Sunday, September 5, 2010

Charing!

(No wonder, teenagers have wild imaginations. I was once a teenager, too. And as a result of my wild imagination I came up with this poem. This was written last May 06, 2001 12:20 PM when I was still a 2nd year high school student)

Hindi ko ipagdadamot to tell you this funny story
It’s been two years ago but malinaw sa memory
I remembered its February nang makilala ko si Pogi
Matangkad, kayumanggi, pamatay pa ang ngiti.


Kapapasok ko pa lang don maybe ten minutes after
Nang ako’y mapalingon 'coz langitngit akong na-hear
Sabay pasok naman, very poging teenager
Luminga sa paligid, then umupo sa isang chair.

Ang heart ko talon agad, nakakita lang ng gwapo
Love at first sight na yata, kinikilig tuloy ako
I was puzzled bakit tila, sana’y don ang taong ito
Magpapakulay kaya o pagupit na tulad ko.


Pumasok isang bakla, lapit agad don sa pogi
“Oy mare, Charing ha!”  puna sa ayos nito sabay ngiti
“Takot ka bang magladlad?” tanong nitong napangiwi
“Hindi naman kaylangan lang”, kumekembot nitong sabi.


While they're chatting about ‘Papas’ ako nama'y napatanga
“Anak ng tokwa”, sabi ko, aba’t bumigay na.
Then secretly sa 'king sarili, ako’y tawang-tawa
Minsan na nga lang mainlove, ay sa isang bading pala!

1 comment:

  1. hahahaha!! nice one Tedab! Bakit hindi ko to maalala nung highschool? Hindi mo to pinabasa sa akin.. hehehe!!

    ReplyDelete

Related Posts with Thumbnails