay hindi na binabanggit ni Heide ang tungkol dito. Talagang nagalit na ito ng tuluyan sa binata. Patuloy naman sa paglipas ang mga araw. Si Heide ay lalong isinubsob ang sarili sa pag-aaral. Kaunting panahon na lang ang hihintayin at gagraduate na sila ng college. Si Marvin  naman ay palagi pa ring nakaalalay sa bestfriend. Hindi pa rin nagbabago ang closeness nilang magkakabarkada.
     Minsang gumagawa ng group project ang magkakaibigan sa bahay ng lolo nina Marvin ay hindi nila naiwasang alalahanin ang nakaraan, noong una pa lang nila nakilala si Marvin.

     "Naaalala nyo pa ba noong bagong simula pa lang ang klase? Marvin was so serious in the corner and looked like a genius.." si Arlyn ang nagsalita at napabunghalit ng tawa ang magkakaibigan.

     "Oo, how can I forget that? Eh first day pa lang ng klase, nag-aaral na agad yan eh!" segunda naman ni Nenette.

     "Hoy! tumigil nga kayo, bakit nyo ba pinagkakaisahan si bestfriend?" singit naman ni Heide na natatawa. Noon ay kagagaling lang nito sa kusina kasunod si Marvin. Hawak ng dalaga ang ginawang sandwiches at hawak naman ng binata ang tray na kinalalagyan ng pitsel ng juice at mga baso.

     "Oy, pinagtatanggol ni Heide si Marvin.." Kantyaw ni Ail at nagblush naman ang dalaga. Hindi iyon nakaligtas sa paningin ni Marvin.

     "Kayo talaga.. wag nyo ngang pinagkakaisahan si Heide." ani Marvin at inilapag ang tray sa gitna ng table. "Heto at magmeryenda muna kayo" sabi pa nito.

     "Oy, iniiba ang usapan, baka naman kayo na pala at hindi nyo lang sinasabi samin ha?" ani Jessica at kunwa nama'y nahirinan si Marvin at panay ang "ehem nito". Dagling hinagod ni Heide ang likod ng binata.

     "Sus! mukhang lalanggamin tayo dito!" ani Honeyleen at nagtawanan ang lahat.

     "Ano ba kayo? hindi naman kami ni Marvin noh! Pano magiging kami eh hindi naman nanliligaw yan, saka kahit manligaw pa yan!" ani Heide at inirapan ang mga kaibigan.

     "Ah ganun! Okay lang, wala naman talaga akong balak na ligawan ka bestfriend. Hindi tayo talo" sabi ni Marvin na nakikisakay rin sa biruan.

     "Talaga!" hirit naman ni Heide, ngunit sa puso ng dalaga ay naroon ang kakaibang kirot sanhi ng sinabi ng binata. Maya-maya pa ay sumeryoso na sila. Si Heide naman ay nagkunwang busy na rin sa ginagawa at hindi na muling kinausap si Marvin.

     Natapos rin nila ang ginagawang project sa kabila ng mga kantyawan at biruan. Natutuwa si Marvin sa mga kaibigan dahil habang nagtatrabaho ay pares-pares ang mga ito. Sina Ail at Nenette, sina Amir at Arlyn, sina Joel at Honeyleen, at sina Hersan at Jessica. Sila lang ni Heide ang kulang. Hindi niya alam kung bakit parang naging napakaseryoso nito. Nakakapanibago ang bigla nitong pananahimik.Gabi na ng ihatid ni Marvin ang magkakabarkada. Gamit niya ang van ng kanyang lolo Ipe. Malapit lang naman ang bahay ng mga ito. Pinakahuli niyang inihatid si Heide sapagkat ito ang pinakamalayo ang bahay. Kapwa tahimik ang magkaibigan hanggang sa sapitin nila ang gate ng bahay ng dalaga. Bababa sana ng kotse si Marvin para pagbuksan ng pinto ang dalaga ngunit inunahan na siya nito. "Ako na lang.." anang dalaga at nagmamadaling bumaba. Bumaba na rin siya.

     "Teka Heide, wait naman..." pigil niya dito. Nahagip ni Marvin ang isang kamay ng dalaga at nahila ito pabalik. Napahinto si Heide.

     "Ano ba?" anito sa mahina ngunit pagalit na tinig. Hinila nito ang mga kamay.

     "Sorry.. galit ka ba sa kin?" may himig ng pag-aalala sa boses ng binata. Nakikita kasi niya ang lungkot sa mga mata ng bestfriend, parang mayroon itong dinaramdam.

     "Hindi.. ako galit. May dahilan ba para magalit ako sa yo? wala naman di ba?" anang dalaga.

     "Sige, kung hindi ka galit, eh bakit ka ganyan?" tanong niya, para kasing may itinatago ito.

     "Anong bakit? May masama ba sa kin?"

     "C'mon Heide, hindi ka naman dating ganyan.. Look, kung anuman yang problema mo, tell me.. I'm here to listen" ani Marvin.

     "Sinabi nang wala akong problema eh, bakit ba ang kulit mo?" Nakatitig ito sa mga mata ni Marvin at nang hindi na makayanan ang mga nagtatanong na mata ng binata ay nagyuko ito ng paningin.

     Hinawakan ni Marvin ang baba ng dalaga at itinunghay iyon. "May dinaramdam ka eh.. nararamdaman ko yon. Sige, kung hindi ka pa handang mag-open up, okay lang. Go to your room now and rest. Baka napagod ka lang. May pasok pa tayo bukas..." anito.

     Gustong tumaas ng kilay ng dalaga pero mas nangibabaw ang kilig sa puso niya sa nakikitang concern mula dito. Gusto niyang maguilty. Nagagalit siya dito pero wala itong kamalay-malay kung bakit kaya nag-isip siya ng pwedeng maidahilan dito.

     "Sorry, siguro pagod nga ako.. Siguro na-iistress lang ako kasi malapit na ang graduation at di ko pa nababawi ang mga grades ko.. di pa ako nakakapagreview for our finals.." nabasa niya sa mga mata ng binata na hindi ito naniniwala sa sinabi niya, gayunpaman, idinanalangin niya na sana ay hindi na siya kulitin nito.

    "Sus yun lang ba? Iba na talaga ang running for cum laude, nandyan ang pressure.. Don't worry bestfriend, kaya mo yun. Nobody deserves it more. Trust yourself okay?" ani Marvin.

     "Sinasabi mo lang yan kasi kaibigan kita, anyway, thanks bestfriend.. so pano pasok na ko sa loob para makauwi ka na rin. Ingat ka ha.." anang dalaga at tumango naman ang binata. Binuksan na ni Heide ang gate at pumasok doon. Alam ni Marvin na may iba pang dahilan ang pananahimik nito pero saka na niya yun aalamin.
    
Chapter VII   

      Hindi makatulog ang dalaga. Paulit-ulit na nirereplay niya sa utak ang naging biruan nila ng barkada kanina. Ayaw man niyang aminin sa sarili pero nararamdaman niyang nahuhulog na ang loob niya kay Marvin kaya marahil ay nasaktan siya sa sinabi nito kanina. Alam niyang mali yung umasta siyang galit lalo na at wala namang kamalay-malay ang binata sa nararamdaman niya.

     Halos dukwangin ni Heide ang telepono ng mag-ring iyon. Noon ay wala pang ala-diyes ng gabi.

     "Hello.." anang dalaga.

     "Heide, it's me.. Marvin" anang boses sa kabilang linya.

     "O Marvin, kamusta? Pasensya ka na kanina ha.. medyo masama lang ang pakiramdam ko.. pero okay na ko ngayon" ani Heide sa masiglang tinig. Biglang parang nagkaron ng kulay ang paligid niya at naiimagine niyang may lumilipad na paru-paro sa paligid gayong gabi na at dim ang ilaw sa kwarto nya.

     "Okay lang yun.. what was it ba? Parang may dinaramdam ka kanina eh.."

     "Wala.. napagod lang siguro talaga ako kaya nawala ako sa mood kanina.." ani Heide.

     Hindi na rin nangulit pa ang binata. Iniba na lang niya ang usapan at kung anu- ano pa ang napagkwentuhan nila ng bestfriend. Umabot rin ng kalahating oras ang pag-uusap nila. Ayaw pa sana ng binata na tapusin ang pakikipag-usap dito pero mas gusto nyang makapagpahinga ito nang husto.

     "Hmmm.. Heide.. " anang binata ng saglit na tumahimik ang dalaga sa kabilang linya.

     "Yes? I'm still here" anang dalaga.

     "Kala ko kasi nakatulog ka na eh.. okay, sige bestfriend, matulog ka na at ng makapagpahinga. Magkikita pa naman tayo bukas sa university.. goodnight Heide.. sweetdreams."
     "Goodnight Marvin, tulog ka na rin" anang dalaga at ibinaba na ang awditibo.

     Ewan ni Heide kung nananaginip lang siya o talagang gising siya nang mga sandaling iyon. Naramdaman kasi niya na tila parang may humalik sa kanyang noo. Hinihila pa rin ang diwa niya ng antok kung kaya't hindi siya nagmulat ng mata. Siguro ay nananaginip lang siya, yun ang sabi niya sa sarili at muling nakatulog. Biglang napamulat ng mata ang dalaga nang magring ang alarm clock na nasa ibabaw ng kanyang bedside table. Patamad na hinagip niya ang alarm clock para patayin iyon pero iba ang nahagip ng kamay niya kaya napablikwas siya ng bangon. Nagulat siya nang makita ang pumpon ng bulaklak na nasa kwarto. Kinuha niya at sinamyo ang bangong galing doon, saka niya binuklat ang maliit na card..

     Good morning bestfriend.. flowers for you to brighten your day.. keep smiling :)
                                                                                Marvin

     Naalala ni Heide yung nangyari kanina nang may maramdaman siyang parang may humalik sa kanyang noo. Diyata't ang binata ang pumasok doon at hindi totoong nananaginip lamang siya.  Bigla ay nayakap niya ang fresh flowers at masayang nanaog ngunit pababa pa lang siya ng hagdan nang matanawan ang binata kaya bumalik ulit siya sa kanyang kwarto. Noon din ay naligo siya, nagbihis ng pamasok at inayos ang sarili. Nang makontento sa sariling repleksyon sa salamin ay saka nagpasyang bumaba. Hindi niya maintindihan ang sarili pero parang biglang gusto niyang maging maganda at presentable sa paningin ng binata.

     Napatayo naman si Marvin nang makita ang dalaga na papalapit. "Good morning" bati nito.

     "Good morning bestfriend, a--a --ng a-aga mo ah! thank you sa flowers.. hmm.. halika.. sabay na tayo m-magbreakfast.." kinakabahang sabi ni Heide, gusto niyang pagalitan ang sarili dahil nagkakandautal siya sa harap ng binata.

     "Wala yon. Gusto ko lang siguruhing hindi ka malelate sa pagpasok. Nag-alala talaga ako sa yo kagabi." tugon nito.

     "Sus, sabi ko naman sayo na wag mo na akong alalahanin.." anang dalaga 

     "Pano ba naman ako hindi mag-aalala eh para kang ihi.." seryosong sabi nito.

     "Ano best? pakiulit nga.." aniya

     "Sabi ko para kang ihi.. hindi kita matiis.." pakenkoy na sabi nito at hindi na niya napigilang matawa..

     "Ikaw talaga! Puro ka kalokohan.. tara na at ng makapag-almusal" aniya at hinila na si Marvin papuntang dining table. Masaya silang nagsalo sa agahan. Lampas alas otso na nang makaalis sila ng bahay. Tamang-tama lang naman dahil alas nuebe ang unang klase nila ng araw na iyon. Samantala, habang abala ang binata sa pagmamaneho ay abala rin si Heide sa pag-iisip tungkol sa nangyari kanina. Iniisip niya kung ano kaya ang itsura niya nang pumasok ang lalaki sa kanyang kwarto habang natutulog siya. Ang isa pa niyang iniisip ay ang paghalik nito sa kanyang noo. Ayaw man niyang aminin sa sarili pero lihim siyang kinikilig dahil dun. Hindi naman niya matanong ng diretso si Marvin kung ginawa nga ito ng lalaki dahil nahihiya siya dito. Isa pa, baka totoo ngang nananaginip lamang siya at mapahiya pa siya pag nagkataon.

     Lumipas pa ang mga araw at habang palapit ng palapit ang graduation ay lalo silang nagiging malapit sa isa't isa. Ngayon nga ay last day na ng graduation practice at sinundo na naman siya nito sa bahay para sabay silang magtungo sa university. Ang kanilang graduation ay nakatakdang ganapin sa AFP Theater sa may Camp Aginaldo. Sa makalawa na yun.

     "Heide, naubusan ka na ba ng maisusuot?" anang binata na noon ay kunot ang noong nakatingin sa dalaga.

     "Hmm.. bakit naman?" takang tanong ni Heide habang patuloy sa pagsusuot ng sintas ng kanyang rubber shoes.

     "Well, malapit na kasing lumabas ang kaluluwa mo dyan.. eh kung magpalit ka kaya?" mungkahi ng binata. Bigla ay napatawa si Heide dito.

     "Hays, Marvin, at kelan ka pa naging konserbatibo?..saka kumportable ako dito sa suot kong ito noh.. maalinsangan kaya tamang-tama lang" Ang suot niya ay black skirt na maong na above knee ang tabas at tinernohan ng red sleeveless blouse na may black lining din at combination naman ng white and red ang kanyang rubbershoes. Ang buhok niya ay mahaba pero nakapony tail kaya para lang siyang maglalaro ng tennis.

     "Tsk.. Tsk.." sabi nlng ng binata at iiling iling. Sabay na silang lumabas ng bahay at sumakay sa kotse.

     Ang buong maghapon ay iniukol nila sa pagpapraktis. Todo cover nga ang binata sa kanya. Kala ni Heide ay nagbibiro lang ito pero maghapon itong nakadikit sa kanya at parang inilalayo siya sa karamihan. Napapangiti na lang siya ng lihim sa pagiging protective ng binata. Hindi niya maiwasang kiligin sa concern na ipinapakita nito. Kahit sa simpleng pagbaba ng hagdan ay nakaalalay pa ito sa kanya. Alam niya na importante din siya para sa binata. Hindi miminsang nahuli niya itong nakatitig sa kanya. Ayaw niyang pangunahan ito at mag-expect ng kung anu-ano. Ayaw niyang masaktan. Basta ang mahalaga ay nakakasama niya ito. He is someone special for her now.


Chapter VIII

     Gaya ng inaasahan, gabi na natapos ang graduation. Walang pagsidlan ng tuwa ang mga bagong graduates kabilang na doon ang barkada ni Marvin. Pagkatapos ng program ay nagtipun-tipon sila sa lobby ng teatro para sa picture taking. Andun rin ang kanilang mga magulang at masayang nagkukwentuhan habang hinihintay sila.


     "Congrats Guys.." ani Marvin na ngiting-ngiti habang iniaabot ang regalo para sa kanilang lahat. Kaya pala nawala ito saglit ay kinuha sa kotse ang mga regalo. Tingin ni Heide ay mas lalo itong guwapo ngayon.


    "Congrats din.. " halos sabay-sabay na sagot ng barkada. May handa ring regalo ang mga ito kaya para silang nag-exchange gifts ng gabing iyon. Matapos ang picture taking ay nagpaalaman na sila na uuwi. Si Heide ay kasama ng parents nito kaya hindi na sila nakapag-usap ng matagal. Inihatid na lang niya ito hanggang sa sasakyan.

     "Congrats bestfriend.. always take care of yourself for me.." bulong ni Marvin sabay kindat kay Heide habang pasakay ito sa kotse.

     "Thanks, you too!.." sagot ni Heide at tuluyan ng isinara ang sasakyan. Wala itong kamalay-malay na iyon na ang huli nilang pagkikita. Sa puso ni Marvin ay nanghihinayang siya na magkakalayo na sila ng pinakamamahal.

     "Kung malaya lang ako.." aniya sa sarili kasabay ng buntong-hininga. Dumirestso na rin siya sa kanilang kotse. Andun na ang kanyang Mommy She at lolo Ipe sa loob. Pagsakay niya ay pinasibad na ni Mang Jason ang sasakyan. Parehong masaya ang kanyang mommy at lolo sa pagtatapos niyang iyon. Hindi na sana niya pasasamahin ang kanyang lolo at baka mapagod ito, pero ayaw nitong pumayag. Gusto umano nitong mapanuod ang graduation ng pinakamamahal na apo. Ngayon ay natutulog ito. Marahil ay napagod nga dahil umabot rin ng limang oras ang programa. Hindi na sila nag-usap ng kanyang mommy para hindi magambala ang pagtulog ng lolo niya. May gusto siyang itanong sa mommy niya pero hihintayin niyang makauwi sila ng bahay at saka siya makikipagkwentuhan dito. Pagkalipas ng kalahating oras ay nasa bahay na sila. Nagpahanda ang lolo Ipe niya. Puro masasarap ang putaheng niluto ni Aling Maan kaya naman para siyang nagutom. Masaya silang nagsalo-salo. Pinasabay na rin nila si Aling Maan at Mang Jason, tutal lima lamang silang magkakasama sa bahay na iyon. Pagkatapos kumain ay umakyat na ang lolo ni Marvin upang magpahinga.

     "My, can we talk?" sabi ni Marvin sa ina.

     "Oo naman anak.. teka, magtitimpla ako ng kape.. dun tayo sa sala mag-usap" anito at dumiretso sa kusina.

      "Congrats anak" anang mommy ni Marvin at iniabot sa kanya ang isang puswelo ng umuusok na kape saka ito naupo sa silyang katapat ng sa kanya.


     "Thanks 'My!.. alam kong napagod kayo sa byahe.. ano nga pa lang nangyari at hindi ninyo kasama sina Monica at tita Deanna?" tanong niya sa ina. Umuwi ito kahapon para imbitahin ang nobya niya at mama nito na pumunta sa graduation niya. Suhesyon yun ng mama niya para naman daw makabawi siya sa nobya kung kaya't hindi na siya nakatutol, pero kanina ay dumating ito na ang tanging kasama ay ang kanyang lolo Ipe. Hindi naman siya nakapag-usisa dahil naging busy na rin silang magkaklase pero kahit papano ay nakahinga siya ng maluwag. Hindi niya alam kung paano ito haharapin makalipas ang limang taon nilang hindi pagkikita.

     "May sakit kasi si Monica anak kaya hindi sila nakasama.. pero I'm sure gustung-gusto nyang magkita na kayo. Sangapala, may pinabibigay siya sa yo.. " anang mama niya at iniabot sa kanya ang isang regalo. May kasama rin iyong card.

     "Thanks My!.. " aniya at kinuha ang regalo. "Ngapala 'My, uuwi ako sa tin bukas na bukas din. Okay lang sa kin kung gusto nyong maiwan dito para may kasama si lolo. Matagal na panahon na rin kasi kaming hindi nagkita ni Monica. Sa tingin ko ay panahon na para asikasuhin ko ang tungkol sa aming dalawa.."

     "Okay sige anak. Miss na miss mo na siguro siya ano? Bukas ng umaga ay tatawagan ko si Mang Forting at Aling Arra para makapaghanda sila sa pagdating mo.. " anang ginang.

     "Namimiss ko na siya 'My kaya lang parang hindi na ako sigurado sa nararamdaman ko. Naguguluhan ako 'My, alam mo namang nangako ako kay Monica na magpapakasal kami kapag nakatapos ako ng pag-aaral.." aniya sa ina.

     Napailing ang mommy niya. "Hay anak.. ayan na nga ba ang sinasabi ko eh.. kayo kasing mga kabataan, napaka-impulsive nyo. Alam mo anak, hindi ako tututol kung kayo ni Monica ang magkatuluyan, pero masyado pa yatang maaga kung magpapakasal na kayo. Saka matagal kayong hindi nagkita, posibleng may nabago na sa pagtitinginan nyo. Mas mabuti pa nga na umuwi ka at mag-usap kayo. Hindi naman kelangang magpakasal kayo agad sa paguwi mo. Kung talagang mahal nyo ang isa't isa, mapapag-usapan naman yang kasal na yan.." anito. Hanga si Marvin sa ina, para itong psychic na nababasa ang nasa isip niya.

     "Tama ka mommy. Mas mabuti nga na harapin ko ang obligasyon ko bilang nobyo niya. Mas mabuti na ring makapag-usap kami ng masinsinan.." malungkot niyang pahayag.

     "Anak, magtapat ka nga sa akin. para kasing malungkot ka.. another girl?"

     Nagulat man ay hindi nagpahalata ang binata. Talaga ngang malakas ang radar ng mommy niya.

     "Kayo talaga 'My, wala ho akong ibang girlfriend kung iyon ang iniisip nyo" aniya. totoo naman yun.

     "Okay sige, naniniwala ako. Seriously anak, ang pag-aasawa ay isang bagay na sagrado at dapat pag-isipang mabuti. Kelangan handa na ang sarili mo na lumagay sa "magulo" ika nga" anito at napangiti bago nagpatuloy.. "ang sa akin lang ay siguraduhin mo sa sarili mo kung talagang nakahanda ka na at ang mahalaga ay doon ka ikakasal sa taong mahal mo. Alalahanin mo, ang iyong magiging asawa ay ang taong nakatakdang makasama mo habambuhay"

     "Yes 'My.. salamat sa payo nyo.. o siya matulog na po tayo para maaga akong makabyahe bukas" aniya at nilagok ng tuluy-tuloy ang natitirang kape sa tasa.

     "Okay anak, mauna ka na.. iwan mo yan dyan at ako na ang magdadala sa kusina" anito na ang tinutukoy ay ang tasa.

     "Sige 'My, mauna na ko.." aniya at humalik sa pisngi ng ina bago tuluy-tuloy na umakyat sa kwarto. Dala niya ang regalo na galing sa nobya. Pagdating sa kwarto ay saka niya iyon binuksan. Isang wallet ang laman nun. Binasa rin niya ang card.

     Marvin,
          Congratulations! Alam kong isa ito sa pinakamasayang araw sa buhay mo, sorry if I can't be with you to celebrate your graduation day. I miss you bestfriend.. sana pwede kitang yakapin dito sa sulat..ikaw ha, sabi mo susulatan mo ko at uuwi ka kahit malayo ang maynila, pero ni hindi ka na nadalaw dito. Nung unang mga taon, nagtampo ako sa yo ng sobra, pero nang magtagal naintindihan ko na rin. Alam ko namang busy ka sa studies mo. Best, may gusto akong sabihin sa yo.. saka na lang pag nagkita tayo ulit.. masyadong kumplikado.. umaasa akong mauunawaan mo ang lahat.

Nagmamahal,
Monica


     Kinabukasan ay maaga siyang gumising at nagpaalam sa kanyang lolo Ipe na uuwi ng Batangas. Nung una ay nalungkot ito pero nang sabihin niyang hindi naman siya magtatagal ay    naging okay na rin. Pinabaunan pa siya nito ng malaking halaga. Nang makapagpaalam sa kanyang mommy ay tumuloy na siya.



Chapter IX

     Parang nakakita ng multo ang mama ni Monica na si Aling Deanna nang mapagsino siya. Noon ay kadarating lang niya sa San Juan, Batangas. Ibinaba lang niya ang kanyang mga gamit sa kanilang bahay at dumiretso na sa bahay ng nobya. Kahit papano ay nasasabik na rin siyang makita ito.

     "Marvin ikaw nga ba yan?.." gulat na tanong ng ginang.

     "Ako nga po Tita Dei, kamusta po kayo?" aniya at hinagip ang kamay nito para magmano.

     "Kaawaan ka ng Diyos anak.." tugon nito.. "mabuti naman kami.. hindi ba kahapon lang ang graduation nyo? galing dito ang mommy mo eh.. naku eh mamang-mamang ka na pala at napakagwapo. Kamukhang-kamukha mo ang daddy mo nung kabataan niya. pasensya ka na at hindi kami nakasama ni Monica para manuod sa graduation nyo, masama kasi ang pakiramdam niya.. mula ng mangyari ang bagay na yon ay madalas siyang nagkukulong sa kwarto.." anito. Medyo naguluhan si Marvin sa sinabi ng ginang, at ano iyong tila parang galit na nababanaag niya sa mga mata nito.

     "Ano pong nangyari tita Dei? may nangyari po bang masama kay Monica" aniya at hindi napigilan ang pag-aalala dito.

     "Mas mabuti pa na akyatin mo siya sa taas. Kelangan nyo makapag-usap na dalawa. Sige na, hahatiran ko na lang kayo ng meryenda, siguro ay nagutom ka sa byahe.."

     "Sige ho tita.. salamat, tuloy na po ako" aniya at isenenyas ang hagdan paakyat sa kwarto  ni Monica. Tumango naman ang ginang.

     Medyo nahihiya pa siya nang paakyat na ng kwarto. Hindi na siya sanay ngayon. Hindi paris ng dati na halos araw-araw lang siyang andun sa bahay ng nobya. Nang nasa tapat na ng pintuan ng kwarto ni Monica ay kumatok siya.

    "Tuloy.. " anang tinig mula sa loob. Pinihit ng binata ang seradura at itinulak ang pinto papasok pero napatda pagkakita sa dalagang nakahiga sa kama.

     "Marvin?" ani Monica at napabalikwas ng bangon. Bumaba ito sa kama at akmang susugod sa kanya ng yakap pero pinigilan niya.

     "Anong ibig sabihin nito Monica?" aniya at nakatingin sa tiyan nito. Hindi niya napigilan ang pag-usbong ng galit.

     "Marvin.. magpapaliwanag ako.. " anang dalaga

     "Sa tingin ko ay wala na tayong dapat pag-usapan pa. Malinaw na sa akin ang lahat.." aniya at tumalikod, akmang aalis na..

     "Wait bestfriend.." pigil ni Monica, nahawakan siya nito sa braso. "Marvin, alam ko malaki ang kasalanan ko sa yo.. hayaan mo akong magpaliwanag.. please lang.. mamaya magkita tayo sa tabing-dagat.. alas kwatro.. dun sa dati.. " anang dalaga. Nag-uunahan sa pamamalisbis ang luha sa mga mata nito.

     Hindi na nagawang sumagot ng binata. Tuluy-tuloy na itong nanaog. Nasalubong pa niya ang mama ni Monica na paakyat ng hagdanan dala ang meryenda. Naguguluhan man ay parang nakakaunawang tumingin ito sa kanya. Nagpaalam na siya at agad na umalis. Hindi niya kayang makipag-usap pa kay Monica o sa mama nito. Parang sasabog ang dibdib niya sa matinding emosyon. Ni wala sa hinagap niya na ganito ang magiging eksena sa muli nilang pagkikita ng nobya. Pag-uwi niya ng bahay ay nahulog siya sa malalim na pag-iisip. Buntis si Monica, daig pa niya ang sinampal nang malakas. Hindi niya alam kung paano nito nagawang magtaksil sa kanya. Siya, kahit malayo dito ay nanatiling tapat sa pangako sa kababata. At least, hindi siya nagkaroon ng relasyon sa kahit kanino habang nasa Maynila siya. Paulit-ulit na bumabalik sa diwa ni Marvin ang luhaang mukha ng bestfriend. Nagmamakaawa itong magkita sila. Sa huli ay nagpasya na rin siyang puntahan ito sa tabing-dagat. Siguro nga ay mabuting makapag-usap sila para once and for all ay maging malinaw ang lahat.

     Malayo pa lang ay tanaw na ni Marvin si Monica. Nakaupo ito sa may batuhan at pinagmamasdan ang papalubog na araw. Dahan-dahan siyang lumapit dito.

     "Ehem".. tikhim niya nang makalapit sa kababata. Lumingon naman ito sa kanya at sinenyasan siyang maupo sa tabi nito. Napansin niyang parang galing ito sa pag-iyak. Medyo namumugto ang mga mata nito pero hindi niya itatangging maganda pa rin ang kababata. Tingin niya ay mas lalo itong gumanda ngayong ganap na itong dalaga. Kung hindi ito nagdadalang-tao ngayon ay magiging proud siyang ipamalita sa mundo na napakaswerte niya para maging nobya ni Monica. Bagamat medyo asiwa siya ay naupo na rin siya sa tabi nito. Pagkaupo niya ay iniabot sa kanya ng dalaga ang "kawayang hinubog na lalaki" yon ang regalo sa niya kay Monica nung araw na sagutin siya nito.

     "Hindi mo naman kelangang isoli sa akin ito" aniya

     "Hindi na iyan nararapat sa kin.."anang dalaga at tumalikod upang itago ang pagpatak ng luha.

     "Sorry Monica, hindi ko sinasadya yung nangyari kanina.. nagulat talaga ako.. bakit Monica? bakit mo nagawa sa akin ito?" tila hirap na sabi niya.

     "Hindi mo kailangang mag-sorry. Naiintidihan ko, natural lang na ganun ang maging reaction mo, wala kang kasalanan Marvin.. ako ang sumira sa pangako natin.. maniwala ka Marvin, hindi ko ginustong pagtaksilan ka, hindi ko ginusto ang nangyari.." anang dalaga na umiiyak na. Parang hinaplos naman ang puso ni Marvin sa nakikitang paghihirap ng kalooban ng dalaga. Kinuha niya ang dala niyang panyo at iniabot dito. Kahit papano ay naging bahagi ng puso niya ang kababata at may pinagsamahan sila nito. Kinuha naman ni Monica ang panyo at nagpunas ng luha bago ibinalik ang tingin sa papalubog na araw. Matagal itong nakatitig doon. Tahimik din si Marvin. Alam niyang may sasabihin pa ito. Ilang saglit pa ay bumaling sa kanya ang kababata, bumuntong-hininga muna ito bago nagsalita.

     "Marvin.. patawarin mo ako.. wala ako sa katinuan nang maganap ang lahat. Ang natatandaan ko lang, birthday ni Carlota yun, friend ko nung college. Nagkaron ng party sa bahay nila.. masaya ang lahat kaya pati ako ay nahawa na rin. Minsan lang naman magkainuman ang barkada kaya uminom na rin ako. Pero naparami yata yung ininom kong lady's drink. Hindi ko na napigilan yung pagkahilo, hindi ko na alam ang sunod na nangyari. Nagising na lang ako na nasa loob ng isang kwarto at kasama si Glenn.. pinsan ni Carlota.. i swear to God Marvin, hindi ko ginustong magtaksil sa yo.. alam ng Diyos kung gaano kita kamahal.. matagal akong umasa na isang araw ay babalik ka at magkakasama na tayong muli.. kelan man ay hindi ko naisip na sa ganito mauuwi ang lahat.. patawarin mo ako.." hilam na sa luha ang mga mata nang dalaga. Walang patid sa pagpatak ang kanyang mga luha habang isinasalaysay ang mga nangyari sa kababata. Hindi na nagawang magalit ni Marvin, ngayon ay nauunawaan na niya ang lahat. Kinabig na lang niya ang dalaga at inihilig sa balikat  niya pares ng ginagawa niya dati kapag umiiyak ito.

     "Ssshhh.. tahan na.. naniniwala na ako.. baka maapektuhan pa ang baby mo nyan kapag nagpatuloy ka sa pag-iyak..." aniya habang hinahagod ang likod ng dalaga... "hayaan mo at pag nakita ko ang Glenn na yon ay uupakan ko!"

      "Huwag bestfriend, mawawalan ng ama itong dinadala ko.. saka napatawad ko na rin siya.. nagkasundo na kaming magpapakasal pagkatapos kong maisilang ang bata. Limang buwan na ang tiyan ko ngayon, konting panahon na lang, magiging mommy na rin ako.." anito at pilit na ngumiti.

     "Sigurado ka bang gusto mong mapangasawa ang taong nangahas na magsamantala sa yo?" concerned din siya sa bestfriend at ayaw niyang pagsisihan nito ang desisyon.

     "Ewan ko, gaga lang siguro ako, pero maniniwala ka ba kung sasabihin kong natutunan ko na siyang mahalin?.. matapos ang ginawa niya sakin ay halos kamuhian ko siya, pero very persistent sya na mapatawad ko siya. Ginawa niya ang lahat para makuha ang loob ko at mapatawad.. hindi siya tumigil sa panunuyo.. unti-unti, naghilom na rin ang sugat na nilikha niya, at nang patawarin ko siya ay gumaan ang loob ko, hanggang nagising na lang ako isang araw na mahal ko na rin pala siya.. kaya nung inalok niya akong pakasal pagkatapos isilang ang baby namin ay hindi na ako nagpakipot pa. Alam ko at nararamdaman ko na handa na akong maging asawa niya, hindi lang para magkaron ng ama ang baby ko kaya ako nakipag-engage sa kanya.." hindi na umiiyak si Monica, kita niya sa mga mata nito na mahal nga nito ang lalaki kaya masaya na rin siya para dito. "Marvin, may hihilingin nga pala ako sa yo, sana pumayag ka.." anito kapagkuwan.

     "Sure, ano ba yun?"

     "Pwede ka bang maging ninong ng baby ko?" medyo nahihiya pa ito kaya napatawa siya, napatawa na rin ito.

      "Yun lang ba? Sige payag ako.. ingatan mo ang sarili mo ha at pag sinaktan ka ng Glenn na yun, sabihin mo sa kin, uupakan ko talaga siya!"

      "Ikaw talaga, tulad ka pa rin ng dati! Namiss kita bestfriend.." madamdaming pahayag ng dalaga. Pwede ba kitang mayakap?" anito pero sa halip na sumagot ang binata ay niyakap niya ang dalaga.

      "Namiss din kita Monica.. salamat sa pagiging tapat mo sa ating pangako.. isipin na lang natin na may plano ang Diyos para sa buhay natin kaya nangyayari ang mga bagay-bagay.."

   "Tama ka bestfriend, salamat at nauunawaan mo ako.." anito at kumalas na sa pagkakayakap sa kanya. Tumayo na ito at nag-ayang umuwi. Alam ni Marvin na wala na sila ni Monica at ito na ang simula para harapin niya ang panibagong kabanata ng kanyang buhay.

     Nagpasya si Marvin na huwag na munang lumuwas ng Maynila. Tinawagan niya ang kanyang mommy at lolo at ipinaliwanag sa mga ito ang balak niyang pagbubukas ng negosyo. Bagaman nalulungkot ang mga ito ay sumang-ayon na rin sa kanya. Gusto pa ng mommy niya na umuwi para raw may makasama siya pero pinakiusapan niya itong manatili na lang muna sa Maynila para may makasama ang kanyang lolo. Isa pa gusto rin niyang mapag-isa at patunayan sa sarili na kaya niya. Siguro nga ay namana niya sa daddy niya ang pagiging independent at pagiging business minded nito. Eagle's General Merchandise ang napili niyang ipangalan sa kanyang bagong tayong shop. Mga construction supplies ang products na ibinebenta niya. Mas familiar siya sa linyang ito dahil Engineering ang kursong tinapos niya. Paminsan-minsan ay dinadalaw pa rin niya si Monica para kumustahin ito. Madalas sa tuwing pumupunta siya sa mga ito ay naroon si Glenn. Nakilala niya ito at naging kaibigan na rin. Nung una ay medyo alangan sila sa isa't isa pero nung magtagal ay napatunayan niya na seryoso ito sa kababata niya at tingin niya dito ay magiging mabuting asawa naman ito.

     August nang magsilang ng isang isang malusog na sanggol na lalaki si Monica. October naman ay nagpakasal na ang mga ito. Isinabay na rin ang binyag ng sanggol na si Junar na inaanak na niya ngayon. Makalipas pa ang isang buwan ay nagpasya ng lumipat ng bahay ang mga ito. Dinala ni Glenn ang mag-ina kasama na rin ang mama ni Monica sa hometown nito sa Laguna. Tapos na raw kasi ang ipinatayo nitong bahay doon. Ang bahay naman nina Monica na nasa tabi ng bahay nila ay pansamantalang isinira muna. Pag-iisipan pa raw kung pauupahan na lang  din iyon.

     Si Marvin naman ay abalang-abala pa rin sa kanyang Eagle's General Merchandise. Malakas ang bentahan ng construction supplies lalo ngayong papasok ang December. Tingin niya ay mas maraming mapepera ngayong papasko kaya karamihan ay nagpapatayo o nagpaparenovate ng kani-kanilang mga bahay. Sinimulan na rin niyang ayusin ang plano ng bubuksang beach resort. Nang minsang maikwento niya sa lolo niya kung gaano naging parte ng buhay niya ang nasabing beach ay hindi ito nagdalwang isip na bilhin para sa kanya ang 1.4 hectares na lupa na nasa tabing dagat. Kasama sa nabili nito ay ang rights para gawing private beach ang nasasakupang lugar.

     Dalawang-linggo bago magpasko ay naglong-distance siya sa kanyang mommy sa Maynila at sinabing luluwas siya sa bisperas ng Pasko para makasama ang mga ito sa mismong kapaskuhan. Tuwang-tuwa ito at ang lolo niya. Excited na rin ang binata, mahigit pitong buwan na rin naman silang hindi nagkikitang tatlo. Ngunit tatlong araw pa lang ang nakalilipas ay tumawag na ang kanyang mommy at sinabi sa kanya ang malungkot na balitang pumanaw na ang kanyang lolo Ipe. Inatake raw ulit ito ng asthma at sa pagkakataong ito ay hindi na nakarecover dahil sabay na umatake ang sakit nito sa puso.

     "'My, please stop crying..." alo niya sa mommy niya kahit ang totoo'y nangangatog ang kanyang tuhod at parang gusto na rin niyang bumunghalit ng iyak... "please be strong 'My, luluwas ako ngayon din.." iyon lang at nagpaalam na sila sa telepono.

     Malungkot na malungkot ang binata nang makarating sa bahay nila sa Pasay. Malayo pa lang ay tanaw na niya ang ilaw sa grahe.. although alam na niyang matanda na ang kanyang lolo Ipe ay parang hindi pa rin niya lubos na matanggap na wala na ito. Nang dumating siya ay maayos na itong nakaburol. Hindi na niya napigilan ang paghulagpos ng damdamin at humagulgol siya sa balikat ng kanyang Mommy She. Ito man ay umiiyak din. Isang linggong ibinurol ang kanyang lolo upang sa gayon ay makahabol ang mga kamag-anak nila na nasa States. Sunud-sunod na dumating ang mga ito. Ngayon lang ulit sila nagkita-kita makalipas ang maraming taon. Tatlong araw matapos ang libing ay binasa ang last will and testament ng kanyang lolo Ipe. Sa Mommy niya at sa kanya ipinamana ng kanyang lolo ang bahay sa Pasay at iba pa nitong ari-arian sa Pilipinas yaman din lamang at sa ibang bansa na permanenteng naninirahan ang iba pa nitong anak. Malaki ring halaga ang ipinamana ng lolo niya sa mga ito at ni isa man sa mga ito ay hindi nagreklamo. Talagang pinaghandaan ng lolo niya ang pagkawala nito. At least nagkasama-sama sila ngayong Pasko. Matapos ang "apatnapuan" ng lolo niya ay nagpaalam na ang kanyang mga kamag-anak para bumalik ng States. Si Marvin naman ay nagpasyang bumalik ng San Juan upang ipagpatuloy ang negosyo doon. Iniwan nila ang bahay sa pamamahala nina Aling Maan at Mang Jason upang mapanatili itong malinis at maayos kahit wala sila.

Chapter X
     "Anak, tumawag pala ang pinsang mong nakabase sa Australia.." pagbabalita ng mommy niya habang naghahapunan sila.

     "Sino 'My? Si kuya Romuel po ba?" aniyang ang nasa isip ay ang pinsang Engineer din na matagal ng nagtatrabaho sa Australia, matanda ito sa kanya ng tatlong taon.

     "Oo si Romuel, ang sabi ay uuwi raw dito ngayong April.. may kasama raw.. siguro ay ang nobya niya at mga barkada.. bale sampu daw silang lahat.. sabi nga ay doon tutuloy sa atin sa Pasay, ang sabi ko naman ay dito na lang sa San Juan, tutal summer ay magandang magbakasyon sila dito pati ang mga kasama niya, aba ay tiyak na magugustuhan nila ang resort na ipinagawa mo.."

     "Anong sabi 'My?" aniyang naging excited na rin. Matagal na rin silang hindi nagkikita ng pinsan niyang iyon.

     "Ayun, eh di ok na ok raw sa kanya. Nagulat nga nang malamang ikaw ang may-ari ng resort.. hangang-hanga sa 'yo ang pinsan mo" natatawang sabi ng ina.

     "Kayo talaga 'My, ibinida nyo na naman ako.. o eh kelan daw ang eksaktong dating nila?"

     "Sa susunod na linggo na raw.. kaya kelangang maghanda tayo, baka Australiano ang mga kasama nun"

     "Ok sige 'My, ako'ng bahala, aabisuhan ko ang mga tao sa "Bestfriends' resort" at ipapareserve ko na ang hotel, mas mainam kung doon sila tutuloy" aniya na ang tinutukoy ay ang hotel na nasa tabing-dagat. Kasama iyon sa ipinagawa niya bukod pa sa maraming cottages sa paligid ng beach.

     Saktong limang araw ang nakalipas nang dumating ang kanyang kuya Romuel at mga barkada nito. Ang kanyang mommy She at ang driver na si mang Forting ang sumundo sa mga ito sa airport dahil abala siya sa paghahanda ng resort para sa pagdating ng kanyang guests. Naghanda siya ng maraming pagkain tulad ng sugpo, alimasag, inihaw na pork chop, barbeque, sinigang na lapu-lapu, bagoong at talong, inihaw na tilapia, relyenong bangus at adobong baboy, meron ding litsong manok. Fruit salad ang para sa dessert at meron ding fresh buko juice. Umaasa siyang magugustuhan ng kanyang pinsan at mga kasama nito ang inihanda nila.

     "Sir Marvin, andito na po pala sila!" anang lifeguard na si Clarck, pagkasabi nito ay narinig niya ang ugong nang paparating na van.

     "Okay, salamat Caloy, ako na ang bahala sa kanila, pakisabihan na lang si Chef Michelle na ihanda na ang dining table.

     "Ok sir!" anito at umalis na.

     Naunang bumaba ng van ang kanyang pinsang si Romuel para sumalubong sa kanya habang si Mang Forting ay abala naman sa pagpapark ng van sa di kalayuan sa kanila.

    "Insannnn!, musta ka na?" anito habang papalapit kay Marvin. Umakbay ito sa binata.. "ayos na ba ang space para sa min? pasensya ka na at biglaan ha.." hinging despensa nito.

     "Of course insan, nakahanda na lahat.. wala yon.. teka sabi ni Mommy sampu kayong lahat, pakilala mo naman ako sa chicks na kasama mo.." biro niya sa kanyang kuya Romuel.

     "Naku sorry insan, walang bakante eh! partner-partner na ang mga kasama ko. Isa lang ang wala pang sabit, nililigawan ko pa lang.. si Heide.." pagbibida nito

     "Heide?" parang bumbilyang umilaw sa utak niya ang pangalan ng kaibigan sa Maynila pero hindi siya nagpahalata sa pinsan. Inisip niyang malaki ang mundo at Australian ang kasama nito kaya imposibleng ang Heideng kasama nito at ang Heideng minahal niya noon ay iisa.

     "Oo, teka ipakikilala kita sa kanila" anito at iginiya siya patungo sa kinapaparadahan ng van habang nakaakbay pa rin sa kanya.

     "Hey guys, baba na kayo, andito na tayo.." masayang balita nito sa mga kasama. Mukhang nagsasalita ng tagalog ah.. sa isip ni Marvin.

     Nang makababa ay parang iisang taong nagsalita ang mga ito.. "Marvin?" gulat ang lahat ng mapagsino siya habang si Heide ay bumilis ang pintig ng puso.

     "Hi! kayo pala ang sinasabing kasama ng pinsan ko, kita mo nga naman, small world huh.. kumusta kayo, welcome to bestfriends resort" bati niya sa dating kabarkada.

     "Magkakakilala pala kayo?" anang kuya Romuel niya na napapakamot sa ulo.

     "Ah, eh.. ganun na nga insan.. " ani Marvin na sa tingin ni Heide ay parang tumabingi ang ngiti.

     "O, siya, tama na muna yan.. Romuel.. Marvin.. mabuti pa ay isama nyo na ang ating mga bisita sa loob ng hotel at tiyak na gutom na ang mga yan sa byahe.. " singit ng mommy niya at tuluy-tuloy na nga silang nagpunta sa hotel.

   Itinuro ni Marvin sa mga ito ang kanilang magiging kwarto. Itinuro rin niya kung nasaan ang dining area at sinabihang dun na lang niya iintayin ang mga ito. Makalipas pa ang ilang minuto ay magkakasunod na dumating ang barkada, nakapagpalit na ang mga ito ng damit pampaligo. Muntik ng mahigit ni Marvin ang paghinga ng makita si Heide. She has a perfect body. Tingin niya ay mas maganda ito ngayon. Siguro ay hiyang sa klima sa Australia, sa loob-loob niya. Pilit sinaway ni Marvin ang sarili, alam niyang nililigawan ito ng kanyang kuya Romuel, nasabi nito iyon kanina sa kanya. Ngayon nga ay nakaalalay sa dalaga ang kanyang kuya Romuel.

     "Oy Marvin, para kang naging tuod dyan, sumabay ka na sa min noh! Para kang others ha!" banat ni Arlyn nang mapunang parang natitigilan siya. Sabay-sabay namang napalingon ang mga ito sa kanya.

     "Hindi naman, hindi lang ako makapaniwala na narito kayong lahat ngayon.. O cia, kumain na kayo, sana mag-enjoy kayo sa stay nyo rito.." anang binata

     "Oo naman, mukhang ang sasarap nito, lalo na ang alimasag, natatakam talaga ako..tara tsibugan na!" banat naman ni Ail at nagkatawanan sila.

     Puro kwentuhan sila tungkol sa mga pangyayari mula nang sila'y magkahiwa-hiwalay. Saktong isang taon na rin ang lumipas mula nang huli silang magkitang magkakabarkada. Habang nagkukwentuhan ay hindi maiwasang mapatingin ni Marvin kay Heide at ganun din naman ang dalaga sa kanya kaya madalas magtama ang kanilang mga mata, para tuloy gusto niya itong sugurin ng yakap. Sobrang namiss niya ito.

     "Teka, pa'no nyo pala nakilala ang pinsan kong yan? sa Australia ba kayo nagkakila-kilala?" tanong ni Marvin upang ibahin ang usapan, nauwi na kasi sa love life ang kwentuhan ng mga ito at ayaw niyang masabihang boring ang love life nya.

     "Oo sa Australia, nagkayayaan kaming lahat na magpunta sa Australia after graduation para maghanap ng work don. Siyempre kasama na rin ang pasyal. Nung minsang nagbar kami sa Sydney, nakilala namin yang pinsan mo, mukha namang na-starstruck siya kay Heide, kaya hindi na kami tinatanan.. okay rin naman kasi natulungan niya kaming makahanap ng work" ani Nenette at nagkatawanan sila.

     "Kayo naman, masyado nyo akong ibinubuko kay Heide.." ani Romuel at kumindat sa dalaga. Hindi yon nakaligtas sa paningin ni Marvin.

     "Ehem.. o cia, bilisan nyo na ang pagkain at ng makapagpahinga kayo, baka ang iba sa inyo may jetlag pa, mas maganda kung fully rested na kayo bago dumating ang hapon. masarap maligo dito sa beach kapag papalubog na ang araw, hindi kayo mangingitim" ani Marvin na hindi inaalis ang tingin kay Heide, para namang napapasong nagyuko ng ulo ang dalaga at itinuon na lang ang atensyon sa pagkain.

     Matapos kumain ay nagkanya-kanya ng akyat ang mga ito sa room nila para magpahinga. May kanya-kanyang kwarto ang magkakapareha. Sina Heide lang at ang kanyang kuya Romuel ang solo sa kanilang room. Bandang alas kwatro ng hapon ay bumaba ulit ang mga ito at dumiretso sa beach. Noon ay nakaupo si Marvin sa paborito niyang batuhan na nasa may pampang at hinahampas-hampas ng alon. Nakita niya ang pagdating ng mga ito.

     "Hi guys!" bati niya sa mga ito.

     "O Marvin anjan ka pala" bati ni Amir sa kanya.. "tara, swimming ka na rin!"

     "Sige, kayo na lang muna.. araw-araw na kasi akong nagsuswimming eh" aniya sa mga ito.

     Masayang nagsipagliguan ang mga ito. Maya-maya ay naghaharutan na ang mga ito at nagsasabuyan sa tubig. Hindi inaalis ni Marvin ang paningin kay Heide, gusto niya itong makausap pero nahihiya naman siyang gumawa ng eksena, alam niyang masasaktan niya ang pinsan. Nang umahon ang mga ito para magbanlaw at maghanda para sa hapunan ay sakto namang may tawag ang kuya Romuel niya. Ibinalita ng lifeguard na si Clark na may long distance call daw ito kaya dali-dali itong nagtungo sa reception ng resort. Nagkaron tuloy ng chance ang binata na makalapit kay Heide.. sinabayan niya ito habang naglalakad pabalik ng hotel.

     "Hi!" aniya

     "Hi ka jan!" anito

     "Kamusta ka na Heide?"

     "Eto, buhay pa, nakita mo naman di ba? humihinga pa"

     "Korni ka pa rin hanggang ngayon.. alam mo.." gustung-gusto ni Marvin na pisilin ang tungki ng ilong ng dalaga pero nagpigil siya.. sa halip nasabi na lang niya.. "Heide, para ka pa lang bola ng basketball.."

     "Bakit naman?"

     "Kasi palagi kitang namimiss!" aniyang nakangiti dito.

     "Baliw! Korni mo Marvin.. papasok na ko sa room ko, ano pang tinatayu-tayo mo dyan?" kunway pagtataray nito.

     "Ang sungit mo naman, o sya sige maiwan na kita, see you later.. " aniya at nagpaalam na dito. Kahit papano ay nakahinga nang maluwag ang binata matapos niyang makausap si Heide. Hindi man sila nagkausap ng seryoso ay sapat na para sa kanya na malamang ok lang ito.

     Nang sumapit ang hapunan ay masaya na naman ang barkada. Pagkatapos kumain ay gumawa sila ng bonfire sa tabing-dagat habang ang nagkakatuwaang uminom ng beer.
     Lumipas pa ang mga araw at sa tuwing may pagkakataon ay gumagawa ng paraan si Marvin na makalapit sa dalaga. Nung una ay puro pagsusungit ito pero nang magtagal ay ok na ulit sila. Parang hindi dumaan ang isang taon na hindi sila nagkita. Napansin na rin ng barkada ang pagiging close nilang dalawa. Ang kanyang kuya Romuel naman ay nakausap na niya nang lalaki sa lalaki at sinabi ditong tinamaan siya nang husto kay Heide. Inamin niya dito na college pa lang sila ay may lihim na siyang pagtingin dito. Sports naman ang pinsan nya. "May the best man win" sabi pa nito>

     Maagang gumising ang binata kinabukasan. Noon ay ikalimang araw na buhat nang dumating ang kanyang pinsan at mga barkada nito sa resort. Nagtungo agad siya sa malaking bato na nasa dagat at naging paborito niyang tambayan mula noon. Hindi niya inaasahang madaratnan doon si Heide. Lumapit siya at naupo sa tabi nito.

     "Hi.." bati niya rito.. "ang aga mo yatang nagising" noon ay wala pang ala-sais ng umaga.

     "Oo eh, gusto kong abangan ang pagsikat ng araw" sagot nito na hindi tumitingin sa kanya.

     "Heide, namiss kita nang husto.. ako ba namiss mo rin?"

     Noon tumingin sa kanya ang dalaga, nagtama ang kanilang mga mata.. nakita niya na parang nagtatanong ang mga mata nito. "Syempre na-miss, ano bang klaseng tanong yan?.. syempre, limang taon tayong magkasama sa college, tapos bigla ka na lang nawala.. ni hindi ka man lang tumawag. Tinawagan kita sa bahay nyo sa Pasay pero ang sabi ng mommy mo ay nasa probinsya ka raw. Nagtampo nga ako sa iyo nun kasi ni hindi ka nagpaalam" nakalabing wika nito. Nagkaron ng saglit ng katahimikan. Walang maririnig kundi ang mabining hampas ng alon sa dalampasigan.

     "Hindi mo lang alam kung gaano ko hinahanap-hanap ang mga masasayang araw natin ng barkada.. gustung-gusto ko kayong puntahan noon kaya lang natakot ako dahil baka galit kayo sakin, specially ikaw" ani Marvin. nakatingin siya sa nagniningning na tubig na noon ay nagsisimula nang sikatan ng araw.

     "Eh bakit ba kasi para kang bulang naglaho?" tanong ni Heide. Nakatingin siya sa binata. Guwapo pa rin ito pares ng dati pero parang nababasa niya ang kalungkutan sa mga mata nito.

     "Sorry ha, hindi na ako nakapagpaalam.. mas pinili ko noon na basta na lang lumayo dahil kung magpapaalam pa ako ay baka hindi ko magawang umalis.." ani Marvin sa nakakunut-nuong si Heide, alam niyang naguguluhan ang dalaga sa naging rason nya kaya pinili niyang magpatuloy.. "Alam mo Heide, matagal ko nang gustong sabihin sa'yo to kaya lang ay di ko magawa dahil may mga bagay na pumipigil sakin.. pero sana ay wag mong isiping niloloko kita.." tumigil sandali ang binata upang bumuga ng hangin.. si Heide naman ay ibinaling ang tingin sa papasikat na araw... "Heide, nung araw na umalis ako ng Maynila ay upang balikan dito sa Batangas ang dati kong nobya.."

     "Ano?" parang hindi naunawaan ng dalaga ang huling sinabi ng binata.

     "Tama ang narinig mo, may girlfriend na ako bago pa kita nakilala. Nakapangako ako sa kanya na kapag nakapagtapos ako ng pag-aaral ay babalik ako dito upang pakasalan siya.. paliwanag ng binata.

     "I--ik--ikakasal ka na?" parang hindi mabigkas ni Heide ang katagang kasal. Biglang nalaglag ang luha niya sa mata pero mabilis niyang pinahid iyon ng mga palad.

     "Mali ang iniisip mo Heide.. ikinasal na siya pero hindi sa akin.. sa ibang lalaki" ani Marvin.

     "Ang labo Marvin.. ipaliwanag mong mabuti please.." ani Heide.. "mahal mo pa ba siya?" tanong niya at muli na namang namuo ang luha sa mata.

     "Minahal ko siya noon. Kahit nga magkalayo kami ay pinilit kong maging tapat sa kanya, pero nang mabalik ako dito para tuparin ang pangako ko sa kanya ay natuklasan kong nagdadalantang-tao siya. Nung una, naglit ako nang husto pero nung huli ay pinili kong pakinggan ang paliwanag niya. Naawa rin ako nang malaman kong pinagsamantalahan siya. Pero ok na ngayon. Nagpakasal sila at masaya na siya ngayon kasama ang kanyang asawa at anak.." ani Marvin.. "siguro nga ay nagalit lang ako sa kanya noon dahil nagmukha akong gago, dahil sa pangako ko sa kanya na magpapakasal kami pagkatapos kong mag-aral ay pinalampas ko ang pagkakataong maging mas malapit sa 'yo"..

     "Anong ibig mong sabihin?" ani Heide at tumingin sa kanya.

     "Dahil... dahil.... shit! ano ka ba Heide?.. manhid ka ba o nagbubulag-bulagan lang.. hindi mo ba makuha? mahal kita.. minahal na kita noon pa.." ani Marvin, hawak niya ang magkabilang balikat ng dalaga habang ipinagdidiinan ang salitang mahal.

     Nagliwanag ng mukha ng dalaga.. gustong magdiwang ng kanyang puso dahil sa labis na kaligayahan.

     "Eh ikaw pala ang sira eh! Mahal na rin kita.. matagal na.. hindi ko alam kung kelan nagsimula pero basta ko na lang naramdaman na mahal na kita.." tuluyan nang nalaglag ang mga luha niya..

     "Sshhh... tahan na.. hindi ka dapat umiyak.. pangako hindi na ako lalayo sa 'yo.. patawarin mo ako kung naging duwag ako noon" ani Marvin at pinunasan ang luha ng dalaga.

      "Ipangako mong hindi mo na ulit ako paiiyakin ha, ilang baldeng luha yata ang nawala sakin nang mawala ka" ani Heide at yumakap dito. Yumakap din ang binata.. Sa di kalayuan ay kitang-kita ni Romuel ang dalawa. Alam niya na talo siya sa laban. Yuko ang ulong bumalik na siya sa loob ng hotel.

     Samantala, ang dalawang pusong muling nagkatagpo ay nagdidiwang kasabay ng mabining alon at papasikat na araw. Parang humuhuni ang paligid nilang dalawa. Ngayon ay nakahilig na lang si Heide sa balikat ng nobyo.
    "Alam mo Heide, minsan lang kita minahal, at pagkatapos nun, hindi na natapus-tapos.." seryosong sabi niya sa dalaga.

     "Ayan ka na naman sa punch line mo eh! ipinaglihi ka ba sa mais? bakit ang korni mo?" ani  Heide at hinampas ito sa balikat.

     "Aray, sakit nun ah, korni nga pero masarap akong magmahal.." ani Marvin, natatawa. "I love you Heide.. I had never loved anyone like the way I loved you.. seryoso ako.. " 

     "I love you too Marvin.." Teary-eyed na ang dalaga.

     "O, wag ka ng umiyak.. pangako, ituturing kitang parang tae.."

     "Ano? ang bastos mo!"

     "Kasi ang tae kelan man ay hindi ko kayang paglaruan.." anang binata at nagkatawanan sila.

     "Adik ka talaga! Bumanat ka na naman.. hahalikan kita eh!"

     Yun lang at naglapat ang kanilang mga labi.

---------- wakas ----------




Casts: 

Heide Rose Hernandez aka "Heide"

                   Marvin Greggy Aguila aka "Marvin"

              Monica Madonna Tolentino aka "Monica"
                       & Glenn Robledo aka "Glenn"

Deanna Rose Tolentino aka "mama ni Monica / Tita Dei"

Sherie Ann Camacho aka "Mom ni Marvin/Mommy She"

                          Jaypee Araño aka "lolo Ipe"

                  Fortunato Cueto aka "Mang Forting"

                        Arriane Gabia aka "Aling Arra"

                    Mary Ann Pasia aka "Aling Maan"

                     Jayson Robles aka "Mang Jason"

               Renato Miraballes aka "Doctor Renato"

               Ma. Cecilia Dimaano aka "Aling Cecilia"

                         Romuel Aguba aka "Romuel"

Clarck Andrew Alcantara aka "Lifeguard Caloy"

                       Junar Camacho aka "baby Junar"

                        Nenette Mendoza aka "Nenette"

                        Arlyn May Aclan aka "Arlyn"

                              Ailwilfred Lara aka "Ail"

                       Alvin Amir Salvania aka "Amir"

                          Jessica Rosales aka "Jessica"

                        Honeyleen Adan aka "Honey"

                                 Joel Yolola aka "Joel"



2 comments:

  1. hehehe...hanep ka tlaga badet...thanks kasama ako sa casting!mahal ang billing sakin ah?!hehehe

    ReplyDelete
  2. Ah sa gagaling naman naring si tedab ah ah

    ReplyDelete

Related Posts with Thumbnails