Saturday, September 18, 2010

I Have A Dream

(I wrote this mini-novel when I was in high school. It was dedicated to my Ate Irish and Kuya Kin. Enjoy reading!)
Date & time started: September 7, 2001 10:25PM             
Date & time finished: September 8, 2001 11:30 AM

“Oops! I’m sorry Miss” nahihiyang hingi ng paumanhin ni Dominic sa dalagang nakabangga sa counter.


“Okay lang” anang dalaga at lumayo, nakabili na kasi s’ya noon ng snacks at balak n’yang sa room na lang kumain, masyado kasing loaded ang canteen. Tuluy-tuloy s’ya paakyat ng hagdanan upang pumunta sa classroom, nasa second floor kasi ‘yon, nagulat pa s’ya nang marinig ang mga kaklaseng tumatawag buhat sa itaas.

“Irish, sorry daw sabi n’ong lalaki kanina, di ko kilala eh, nakabanggaan ka raw, tapos tinanong ko kung pa’no pero mukhang nagmamadali eh”

“Ah, baka sa canteen, ano daw bang pangalan?’ usisa n’ya.

“Bah, malay ko, di ko na nga nakuhang itanong eh, basta sorry daw.. pero alam mo, gwapo ha..” tudyo ni Medi.

“Sus, bruha ka talaga, kain na nga lang tayo” alok n’ya sa kaibigan.

“Ibahin daw ba ang usapan..” ani Medi na nakiupo na rin.

“Pwede ba, di ko nga kilala yun no”

“S’ya, s’ya okay fine!” anitong natatawa.

                Yun ang unang beses nilang pagkikita, it was an accident kaya di na gaanong binigyang halaga ni Irish ang pangyayari, at saka natural lang ang pagkakabunggo nila, sa dami kasi ng tao, di malayong magkapalit-palit na ang mukha ng mga bumibili sa school canteen. Pero di n’ya iniexpect ang sunod na nangyari. Tanghali noon, dapat may klase na sila lang 12:20 ng hapon kaya lang minalas na nagkasakit ang teacher nila sa Statistics kaya s’yempre pa, standby lang sila. Naisipan n’yang magbasa-basa na lang sa isang bench malapit sa classroom nila.

“Rose?” kunut-noong tanong n’ya na para bang ang hawak na bulaklak ay magiging waling-waling o birds of paradise kaya.

“Opo miss, pinabibigay po ni Dominic” magalang na sabi ng binatilyong nag-abot ng bulaklak, tingin niya ay first year student ito na napag-utusan ng kung sino.

“Dominic kamo, sino naman yon? Yung artista ba? Hehe joke, wala akong kilalang dominic dito. Sino ba s’ya at nagpapabigay ng rose?"

“Ewan ko po eh, sabi po iabot ko lang daw sa inyo, sige po, may klase pa po ako” anito at nagmamadaling umalis.

                Buti na lang at wala s’yang kasama kundi mga libro dahil kung nagkataon, tiyak na walang katapusang kantyaw ang inabot n’ya sa mga kaklase, sa loob-loob ng dalaga.

                Bagamat puzzled, di s’ya nagpahalata, itinago na lang n’ya ang rose sa loob ng bag. Hahayaan na lang n’ya na mabali ang tangkay at malagas ang mga talulot nito kesa makita itong hawak-hawak ng kanyang mga kaibigan dahil t’yak na tutuksuhin s’ya ng mga yon. Hanggang dumating ng sunod na klase at natapos ang maghapon ay walang nakaalam na sinuman na may Dominic na nagbigay sa kanya ng rose.

                Ewan ng dalaga kung bakit parang kinakabahan s’ya ng mga sandaling iyon. Sanay naman s’yang maglakad na nag-iisa. Malayo kasi sa kalsada ang bahay nila, kaya’t naglalakad pa s’ya ng ilang metro rin mula sa babaan ng dyip. Di rin n’ya nakagawiang sumakay pa ng tricycle dahil walking distance pa rin naman. Palagi s’yang walang kasabay sa pag-uwi, iba’t iba kasi ang destinasyon nilang magkakaklase, pero nakasanayan na n’ya ang ganon, walang pag-aalinlangan, walang pangamba. Pero ngayon, iba ang pakiramdam n’ya, para s’yang nababalisa, nagtayuan pa ang mga balahibo n’ya sa  braso. Pinalis n’ya iyon upang manumbalik sa dati at pinipilit na wag lumingon sa likuran. Uso pa naman ang rape at madilim ang paligid, naisip n’ya. O baka may biglang mang-holdup sa kanya, wag naman sana. Busy s’ya sa kaiisip ng kung anu-ano, kaya tuloy natisod s’ya sa nakausling bato.

                Sa kablangkuhan ng isip, matagal s’yang di nakatinag. Alam n’yang natumba s’ya pero bakit parang hindi s’ya makatayo. Gusto n’yang sumigaw pero parang ayaw bumuka ng kanyang bibig. Pumikit na lang s’ya at parang ayaw na n’yang magmulat. Taranta naman ang lalaki.

“Irish, Irish, are you okay?.. Irish..” tulad ng dalaga ay hindi rin ito gumalaw munti man, pero s’ya, pagkarinig n’yang tinawag ang kanyang pangalan at mabilis pa sa alas-kwatrong tumayo.

“Who are you, and how dare you do this to me?!” nanggagalaiti n’yang sigaw habang pinapagpag ang paldang nadumihan. Pagtingin n’ya dito ay saka lang n’ya na napagsino na ito pala ang lalaking nakabungguan n’ya sa canteen kanina.

“Sorry, magpapaliwanag ako, di ko naman sinasadya eh. Gusto lang kitang makilala” mahinahong paliwanag nito, sa boses ay andun ang determinasyon at makikita mo sa mata ang sinseridad sa sinabi.

“Sorry, you’re always saying sorry! You’ve scared me to death, akala ko kung sino na ang sumusunod sa ‘kin, ikaw lang pala, natisod pa ‘ko sa bato then you’re saying sorry, sorry!” mataas ang boses n’ya. Wala naman kasing taong nagdaraan at puro mga nagtatayugang niyog lang piping saksi nila sa sandaling iyon.

“Sorry talaga miss, gusto ko lang kasing matiyak na safe ka makakauwi”

“Please lang ha, pwede ba, I don’t need your concern. You don’t have any obligation to check on me. Kung anong mangyari sakin, it’s none of your business. Besides, I’m always safe. Ngayon lang nangyari ito sa kin ang that’s because of you! So please, stop following me!” pinagdiinan n’ya ang bawat salita.

“Then I’m sorry, it’s out of my intention, gusto ko lang talaga na makilala ka at para makapag-apologize na rin sa nangyari sa canteen..” sabi nito

“Sinabi ko namang okay lang ‘yon, at wala kang dapat alalalahanin tungkol d’on. Ang babaw lang n’on. At tungkol naman sa sinabi mong gusto mo akong makilala, bakit?”

“Pwede ba please.. b’at ba ang sungit mo, gusto ko lang naman malaman ang pangalan mo, anong masama r’on at saka kung hindi dahil sakin, baka nagputok ang ulo mo kanina”

“Oo at kung hindi rin dahil sa ‘yo, hindi ako matitisod sa bato. Tinakot mo ako, alam mo?” mataray nyang tanong.

“Sinadya ko ba, eh ikaw naman itong tensed na tensed. I wonder kung bakit parang takot na takot ka, bakit nga ba?” nanunukso ang ngiti nito.

“Wala ka na r’on!” asik nya.

“Be civil okay, di naman ako nakikipagtalo. Alam ko ng gwapo ako, kaya ka nagkakaganyan, di mo kasi ma-resist ang charms ko” anitong nagpapacute.

“Excuse me, mukhang babagyo yata!.. hindi po ikaw ang dahilan ng pagkatense ko kanina. Ni hindi nga kita nakita..”

“Okay sige, hindi na kung hindi.. just let me know your name”

“Mr. Sorry, wag ka na ngang mag-inarte no! I heard you mentioned my name kanina”

"Dominic" anito at inilahad ang kamay.
“Dominic, Mr. Sorry, whatever! Umalis ka na lang okay. Uuwi na ko at ginagabi na ko sa pakikipagtalo sa ‘yo. Baka makagalitan pa ako ni Inay” aniya at akmang hahakbang na, hindi nya pinansin ang kamay nitong nakalahad.
“Eh sino ba namang maysabi na makipagtalo ka sa ‘kin. I’m sure gusto mo lang makasama ako ng matagal kaya di ka pa lumalakad, at wag mo ‘kong pipigilang sumunod sa ‘yo dahil hindi naman ikaw ang pupuntahan ko, I’m on my way home, nagkataon lang na pareho ang lugar na inuuwian natin”

“Way home?” kunut-noong tanong n’ya

“Yap!” anitong nanunukso na naman ang ngiti.

                Tumalikod na s’ya upang di nito makita ang pamumula ng kanyang pisngi. Nagmadali na lang siya sa paglakad upang makadistansya sa lalaki. Siguro nga tama ito, hindi niya maresist ang charms nito. Kung bakit kasi, napalingon pa s’ya nang papasok na s’ya ng bahay, kumindat tuloy ito sa kanya.

                Nang gabing iyon ay di agad nakatulog si Irish. Naalala n’ya ang una nilang engkwentro. Tama si Medi, gwapo nga si Dominic, kaya lang may pagkapresko. Pero ang hinahangaan n’ya ay ang mga mata nito. Very expressive. Hanga rin s’ya sa determinasyon nito at katatagan ng loob. Kahit na tinarayan na niya ay di pa rin ito natinag.

                Kinabukasan, nagkita ulit sila sa school. Binilhan s’ya nito ng meryenda. Hindi na rin n’ya nagawang magtaray pa dito. Yun ang naging simula ng pagiging close nila.  Madalas tumambay ang binata sa bench na malapit sa room nila Irish. Kadalasan, magkatabi silang magreview.  Engineering ang kinukuhang course ng binata at Accountancy naman ang sa kanya. Naghihiwalay lang sila kapag may kani-kaniyang klase. Kahit sa pag-uwi ay inaabangan s’ya nito at inihahatid hanggang bahay. Kahit mga magulang n’ya ay tinatawag na rin nitong Nanay at Tatay.

                Mabilis pang nagdaan ang mga araw. Mahigit tatlong buwan na silang magkaibigan nang magpropose sa kanya si Dominic. Minsang nasa library sila ay may iniabot itong libro sa kanya at kasabay noon na nahulog ang isang card. Pinulot n‘ya ito at nakita ang nakasulat na “I’m inlove with you friend, could it be us?”

                Bagamat kinikilig ay hindi n’ya ipinahalata sa kaibigan. Sa halip, sinimangutan n’ya ito at sinabing mag-usap sila sa labas. Dun n’ya sinabi dito na hindi pa s'ya ready pumasok sa ganung relationship.

“Okay naman tayo bilang magkaibigan di ba? Ganon na lang muna” sabi nya, na hindi magawang tumingin ng diretso dito.

“Irish.. I love you..” sabi nito at kinuha ang kanyang kamay. Binawi ito ng dalaga.

“Ba’t ba ang kulit mo. Sinabi ko na di ba? Mas mabuti kung friends na lang muna tayo. Kung gusto mo ng higit pa ron, hindi pwede. Gusto kong makatapos muna ng pag-aaral. Pangako ko kina Inay na hindi ako makikipagboyfriend hangga’t hindi pa ko nakakatapos ng pag-aaral”
Tahimik lang si Dominic. Wala silang kinabuan kahit hanggang maihatid s’ya nito sa bahay. Siguro ay nasaktan n’ya ito. Pero ng sumunod na araw, balik na ulit sila sa dati. Nakahinga nang maluwag ang dalaga. Lumipas pa ang mga araw at hindi na ulit bumabanggit si Dominic ng tungkol sa pag-ibig nito sa kanya. Basta palagi pa rin niya itong kasa-kasama at masaya s’ya ng ganon.

                Pero ang di nya inaasahan ay nang minsang absent ang professor n’ya sa Statistics. Maalinsangan ang panahon non, kaya’t bumaba s’ya ng hagdanan upang magpahangin sa paborito nilang bench ng kaibigan. Hindi nya alam na nandon si Dominic sa tabi ng hagdan. Ninakawan siya nito ng halik sa pisngi. Pagtingin nya ay nakangiting mukha ni Dominic ang nakita n’ya. Dahil sa kabiglaan at sa kawalan ng masasabi ay nasampal niya ito. Dali-dali s’yang umakyat patungo sa classroom nila at doon na s’ya napaiyak. Nagkagulo ang mga kaklase n’ya nang makitang umiiyak ang dalaga. Maya-maya pa ay nakita nila ang binata na nakatayo sa may pintuan. “Irish, let’s talk.. let me explain..”

Napatingin s’ya dito at sa inis n’ya ay napatayo s’ya ng upuan at galit na hinarap ito.

“Alam mo Dominic, you don’t have to explain. Alam mo kung ano ang mali sa yo, masyado kang presko eh. Nakikipagkaibigan ka, tinanggap kita. Sinabi mong maging civil tayo sa isa’t isa then sinunod ko ang gusto mo. Kaya lang umaabuso ka na eh. Kala ko magkaibigan tayo, bakit basta mo na lang ako ninakawan ng halik? Ano ba ako sa tingin mo ha? Sobra ka na eh.. Once and for all, I’ll make it clear to you.. friendship lang ang kaya kong ibigay sau at dahil sa nangyari, ewan ko, hindi ko alam kung gusto pa kitang maging kaibigan. Masyado mo nang nagugulo ang buhay ko. Porke mabait ako, nagtetake advantage ka. Layuan mo na lang ako, para sa ikatatahimik nating dalawa” aniyang lumuluha. Ang mga kaklase n’ya ay tahimik lang na nakikinig sa kanila. Ang binata naman ay nakatungo, nakapamulsa ang kamay sa suot na pantalon. Alam ni Irish na nasaktan n’ya ito nang husto. Ewan n’ya, siguro ay hindi nito inaasahan ang sasabihin n’ya. Ngayon lang kasi ito pinamulahan ng mukha.

Tumingin ito sa kanya. Naroon sa mga mata nito ang pagpapakumbaba at paghingi ng paumanhin. Iniwas n’ya ang mga mata dito.

“Pasensya na Irish. Pasensya ka na, mahal lang talaga kita eh. Pinipilit ko namang tanggapin na kaibigan lang ako sa yo, pero sa tuwing andyan ka, di ko mapigilan ang aking sarili. Masyado kitang mahal para hayaang hanggang friends na lang tayo. Ayoko rin naman ng one-sided love affair. Siguro nga hibang na talaga ako. Siguro nga, masyado lang akong bilib sa sarili ko at naging presko. Pero hindi naman ako ganito talaga, sa ‘yo lang. Sa ‘yo lang ako naging makulit… dahil mahal kita. I’m sorry. Siguro nga masyado ko nang nagugulo ang buhay mo.. hayaan mo, hindi na mauulit.. ”

Hindi makapagsalita ang dalaga. Magulo ang isip n’ya. Nakita n’ya sa sulok ng kanyang mata na umalis na si Dominic pero hindi pa rin s’ya makatingin sa gawing pintuan. Noon lumapit ang kaibigan n’yang si Medi at hinagud-hagod nito ang kanyang likod.

“Tahan na Irish.. sabi naman n’ya sa'yo di ka na n’ya guguluhin”

“Thank you friend..” aniya na medyo dumalang na ang paghikbi.. “pero sa totoo lang friend, mahal ko rin si Dominic.. natatakot lang ako talaga at hindi pa ako handang magboyfriend”

“Alam ko naman yon..” anito.. “Halata naman na may pagtingin ka rin sa kanya.. kahit di mo sinasabi sakin.. nakikita ko naman.. eh bakit ba tinitikis mo pa ang damdamin mo?”

“Ewan ko Medi.. nakapangako kasi ako kina Inay na magtatapos ako ng pag-aaral” naiiyak na naman s’ya.

“Bruha! Tumigil ka nga d’yan sa pag-eemote mo. Ibig mong sabihin, kaya ayaw mong maging kayo eh dahil sa nangako kang magtatapos? Friend naman, kelan ka pa naging makitid? Kung sakali bang sagutin mo s’ya eh di ka na makakatapos ng pag-aaral mo? Magiging boyfriend mo pa lang naman yung tao.. hindi ka pa naman magpapakasal..” mahabang litanya nito. Naliwanagan naman ang isip ni Irish. Bakit nga ba nagawa niyang saktan ito, ngayon n’ya nadama ang kawalan.

“So, if I’m in your situation, pupuntahan ko na si Dominic at mag-aapologize” sabi ni Medi.

“Sa tingin mo kaya, tatanggapin n’ya pa ko?”

“Sus, eh mahal na mahal ka non.. kitang-kita naman eh.. sige na, puntahan mo na!”

“Thanks friend ha!” aniya

“Ano ka ba, wala yon. Hirap kasi sa ‘yo eh, sinasarili mo ang problema. Muntik na nga akong magtampo sa ‘yo.  Ngayon na lang ulit tayo nag-usap ng ganito ah!”

“Hindi ka naman galit nyan friend?”

“Hindi..” anitong nakangiti. “Pahirin mo na yang luha mo at ayusin mo yang sarili mo.. tapos kausapin mo na”

                Masaya na si Irish matapos makausap si Medi. Parang bigla n’yang namiss si Dominic. Tila may mga pakpak na bumaba s’ya ng hagdanan upang hanapin ang lalaki. Napahawak pa s’ya sa pisngi n’yang hinalikan nito kanina at napangiti. Subalit, nabigo s’yang makita si Dominic kahit saan.

                Mula noon ay naging malungkutin na ang dalaga. Dalawang linggo na ang nakalipas ay hindi pa rin n’ya nakikita ang binata. Madalas s’yang tumambay sa paborito nilang bench at nagbabakasakaling magagawi ito roon pero sa tuwina’y bigo s’yang makita kahit anino nito. At mabilis pang nagdaan ang mga araw sa buhay ni Irish. Pinipilit n’yang maging normal ang lahat kahit parang may kulang. Alam n’ya, namimiss na n’ya ang kaibigan.

                Nang araw na iyon, mag-isang nagtungo si Irish sa canteen. My ginagawa kasi si Medi kaya hindi sila nagkasabay sa meryenda. Pagpasok pa lang n’ya sa loob ay nahagip na ng mata n’ya ang binatang matagal ng hinahanap. Nasa may counter ito, dala ang tray ng pagkain. Di n’ya alam kung anong gagawin pero mas piniling lumapit dito. SInadya ny’ang sagiin ito nang bahagya. Napalingon naman ito sa kanya.

“Sorry” aniya na ngumiti ng pagkatamis-tamis dito.

“It’s okay” anang binata na parang hindi s’ya pansin. Ni hindi ito tumingin sa mukha n’ya at dumiresto na papunta sa table. Naiwan s’yang nakatanga. Ganon na lang ‘yon. Parang gusto n’yang maiyak. Ano pa nga ba ang inaasahan n’yang gagawin nito.

“O, Irish, nasan na ang Nova na pinabibili ko sa yo?” ani Medi nang makita sya.

“Wala eh, di ako nakabili….”

“Bakit?”

“Andun si Dominic..”

“Talaga?! O, anong nangyari?” excited na tanong nito.

“Wala, as in wala, dinedma ako, ang hirap pa lang manligaw ng lalaki ano?”

“Manligaw?.. tama ba ‘yung narinig ko?” di makapaniwalang tanong, nanunukso ang mga ngiti sa labi.

“Wag ka ngang tumawa riyan, naiiyak na nga ako eh!”

“Naku at sumusuko ka na agad? Sundan mo kaya?”

“Hindi pa naman ako naissiraan ano”

“Eh, kala ko ba gusto mong manligaw?”

“Loka, biro ko lang yun. Gusto ko lang talagang magkausap kami”

“Tsk.. tsk.. kung ganun, eh puntahan mo ulit.. sige na, at baka bukas wala na naman yung taong yun.. ikaw rin”

                Alam ni Irish, ito na ang huling pagkakataon n’ya. Kakausapin n’ya talaga ito at sasabihin ang totoong nararamdaman n’ya. Gusto n’yang humingi ng sorry dito sa nangyari. Dali-dali s’yang nagtungo sa kantina. Sakto namang nagsitayuan na ang barkada ni Dominic. Nanatili s’ya sa may labas. Nagulat pa ang binata, pagkakita sa kanya. Tinatagan n’ya ang loob at huminga ng malalim.

“Hi guys, pwede ko bang makausap si Dominic sandali?” Pero sa halip na sumagot ang mga kasama nito ay iniwan na lang ang binata. Naupo sila sa bench malapit sa Gym.

“Dominic… uhhhmmm..” tila may bikig ang lalamunan n’ya.

“Ano bang gusto mong sabihin?” tanong nito na nakatingin sa kanya. Parang gusto n’yang matunaw sa mga titig nito.

“Kasi ano eh… sorry sa ginawa ko.. di ko naman talaga gustong saktan ka ng ganon, kaya lang nasabi ko eh.. sorry talaga”

“Ok lang yun. Tapos na yon eh.. wala namang masama dun, sinabi mo lang talaga kung ano ang gusto mong sabihin”

“Eh bakit mo ako iniiwasan?”

“Sinabi mo na layuan kita, tumutupad lang ako sa pangako ko sa yo”

“Ayaw mo akong kasama, kahit bilang kaibigan lang?”

Umiling si Dominic. “Ayaw kitang maging kaibigan lang.. alam mo yan. At please lang Irish, ginusto mo ito, pinipilit na rin kitang kalimutan..”

“Miss na kita..” naiya. Nakatungo. Parang ibig na niyang maluha.. “kahit papano, mahal din naman kita… as a friend” ewan niya kung bakit iyon ang kanyang nasabi.

“Ano pa nga ba? Yun naman ako sa yo, friend. Wala naman tayong magandang ala-ala. Lagi tayong nagbabangayan. Yun at yun din ang namimiss mo sakin.. ang pagiging presko ko” may pait ang tinig nito.

“Oo, mahal kita as friend.. noon.. pero ngayon, mahal kita.. bilang ikaw” nilakasan n’ya ang loob. Halos mabingi s’ya sa lakas ng tibok ng kanyang puso. Ngayo’y lumuluha na talaga s’ya ng tuluyan.

                Napatitig naman sa kanya si Dominic, pagkuwa’y umiling. “Salamat na lang” anito. “Ayaw na kitang guluhin pa kaya ako lumayo. Sige excuse me, may klase pa ko.. “ anito at tumayo, pero bago s’ya iwan ay iniabot sa kanya ang isang panyo. Naiwan s’yang lumuluha. Pinahid niya iyon at dali-daling nagtuloy s comfort room. Inayos niya ang sarili at pagkuwa’y nagtuloy sa classroom. Naroon na ang professor nila kaya’t di na siya nagawang kausapin ni Medi. Ngayon niya nararamdaman kung gaano kasakit ang nadama ni Dominic ng biguin nya.

                Dahil sa sama ng loob ay nagpagabi sya sa University. Nagbabad sya sa library. Open naman yon kahit gabi para sa mga panggabi ang schedule. Inubos n’ya ang oras sa pagbabasa ng kung anu-ano para kahit papano ay malimutan ang binata, pero paulit-ulit pa rin itong sumasagi sa kanyang isipan.  Kumakalam na ang sikmura nya nang maisipan n’yang umuwi. Noon ay mag-aalasyete na ng gabi. Nakababa na sya ng dyip at naglalakad na patungo sa bahay nila nang may marinig s’yang kaluskos. Medyo nahintakutan s’ya. Naisip n’ya na baka may nakawalang baka at bigla na lamang siyang masuwag. Mas lalo n’yang binilisan ang paglakad. Ewan pero parang ibang kaba ang nararamdaman nya. Nagulat pa siya nang may biglang humapit sa kanyang baywang. Kamuntik na s’yang mapasigaw. Si Dominic! Parang gustong malaglag ng puso nya.

                Sa pagkagulat ay di s’ya agad nakapagsalita. Samantala, tahimik pa rin ang lalaki. Kontento sa pagkakalagay ng kamay sa baywang n’ya.

“What’s this?” aniya ng makabawi.

“Anong what?” kunway inosente ito.

“Hoy Mister, hindi ako nakikipagbiruan ha, muntik na 'kong mahimatay sa pagkabigla, kung me sakit ako sa puso, baka inatake na ko eh!” kunway pagtataray n’ya.

“Ang sabihin mo, di mo talaga maresist ang charms ko kaya ka hihimatayin” anitong may pilyong ngiti sa labi.

                Tumahimik ang dalaga, pagkuway inalis ang kamay ng lalaki na noo’y nakakapit pa rin sa kanyang baywang.

“Hindi ako nakikipaglokohan Mister, ano bang ibig sabihin nito? Sabihin mo at ng makauwi na” aniyang tumigil sa paglakad. Tumigil din ang lalaki.

“Sino bang nakikipaglokohan, can’t you see, gusto kong magtatalon sa tuwa dahil magsyota na tayo”

“Syota? Anong syota?” aniyang nanlalaki ang mata.

“Syota! Di ba sinagot mo na ko? Nang sabihin mong mahal mo ako, yun na yon”

“Ano!?” gulat pa rin ang dalaga, bagamat nagdiriwang sa tuwa  ang kanyang puso.

“Opo miss pakipot, haynaku, kayo talagang mga babae sala sa init, sala sa lamig…” anitong umiiling-iling pa.. “Sa totoong lang, I’m happy kasi natupad na ang one dream ko” anito.

“You are not serious, are you?.. Please lang, wag mo kong paglaruan, gutom na ako at pagod..”

“Sino ba kasing maysabing magpakagabi ka ng uwi at magpagutom? Palibhasa kasi, love na love mo ‘ko. Buti na lang maaga akong nakauwi kanina at ipinagpaalam kita kina Nanay para hindi sila mag-alala sa’yo. Sinabi ko na gagabihin tayo ng uwi dahil dadalo tayo sa birthday ng isang kaklase” nangingiti ito.

“So, pinangunahan mo na naman ako, ganon?” asik n’ya na kinurot ito sa tagiliran, ayun na naman sila, nagbabangayan.. Yun ang talagang namimiss n’ya sa binata.

“Kasi naman sweetheart, di ka pa nagtatapat sa magulang mo, so sinabi ko na..”

“Na?”

“Na tayo ng dalawa..”

“Ha?”

“Kasi sinabi sa akin ni Medi ang dahilan kung bakit ayaw mo na maging tayo.. kaya ng umamin ka kanina na mahal mo ko, ako na ang nagkusang nagsabi kina Inay.. para di ka na mamroblema pa.. at wag kang mag-alala, makakatapos ka pa rin ng pag-aaral.. ikaw lang itong kung anu-ano ang iniisip..”

                Gulat si Irish. Di n’ya malaman kung ano ang sasabihin. Ganito ba talaga ito kabilis.

“O, bakit natigilan ka?” puna ni Dominic.. “O sige, pakinggan mo ako.. I’m serious.. I have a dream.. alam mo ba yun.. I have a dream na sana, magbago ang tingin mo sakin. Una pa lang kitang nakita, nahulog na agad ang loob ko sa’yo. Ayoko na maging kaibigan ka lang. At ngayong natupad na ang pangarap na yun, masayang-masaya ako Irish. Noon, gusto ko ng sumuko, sabi ko masyado na akong nagmumukhang tanga sa paghabol sa’yo. Kinapalan ko na lang ang mukha ko dahil talagang mahal kita. Pumayag akong maging magkaibigan lang muna tayo, para lang makasama ka. Pero ang mga paghihirap ko, parang walang halaga sa’yo. You always say na let’s just be friend, mas  masaya, pero hindi iyon ang gusto ko. Kaya lumayo ako. Tama nga ang desisyon ko nang lumayo ako, eh di namiss mo ako..” anitong nagiting-ngiti sa kanya.

“Drama mo!” kantyaw nya.

“Mas madrama ka yata, paiyak-iyak ka pa. Nararamdaman ko namang gusto mo rin ako from the very start..”

“Presko ka talaga!.. at corny!” aniyang tumatawa na rin.

“Cute naman!”

“Yabang mo” kinurot n’ya ulit ito sa tagiliran.

“Just say you love me..” lambing ng lalaki at pindot s’ya sa ilong. Napatungo s’ya s ginawang yun ni Dominic.

“O bakit namumula ang love ko?” anitong andun na naman ang pilyong ngiti.

“Sige na nga, mahal din kita. At para matahimik ka, mahal na mahal kita, ‘nong una pa lang, gaya ng sabi mo..” amin n’ya dito.

“Sabi na nga ba eh, eh di ngayon tayo ng dalawa?”

“Ano pa bang magagawa ko eh alam na nga nina Inay.. naunahan pa akong makaalam ha?” aniyang nakairap.

“Oo nga naman pala” sabi nito at sabay silang nagkatawanan.

                That’s the night. Their lucky night. Maningning na maningning ang langit dahil sa dami ng bituin. Maaaring wala ng makakapantay sa saya nila ng mga sandaling iyon. Buti na lang nalaman ni Irish ang pagkakamali at naituwid iyon. Alam n’ya kay Dominic, liligaya s’ya hanggang wakas.
----- 0 -----


No comments:

Post a Comment

Related Posts with Thumbnails