(Isang Maikling kwento na sinulat ko noong Nobyembre 15, 2006. 4 na buwan matapos ang aming kasal)
“Tara, Badet kain na tau..” si sir Rey ang nagsalita. Itinaas pa nito ang kamay na tipong nag-uunat-unat. Siguro ay napagod sa katitipa ng keyboard ng computer. Ganon ito, habang nag-iintay ng breaktime, makikita mong kung hindi naglalaro eh nanunuod ng sine sa laptop kahit andun ang boss namin.
“Oo nga sir, 12:30 na pala!” nagulat pa ako nong mapaghinuhang oras na pala ng tanghalian. Masyado kasi akong busy dahil sa dami ng kelangan kong tapusing repair, di ko tuloy namalayan ang paglipas ng oras.
Isa-isang tumayo ang mga kasamahan namin at dumiretso sa mesa na nakapwesto sa dulong bahagi ng opisina kung saan nakagawiang kumain. Ang iba naman ay dumiretso sa "pantry". Inaya ko na si Romel, ang aking esposo, na noon ay di pa rin natitinag sa harap ng computer. Di pa rin ito nagbabago. Kahit kelan ay di man lang ito magkusang mauna sa mesa at maghain, pano eh busy din sa kung anong sinesearch sa net. Sumunod naman ito makaraan ang ilang minuto.
Maya-maya pa ay kanya-kanyang kainan na kami. Siyempre pa, di mawawala ang kuwentuhan sa pagitan ng mga subo. Sapagkat bagong kasal pa lang kami, lagi kaming nagiging sentro ng kwentuhan at tampulan ng tukso ng grupo. Para silang nanunubok sa aming pagsasama.
"Ok din 'tong mag-asawang to no, matipid.." ani Sir Noel. Napansin nitong naghati lang kami sa isang order na ulam.
"Syempre sir, nagtitipid eh, lapit na magkababy.. para maganda ang future.." pabirong sagot ko naman.
"Haynaku, sinabi mo pa.. magastos pag lumabas na ang beybi nyo, gatas pa lang eh ang mahal na.." banat naman ni Maam Kenneth. Kamakailan lang ay isinilang nito ang panganay na si Pauline.
"Natuto na rin akong magtipid sa ulam, napapagalitan kasi ako ni Badet.." singit naman ng asawa kong ngingiti-ngiti sa akin.
Sa ganong kwentuhan umiikot ang tanghalian naming anim. Sina sir Noel, sir Mhon, mam Kenneth, at sir Rey ang madalas naming kasabay. Paminsan-minsan ay sumasabay din sina sir Erwin at Raquel na nakagawian na ring tuksuhin nitong mga huling araw dahil sa pagiging close ng mga ito sa isa't isa.
Napangiti na rin ako. Naalala ko noong mga araw na di pa kami kasal. Tinutukso rin nila kami pero deny naman kami, hanggang nagulat na lang sila nang makatanggap ng imbitasyon at malamang kasalan na.. hehe.. Di ko tuloy maiwasang di alalahanin ang simula ng lahat.. bago ako naging Mrs. Mabansag.
"Ang pangit naman nitong cellphone mo sir! Palaging nawawalan ng display.. ayusin ko nga ito.. marunong ako gumawa nito.." sabi ko habang pinipindut-pindot ang cellphone ni sir Menks. Pahirap kasi ang display nun. Nawawala habang nagtatype.. tingin ko eh lumuluwag lang ang kontak sa loob.. "kaya lang hindi ko dala ang tools ko.. dapat palitan natin ng rubber connector." dagdag ko.
"Sige..punta ka na lang sa boarding house namin.. taga-Guadalupe ka naman diba?" anito.
"Yoko nga!.. eh puro lalaki kayo dun.. pano kung reypin nyo ako.." wala sa loob na tugon ko.
"Sira! hindi no! mababait kami.."
Hayun, nagkasundo kami na pupunta ako kinabukasan sa kanila, tutal Sabado naman at walang pasok sa opisina. Itinuro nya sakin kung san ang bahay nila. Magtext na lang daw ako o magmiscol kapag andun na ako sa lugar. Kinabukasan, syempre pa, dahil di ako pamilyar sa lugar, nagkalito-lito ako kung san ako titigil. Lumampas na pala ako sa kahahanap ng sinabi nyang blue na bahay. Buti na lang at di pa ako gaanong nakakalayo eh lumabas na sya at tinawag ako. Yun ang naging simula ng pagiging close namin. Nagulat pa siya ng simulan ko ang pakay ko ron at makitang kumpleto ang gamit ko sa pagrerepair ng cellphone. 'Napa-elib ko sya', ika nga. Natapos ko yung problema nya sa display. Hindi pala rubber connector ang sira. Pinalitan ko ng lcd.. libre yun ha, at may kasama pang acetate. Di ko rin kasi nagagamit ang mga tools kong yun dahil nawalan na ako ng time sa pagrerepair ng cellphone buhat nang mapasok ako sa Tricom.
"Tulog ka muna sa taas.." sabi ni Sir. Napansin nya yatang inaantok ako. Pano, katatapos ko lang magtanghalian saka medyo maalinsangan ang panahon. Dahil pakiramdam ko naman na 'mababait' nga sila, di ako nagdalawang isip na umakyat sa itaas at nagbalak na magpalipas ng oras dun bago ako umuwi. Baka nga sakaling makatulog ako; para kasing masarap magsyesta nang mga panahong yon. Nadatnan ko pa sa itaas ang isa nilang kaboardmate na nakilala ko sa pangalang Mark. Nakahiga ito at nakikipag-telebabad sa kanyang 'papa'.
Di pa man ako nakakatulog dahil naninibago ako sa paligid eh naramdaman kong may umakyat. Nakapikit ako non at nagtutulug-tulugan. 'Si sir menks pala', sa loob-loob ko. Siguro ay tsinetsek kung natutulog nga ako, at nang makitang nakapikit ay bumaba rin kaagad.. Maya-maya pa ay may paakyat na naman, nanatili pa rin akong nakapikit, nagbabakasakaling makatulog. Bumiling ako ng higa ng masilip kong si Sir ulit ang umakyat. Kala ko muling bababa ito kaya laking gulat ko ng maupo sya sa tabi ko at hilahin ang ulo ko. Dun daw ako humiga sa may kandungan nya. Ewan ko kung ano ang pumasok sa kokote ko at agad naman akong napasunod. Tapos hinaplos-haplos nya ang aking buhok. "ang bango mo naman.." sabi pa nito at bigla na lang akong hinalikan. Todo tikom ang labi ko. Shock ako sa nagyayari pero di ko naman magawang tumutol. Unang-una ay ayaw kong mapahiya sya, ang ikalawa eh nagustuhan ko rin siguro ang ginagawa niya. Mapusok siyang humalik at bagamat nananatiling nakatikom lang ang labi ko ay di ko maitatangging may kakaibang dating ang halik nyang iyon kaya kalaunan ay tinugon ko na rin ang halik nya. Sandaling-sandali lang. Buti na lang at tumigil din siya agad at bumaba na. "Anong klaseng trip!"
Mas naging malapit kami sa isa't isa matapos ang pangyaring iyon. Mabuti na lang at di kami naging alangan sa isa't isa. Walang bumabanggit ng nagyari na parang walang nagyari pero sa loob ko eh napapraning ako kapag naaalala ko ang ginawa nyang kapangahasan. Napapangiti ako kapag naaalala ko yun at hindi ko itatangging hindi iyon mabura-bura sa isip ko. Parang may isang bahagi ng pagkatao ko ang nagising nya simula noon.
Lumipas pa ang mga mg araw at naging mas lalo kaming kampante sa isa't isa. Napapadalas ang pagpunta ko sa kanila. Nagsimula an rin kaming magdate lingid sa kaalaman ni sir Rey na noon ay kabordmeyt nya. Hanggang dumating ang puntong kinailangan ko ng panindigan ang nararamdaman ko sa kanya. Di ko alam kung talagang mahal ko na sya noon, at alam kong ganun din ang nararamdaman nya. SInabi nyang hindi sya seloso, pero ayaw nya ng may kahati. Basta ang alam ko lang ayoko ko sya syang mawala at nakahanda akong i-give up ang ibang bagay para sa kanya. Pero hindi naging madali para sakin na kalimutan ang dating boyfren ko na tumagal ng tatlong taon. Inabot din ng ilang buwan bago ako tuluyang naka-move on.. at iyon ay sa tulong na rin ng itinuturing kong henyo ng opsina.. si sir Menks.
Di ko rin alam kung kelan nya nalamang mahal na nya ako, basta dumating na lang ang isang raw at sinabi nya sa aking sigurado sya sa nararamdaman nya. Siya raw ang taong di mo mapipilit, kung talagang ayaw eh ayaw nya kaya naniniwala ako ng sabihin nyang ako ang babaeng gusto iyang makasama hanggang sa pagtanda.. na mahal nya ako syempre. Parang hinaplos ang puso ko ng sandaling iyon.
April 2, 2006.. linggo noon. Kadarating ko lang galing probinsya para sa tatlong araw na bakasyon. Sinadya kong agahan ang pagluwas kasi despidida ni sir Menks na noon ay boyfriend ko na. Papunta syang Singapore para dumalo ng training ng mga bagong modelo ng projectors. Inabot din ng gabi ang handaan at konting inuman. Kahit nakakapagod at magastos ay masaya ang 'baby ko' (Baby ang tawagan namin, Bhe for short). Hindi na ako umuwi para matulungan ko siyang maghanda ng mga babaunin sa pag-alis. Apat na araw din siyang mawawala kaya nang gabing yon ay magkatabi kaming natulog at di namin naiwasang mangyari ang gaya ng nasa isip nyo.
Hindi ko pinagsisihan na nabuo ng gabing yon ang aming baby. Kusa kong ibinigay ang sarili sa kanya kasi baliw din ako eh. Sabi ko pa sa sarili ko, yun ang magiging remembrance nya sakin kapag hindi na sya bumalik after ng training sa Singapore.. Hehe.. si Natalie Allison..
Naging mabilis ang mga sumunod na pangyayari. Kumpirmadong buntis ako ng dalawang linggo makalipas ang Abril 23(petsa ng dapat sana ay aking buwanag dalaw) ay hindi pa rin ako dinadatnan. Bumili kami ng 'pregnancy test kit' at positibo nga ang resulta. Matapos binyagan ang bunso kong kapatid na si Vivian, kung saan isa siya sa mga tumayong ninong, ipinagtapat ko na kay Papa ang sitwasyon. Dalawang linggo pa ang dumaan at namanhikan na sila. Isa't kalahating buwan pa at kasalanan na. Yun ang isa sa pinakamaligayang araw sa buhay ko. Natupad na ang pangarap kong humarap sa altar kasama ang lalaking mahal ko. Yun din ang simula ng mahabang kabanata ng aming buhay. (Di ko na ikukwento kasi mauubusan tayo ng papel).
"Oh Badet, mukhang ang lalim ng iniisip mo ah, mukhang madami ka yatang pinuproblema.." puna ni sir Rey nag mapansing dire-diretso lang ako sa pagkain at di nagsasalita gayong kanina pa sila nagkukwentuhan.
"Di ah! May naalala kasi ako.." sabi ko. "Happy and contented yata ako sa buhay ko." Dagdag ko na may pagmamalaking tiningnan ang aking asawa.
"Talaga?! Parang hindi eh!.. Narinig mo yun Menks?, baka naman sa umpisa lang yan, tingnan natin kung magtatagal kayo" naghahamong banat ni mam Kenneth at tawanan sila.
Tapos na rin kaming kumain ng sandaling yun kaya kanya-kanyang tayuan na kami para magligpit ng pinagkainan. Di ko na nagawang sumagot pero sa loob-loob ko eh.. "Sige, tingnan natin.." Sigurado ako na magiging masaya at kuntento ako sa pagsasama naming mag-asawa at alam kong panghabambuhay ang nararamdaman kong ito gaya ng ipinangako namin sa harap ng altar.
------o------
awww... kaka-inlove!!
ReplyDeletehay.. finally nalaman ko rin ang story kung paano nyo kami pinagtaguan ng inyong lovestory...pero happy ako pra sa inyo.....more years to come...kahit anong pagsubok dapat magkakampi lng lagi...
ReplyDeletewow! Grabe! ang lihiman nato? hehehehe! ,maski ako di ko alam na may mga ganitong " Anong klaseng trip" hahahahaha walang basagn ng trip! ika nga ng iba! hehehe, masaya kami sa mga nangyayari sa inyo badetski and menkski, bawat pagsubok ay dapat pagtulungan at di lang kayong dalawa, dapat kasama "Siya" sa inyong pagmamahalan. ^__^
ReplyDelete