Sunday, September 12, 2010

Ang Tadhana

(This poem represents my parents love story - by Bernadette 08/18/01 3:30PM)




Noong 1984, nagkita si Papa’t Mama
Sa Pilar Village, Las Piñas, do’n sa Metro Manila

Ang Mama ko ay tindera, sa isang panaderya
At si Papa’y dealer ng coke do’n sa bakery nila.

Ang kanilang pagkikita ay tila itinadhana
Dahil si Papa ay nanligaw, anong laking pagkabigla

At itong aking Mama’y nag-uumapaw ang paghanga
Nagtapatan ng pag-ibig, na kapwa kay dakila!

Ang nakakatawa rito’y nang si Mama’y magbakasyon
Sinabi sa kanyang nobyong, sa probinsya’y paroroon

At ito namang aking Papa, sa kagustuhang maglimayon
Nagsabing s’ya ay sasama’t, ang nobya ay sumang-ayon

At tunay ngang kakatwa kung magbiro ang kapalaran
Dahil ganitong paniniwala’y agad na napatunayan

Nang dumating sa San Juan ang dalawang nagmamahalan
Inusisa si Papa kung kelan mamamanhikan

Ang sumundo na nangyari ay tila ba isang kidlat
Inihanda ang kaylangan, inayos na lahat-lahat

Sa Simbahang Katolika, ang dalawa’y iniharap
Nagsumpaan ng pag-ibig, at bumuo ng pangarap.

No comments:

Post a Comment

Related Posts with Thumbnails